CHAPTER 15: Trip to Tagaytay

454 25 5
                                    

**Ivan's POV**

Ang sarap naman niyang titigan habang natutulog nakakatulo ng laway, ^__^(uyy di ako manyak hah? Wag kayong dirty-minded dyan ^ω^), napakainosente niyang tingnan at napakaamo ng kanyang mukha. Napakakinis ng kanyang balat na animo'y kutis ng sanggol, ang perfect ng hugis ng kanyang mukha na lalong nagbibigay ng kakaibang beauty, ang kanyang mapupulang mga labi na nakaka-akit sa aking pagkatao at ang katamtamang tangos ng kanyang ilong na nakapagdagdag sa kanyang appeal.

Sa bawat tingin at titig mo sa kanya ay para bang hinahatak ang yong pagkatao papalapit sa kanya. Iyon bang sa tuwing titingin ka sa kanya ay mas lalo siyang gumaganda sa iyong paningin. Ewan ko ba kung 'bat ganito ang epekto niya sakin, sa tuwing kasama ko siya pakiramdam ko ang gaan-gaan ng loob ko. Nakakalimutan ko yung mga problemang iniisip ko at ang saya ko.

I know this is weird pero ganoon talaga ang nararamdaman ko. Pagkasama ko siya para bang may nabuo sa akin na di ko matukoy kung ano yun. Tunay ngang kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko, ibang-iba siya mula sa kanyang natatanging katagian, pananamit, kilos at ang pagiging simply. She is fabulous in her own way. Kakaiba ang kanyang angking kagandahan, kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. She's one of a kind. Hmmp... Tigil-tigilan ko na nga 'tong pang-iisip ko ng ganito, baka isipin pa ng babaeng 'to ay minamanyak ko na talaga siya. Tigre pa naman ang isang 'to, mabuti pa ay gisingin ko na 'to.

"Hey, Sleeping Beauty, wake up!" natatawa kung pukaw sa kanya. Nakakatawa kasi ang hitsura niya ngayon, paano ba namang hindi eh sa natutuwa ako sa hilik niya at talagang nakabukas pa ng marahan ang kanyang bibig.

"Five minutes please ... " sagot pa niya. Pinipigilan ko nalang ang sarili kong matawa dito.

"Sige ka, Kapag hindi ka pa gigising, hahalikan na kita dyan." biro ko dito.

Nacu-curious naman ako ng may napansin akong kakaiba sa mukha niya kaya lumapit ako ng konti dito. Hindi pa rin naman siya gumising kaya nilapitan ko nalang. Hindi ko naman totohanin yung sinasabi kong hahalikan siya no.

"Anong sabi mo?" bigla niyang sagot sabay mulat ng kanyang mapang-akit na mga mata. Nagsalubong ang aming paningin at nagkatitigan kami ng mga ilang minuto. "H-hey!!, a-anong gagawin mo?" nau-utal niyang tanong.

Napapangiti naman ako sa inasal niya. "Relaks lang, binibiro lang naman kita eh akala mo siguro totohanin ko na talaga no?" biro ko ulit dito habang siya naman ay biglang yumuko at agad rin namang ngumiti.

"Hindi ahh alam ko namang di mo yun gagawin, diba andito na tayo tara labas na tayo." pag-iiba niya ng topic. "Ahahaha... Okay halika na, kanina pa kaya tayo dito." ayon ko nalang totoo namang kanina pa kami dito. Mabuti nalang at di ako nagsabi kung anong oras kami darating.

**Inna's POV**

"Wow, ang gandaaa naman dito!..." namamangha kong bulalas sa sarili ko. "Talagang maganda dito no!" sagot naman niya. "Huh? Naririnig mo yon?" sabi ko at nilingon siya ma nasa likuran ko. "Of course, ang lakas kaya ng boses mo!" sagot naman niya.

"Ahh," sabi ko nalang at tumingin ulit sa tanawing nasa aming harapan. "Wow, ang ganda talaga dito. Nasaan ba tayo?" tanong ko sa kanya ang akala ko kasi ay isang mansyon ang pupuntahan namin pero hindi pala. Nasa isang parang mini park kami at kasalukuyang naglalakad papuntang kung saan.

"Actually nandito tayo sa Hidalgo Village sa Tagaytay Highlands. Ang Hidalgo Village ay ang private village namin kung saan naroon ang Mamita ko at ang iba kong mga kamag-anak." mahaba niyang paliwanag. "Marami pang mas magagandang tanawin kaysa dito, hayaan mo bukas na bukas ipapasyal kita." dagdag pa niya.

The Stupid Game ( freaking dare )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon