MIO POV'S
"May nakabiyak pa si Leo sa Maynila? " tanong nito na siyang ikinaseryoso ko.
"Hm.. M-Meron Bakit? " saad kong tanong.
"Kung ganun siguradong masasaktan si pinuno sa oras na malaman niya ang bagay na ito, kung kaya't hangga't maaari sana'y ilihim niyo muna ito kay pinuno," saad nito sa akin na siyang tinanguan ko lamang.
"Narito ka lang pala, tinakasan mo pa talaga ako," baritonong saad ng kung sino sa aking likuran. Pamilyar ang boses kung kaya't agad akong lumingon sa aking likuran ganun din si carlos.
Ng makita namin ang mukha nito ay kaagad kaming napatayo sa gulat.
"Kanina ka pa diyan? " gulat naming tanong kay pinuno.
"Ngayon lang bakit? may pinag-uusapan ba kayo tungkol sa akin? " kuryos na tanong nito sa amin at palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"Ha? Hindi, Hindi ka namin pinag-uusapan ano ka ba, " saad ko habang tumitingin sa iba't ibang direksiyon. "Kung ganun sumunod ka sa akin, at ikaw Carlos tinatawag kana ng asawa mo kanina pa," saad nito at agad namang napatakbo ng mabilis ng marinig ang sinabi ni pinuno.
Ng makaalis si Carlos dumako naman sa akin ang paningin ni pinuno "ikaw sumunod ka sa akin gusto kang makita ni pinuno," saad nito na siyang ikinasalubong ng kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin?'" tanong ko rito na siyang ikinairap nito sa akin. "Ako ang pinuno ng sandatahan at ang pinunong tinutukoy ko ay ang pinuno ng baryong ito," saad niya na siyang ikinaisip ko naman ng bigla akong may maalala.
"Teka! Nagsinungaling ka lang ba sa akin ng sabihin mong ikaw ang pinuno ng baryong ito? At Oo nga pala sinabi narin sa akin ni Carlos na siya inihip niya raw ang tubig na nasa banyo para sa akin. Bat kaba nagsisinungaling sa akin?" takang tanong ko sa kanya.
"Andami mong satsat magtungo na tayo roon," saad niya saka mabilisang naglakad na mukhang iniiwasan niya ang mga tinanong ko sa kanya kung kaya't hinabol ko ito at kinulit.
Sa pangungulit ko sa kanya, agad kaming nakapunta sa isang malaking kubo na sa tingin ko ay ang tirahan ng 'TOTOONG PINUNO'
"Pinunong Apo na rito na ang iyong panauhin," malakas at baritonong saad ni Pinuno, As in Pinuno ng Sandatahan. Agad namang lumabas ang isang babae at iginawad kami nito papasok sa kubo.
Sa pagpasok ko agad kong napansin ang mga lumang kagamitan na ginagamit ng mga sinaunang tao noon na hanggang ngayon ay meron parin at ang iba ay hindi na pamilyar sa akin.
Sa katitingin ko sa paligid hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ni pinuno (Pinuno ng Bayan). Agad naman akong nagbigay galang rito at saka nagsalita "Ikinagagalak ko po kayong makilala pinuno," saad ko saka nginitian ito samantalang ang kasama ko naman ay tumango lang kay pinuno (pinuno ng bayan) saka lumabas na.
"Ikinagagalak rin kitang makilala iho, at ako nga pala si pinunong apo ng bayang ito," sabi nito saka ako nito pinaupo.
"Balita ko ipinadala ka raw ng aking anak rito sa baryo para tumulong manggamot sa mga napuruhan sa labanan namin laban sa mga militar," saad nito na siyang ikinatango ko naman ng biglang may pumasok sa isip ko.
"Ta-Tatay po kayo ni Leo? " Tanong ko rito dahil tinawag niyang 'aking anak' si Leo sa sinabi niya kanina na siyang ikinatawa naman niya.
"Akala ko'y nasabi na sayo ni Leo na ang tatay niya ang pinuno ng mga rebelde ngunit mukhang mali ata ang pag-aakala ko," saad nito at pagak na tumawa.
"Hindi naman po sa ganun siguro'y nag-aalala lang po siya sa magiging reaksiyon ko sa oras na sabihin niyang ang ama niya ang pinuno ng mga rebelde," saad ko saka siya nginitian.
BINABASA MO ANG
The Tale of Us [NOVELETTE]
RomanceBecause of the death of someone significant to both of them, two people from different worlds will meet. ••••• Mio is a doctor in Manila who leads a quiet life. Because of his friend's death, he vowed to himself that he would achieve his friend's a...