THE TALE OF US

92 37 3
                                    

This is work of fiction. Names, characters, bussiness, songs, places, events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner, Any resemblance to actual Person living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.
No parts of the story may be reproduced,transmitted,or distributed without sending any prior permission to the author.

***
DISCLAIMER:

This is my first story in wattpad so don't expect too much🙂

I started writing this novel when im 15 year's old.

Credit to whoever it may concern for the media I used for the bookcover of this book. I dont own it.

***

SIMULA

"Maligayang Kaarawan, Mio! Maligayang Kaarawan, Mio!" masayang kinanta ni Leo habang hawak ang isang cake at isang nakabalot na regalo. Kaarawan ko nga pala ngayon, at sinorpresa niya ako. Wala akong plano mag-celebrate, pero ang loko, sosorpresahin pala ako. Si Leo ang matalik kong kaibigan sa Madrid Hospital, kung saan kami parehong nagtatrabaho. Siya ay isang nurse, at ako naman ay isang doktor.

"Salamat, par," sabi ko sa kanya at hinipan ang mga kandila sa cake.

"Teka, bakit mo kaagad hinipan ang kandila? Hindi ka pa nga nakakapag-wish," pagalit niyang sabi.

"Kasi, par, natupad na ang wish ko, at ikaw iyon—ang magkaroon ng kaibigan na maasahan at makakasama ko ng matagal," nakangiti kong sagot. Inilagay ko ang braso ko sa balikat niya, at ngumiti siya pabalik.

"Ito nga pala ang regalo ko sa'yo, par. Buksan mo dali!" Kitang-kita ko ang saya at excitement sa mga mata niya habang binibigay ang regalo. Excited kong binuksan ito kaagad.

Kinuha ko ang laman ng regalo at nagtaka. "Ano ito, par? Bakit notebook? Pagsusulatin mo na ba ako kaagad ng New Year's resolution ko?" Tanong ko habang tumatawa siya.

"Tutal, ako naman ang tumupad sa wish mo na magkaroon ka ng kaibigan na makakasama mo habang buhay, ikaw naman ngayon ang tutupad sa mga kahilingan ko na nakapaloob sa notebook na 'yan," masaya niyang sabi, na siyang ikinatawa ko rin.

Akmang bubuksan ko sana ang notebook nang pigilan niya ako. "Saka mo na buksan 'yan kapag dumating na ang tamang panahon," sabi niya, na nagpatawa sa akin.

"At kailan naman ang tamang panahon na 'yan, par? Kapag wala ka na?" Biro ko sa kanya.

"Kapag talagang ramdam mo na kailangan mo ng tuparin ang mga kahilingan ko." Weirdo man sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon, naisip ko na lang na baka laman ng notebook ang mga bagay na gusto niyang matanggap sa akin sa bawat kaarawan niya. Ngumiti ako.

"Tara na sa parking lot. Naghihintay na ang kotse ko sa atin. Mainipin pa naman 'yung kotse ko, at para narin makapunta na tayo sa condo ko para ma-celebrate na natin ang birthday mo," sabi niya. Nagtungo na kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Agad niyang pinaandar ito patungo sa condo niya.

Habang nagmamaneho siya, nagkukuwentuhan kami tungkol sa iba't ibang bagay, tulad ng kapatid niyang si Agatha na bumisita sa amin kahapon.

"Bakit tila lasing ata 'yung nagmamaneho na 'yun?" Sabi ko kay Leo habang itinuturo ang kotse na nakaharap sa amin. Paliko-liko ang pagmamaneho nito, at malapit na rin ito sa direksyon namin. Kung magpapatuloy ito sa pagliko-liko, mababangga kami.

"Baka nag-driving lesson lang. Alam mo naman, mahirap na mag-commute ngayon dahil maraming holdapers. Dapat mag-take ka rin ng driving lesson para hin—," hindi na natuloy ni Leo ang sasabihin niya nang mapansin niyang tatama na ang sasakyan na nakaharap sa amin. Hinarang niya ang katawan niya sa akin para hindi ako matalsikan ng salamin at hindi tumama ang ulo ko sa kotse na babangga sa amin.

"Anong ginagawa mo, Leo?! Alisin mo ang katawan mo!" Sabi ko sa kanya at pilit na inaalis ang katawan niya sa harapan ko.

"Kung hindi ko gagawin ito, walang maliligtas sa ating dalawa," huling sabi niya bago bumangga ang kotse sa kaharap naming kotse. Nagpagulong-gulong ang kotse namin, na siyang ikinawalan ko ng malay.

 *****

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko. Ang puting dingding ang kaagad kong nakita. Lininga-linga ko ang paningin ko upang malaman kung nasaan ako. Doon ko lang naalala ang nangyari sa amin ni Leo. Nasa ospital ako.

Napunta ang paningin ko sa pinto nang unti-unti itong bumukas. Iniluwa nito si Clark, ang pinsan ko.

"Mio? Mabuti gising ka na," sabi niya sa akin at lumapit sa akin.

"Anong nangyari sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkaroon ka ng mga galos sa katawan mo dahil sa aksidente, at nainjured rin ang kamay mo," sagot niya. Tumingin ako sa kamay ko na nababalutan ngayon ng benda.

"Si Leo? Nasaan siya? Gusto ko siyang puntahan," sabi ko at unti-unting bumangon sa kama kahit ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko.

"Mas mabuting magpahinga ka muna, pinsan," sabi niya at hinawakan ako sa balikat. Pinilit niya akong mahiga sa kama.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko, Clark? Nasaan si Leo?" Tanong ko sa kanya, na siyang ikinayuko niya.

"Mio, wala na si Leo," sabi niya habang nakayuko.

"Ano bang pinagsasabi mo, Clark? Sabihin mo sa akin na nagjojoke ka lang, di ba? Kasi pareho kaming naaksidente. Imposible naman na ako lang ang nakaligtas mula doon," sabi ko sa kanya at hinawakan ang kwelyo niya.

"Sana nga nagbibiro lang ako, insan, pero hindi. Masyadong maraming dugo ang nawala sa katawan niya, at tumama rin ang ulo niya sa kotseng bumangga sa inyo. Huli na ang lahat bago pa man madala sa ospital ang katawan niya," sabi niya sa akin. Naupo ako sa kama, at doon umagos ang rumaragasang mga luha ko.

Ilang minuto akong lumuha at nagtangis nang biglang may inabot sa akin si Clark.

"Nakita naming hawak ni Leo ito bago siya nawala," sabi ni Clark habang hawak ang notebook na irinegalo sa akin ni Leo, na puno ng mga kahilingan niya.

Kinuha ko ito at yinakap. "Patawarin mo ako, Leo, kung itinaya mo ang buhay mo para iligtas ako. Ngayon, ako naman ang gagawa ng paraan para maibalik ang mga kabutihang ginawa mo para sa akin. Tutuparin ko ang mga kahilingan mo na nakapaloob sa notebook na ito. Ipinapangako ko sa'yo, tutuparin ko ito para sa'yo."

 The Tale of Us [NOVELETTE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon