CHAPTER 8: What???

671 30 4
                                    

Present

Nakakastress na nga yung ginagawa ni Ivan kanina, tapos yung plan namin failed pa dagdagan mo pa ng nakakabwesit na misyon naming hanggang ngayon ay wala pa ring improvements naku ewan ko lang. Kaya ito kami ngayon nagpapakahirap sa HQ (headquarters) namin, nagta-trabaho para sa misyon namin kahit hating-gabi na.

Time check, its already past 12 pero ito pa rin kami nakaupo sa harap ng mga laptop namin at patuloy sa pangungulekta ng inpormasyong kinakailangan namin.

Nagscan kasi kaming apat dun sa nakuha naming inpormasyon, if it comfirms the location of the suspect right now. Habang si Cynthia lang ang nagse-search sa suspect via the use of satellite. Siya lang kasi ang may maraming alam dyan.

Kailangang matapos na namin to ngayon bago pa mahuli ang lahat. "May na trace up na ako!" tili ni Cynthia. "Look, ito na nga ang matagal na nating hinahanap." dagdag pa niya. Agad naman kaming lumapit sa kanya para tingnan ang sinabi niya at tama nga siya. Ito na ang mataggal na naming hinahanap. Salamat naman at nahanap na rin namin, at least hindi naging useless ang paghihirap namin ngayon.

"Hay, salamat. Sa wakas, nahanap na din natin ang taong yan." relieve na sabi ni Ricca at tumalon papuntang sofa. Nakakaloka naman 'tong babaeng 'to, talunin ba daw yung sofa galing dito sa inuupuan namin na may higit 2 meters ang layo. Hanep din 'tong babaeng to ahh, di man lang sinabi saming may bago pala siyang talent. Hmmm, buti nalang tama ang bagsak niya, kundi naku sakit ng katawan ang aabutin niya.

"Chillax Inna, alam ko kung saan ako babagsak no?" natatawa niyang sabi at humarap. "Hindi naman ako tanga para tatalon ng basta nalang no. Tsk, tsk. Minsan kasi mag-isip-isip rin pag may time HAHAHA." humahalakhak pang dagdag niya.

"HAHAHAHA, Oo nga no?" sarcastic ko namang tugon sa kanya at humahalakhak ng peke.

"Whatever, Inna! Asar na ang lola!" nakuha pa talaga niyang mang-asar sa lagay namin ngayon.

"Tama na nga yan Ricca, namumula na 'tong si Inna uhh." saway naman ni Pinky dito.

"Balik na nga tayo sa usapan," seryosong sabi naman ni Cynthia na hindi pa rin pala umalis sa harap ng computer niya kasama si Joyce. "Ngayong alam na natin kung sino at saan natin matatagpuan ang taong hinanap natin, ano na ang plano?" seryoso niyang tanong.

"Madali lang yan Cynthia since lima tayo, kailangan nating maging alerto sa lahat ng oras. Hindi ordinaryung tao ang makakalaban natin, kilala bilang "dakilang tuso" si Mr Del Valle at kailan ma'y di na yun mawawala sa kanya" pagsisimula ko.
"Gaya ng dati nating ginagawa. Ikaw Cynthia, maiwan ka dito para magmo-monitor sa mga kilos namin and at the same time imo-monitor mo yung place, at tayong apat naman ang pupunta dun." patuloy ko.

Joyce, ikaw ang bahalang mag-eliminate sa mga tauhan ni Mr Del Valle sa bandang likuran ng bahay niya. Ikaw naman Pinky, ikaw ang bahala sa labas ng bahay bandang harapan. At kami naman ni Ricca ang bahala kay Mr Del Valle at sa kanyang kanang kamay." page-explain ko sa task nila.

Matagal na naming hinahanap si Mr Del Valle dahil na rin sa mga illegal nitong gawain at higit sa lahat ay dahil na rin sa mga gangs na hawak nito. Napag alaman naming marami ng naging kasalanan ang mga gangs na under niya ngunit wala siyang ginagawa kundi ang kunsintihin ang mga ito. Worst is, ginagamit niya pala ang mga ito sa kanyang mga illegal business.

The Stupid Game ( freaking dare )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon