Chapter 3

42 3 0
                                    

[A/N] Sorry kung paminsan minsan lang ako nakakaUD. Kung gusto niyo malaman kung anong nangyare kay Dale at Kate at kung sino yong babaeng kontrabida. Abangan niyo sa mga upcoming chapters. Please support my story.

#SOON

_____
Kate's POV •

Matapos nang drama moment ko sa clinic, pinauwi na nila kaagad ako. Sakto naman na nagtext si mama na may pupuntahan kami para sa business.

Dun na ako nagtaka once na nabasa ko yun.

Kasi never ako sinasama ni mama sa mga business meeting niya.

Pero wala parin akong magagawa kasi siya masusunod. Sabi niya magsuot daw ako ng dress. 2-3 inch above the knee daw para mag mukha akong presentable. WTF right? Mukha ba akong manang sa itsura niya? -_-

--

Nakaharap ako ngayon sa salamin. Color blue napili kong dress. Nakakulot na hair ko. Light make up lang. Para hindi halatang pinaghandaan ko to.

[See multimedia---->]

And taaadaaa

I look like a Goddess.

Goddess ng mga heartbroken.

**tok** ** tok**

"Princess, are you ready?"

Paglingon ko. Nakita ko si mama na nakasilip sa pintuan ko. Napansin ko din na naka black dress siya 1 inch above the knee.

"Yes ma, malapit na po. 2 minutes. "

Pumasok si mama sa kwarto ko at lumapit siya mismo kung saan ako nakaupo.

"Princess... " mahinhin niyang sabi habang inaayos buhok ko.

Hays. Aaminin ko, namiss ko yong gantong bonding moments namin ni mama. Yong siya magsusuklay ng buhok ko bago ako matulog, at pag-uusapan namin love story nila ni daddy o kaya naman tungkol sa mga boys.  Pero baka imposible na mangyare ulit iyun eh.  Paminsan- minsan ko lang kasi sila naaabutan dito sa bahay. 

Akala ko dati kapag mayaman ka, perpekto na buhay mo. Pero hindi pala, mas pipiliin ko pang mabuhay ng may kaya lang kaysa ganto na hindi mo araw araw nakikita mga magulang mo at wala ka pang kadamay sa mga problema mo na kaibigan.

May kuya naman ako, pero nasa ibang bansa siya kasi siya lang maaasahan sa ngayon na maghandle ng company namin dun.

Saklap ng buhay ko noh?

“Are you mad at me dahil ngayon na nga lang tayo magkikita, isasama pa kita sa business meeting ko?”

 
“No Ma, okay na rin po yun. Atleast makakasama kita.”

Napansin ko na napangiti si Mama sa sinabi ko.

“I’m so lucky to have you as my daughter.”

 

Sabi niya sabay hinalikan noo ko.

“Let’s go na. Baka inaantay na tayo ng driver.”

 

 Tumango nalang ako bilang sagot at sabay na kami bumaba.

Yong totoo, bat kaya ako sinama ni mama sa lakad niya?

Business partners ba niya talaga imemeet namin?

Para kasing hindi eh, ang sama ng pakiramdam ko dito ngayon.

“Anak, andito na tayo.”

Sumilip ako sa bintana at nakita kong pang mayaman talaga itong restaurant. Napansin ko din na nakababa na si mama at may kausap malapit sa entrance.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon