Maaga natapos ang mga klase ko ngayon kaya naisip kong pumunta ng mall, "Nasan ba sila Farrah?" bulong ko habang papalabas ng building.
Kailangan ko na talaga bumili ng cellphone. kinukulit na rin ako ni lola na bumili eh! para daw ma-contact niya ko pag wala ako sa dorm, Tatawag naman kasi kung kailan nasa school ako,
"Farrah!" sigaw ko ng makita ko silang nakaupo sa bench. Agad akong lumapit sa kanila."May klase pa ba kayo?" tanong ko.
"Meron pa ko, ikaw loisa?" nakataas ang isang kilay na tanong ni farrah, tumango lang si loisa na busy sa kakatext. "Why girl?" tanong pa niya.
"May bibilhin kasi ako sa mall," Tsk! nakakamad pa naman pumunta don mag-isa,
"Sorry leyla, Next time na lang," tumayo si loisa na parang nagmamadali "Mauna na ko girls!" sabay takbo palabas ng eskwelahan, Akala ko ba may klase siya?
"Lalandi na naman si gaga," sabi ni farrah habang nakatingin sa tumatakbong si loisa, "Sorry girl, Next time na lang kita sasamahan," Sabi pa niya bago ayusin ang mga gamit niya at tumayo. "Bye girl," Tumango ako bago siya umalis sa harap ko. Ako na lang mag isa, Saglit lang naman eh.
Aalis na sana ako pero nagulat ako sa biglang paakbay sakin,
"Finally nakita rin kita." kinabahan agad ako ng marinig ang boses na yon, paglingon ko ang nakangiti niyang mukha ang sumalubong sakin. Shit!
"B-bitaw nga!" tinulak ko siya bago tignan ng masama, "Ano bang kailangan mo?" dagdag ko. Pinagpatong niya ang dalawang kamay niya sa dibdib niya,
"Alam mo bang dahil sa pagsuntok mo sakin kahapon, kailangan pang lagyan ng dalawang bulak ang butas ng ilong ko ha!" Halata ang pagkainis sa mukha niya, Pero ewan ko kung bakit natatawa ako, Pinilit kong maging seryoso lang sa harap niya.
"Bagay lang sayo yon noh!" singhal ko bago siya layasan,
"Walk out na naman." sabi niya, Naramdaman kong sumunod siya sakin, "San ka ba pupunta?" bakit ba ayaw niya kong tigilan? Hindi ko siya pinansin para layasan na ko pero..
Hanggang makarating ako sa mall nakasunod pa rin siya sakin. Kahit anong deadma ko sa kanya wala siyang pake,
Napapansin ko rin pamimsan-minsan ang pagtingin sa kanya ng mga babaeng nadadaanan namin, Tsk!
Pagkatapos kong makabili ng cellphone at simcard tumambay muna ako sa foodchoice.
"Bibili ka na lang ng cellphone secondhand pa, Mukhang bulok pa." napatingil ako sa paglalagay ng sim sa cellphone ko dahil sa pag sasalita niya,
"Ano bang pake mo?" inirapan ko siya at tinuloy na ang ginagawa ko,
"Tss!" inirapan niya ko bago tumayo, Tsk! Bakla ata! pero buti naman at titigilan niya na ko..
Sinave ko kaagad ang number ni lola at nag compose ng message.
La nakabili na ko ng cp, Tatawag na lang ho ako pag may load na, Free text lang to eh.
Send
Tatayo na ko ng biglang may umupo sa tapat ko kasabay non ang paglapag ng tray,
"O bakit andito ka pa?" Akala ko ba titigilan niya na ko?
"Nag order lang ako ng pagkain," napatingin ako sa tray, Nag order rin siya "Oh," nilagay niya sa harap ko yung plato tsyaka ulam. Libre niya? Bakit walang panulak? hayaan na nga, Sinimulan ko na ang pagkain, Nagugutom na rin ako tsyaka sayang eh!
"Gusto mong manuod ng sine?" tanong niya bigla, Sine? Diba madilim don?
"Ayoko."
"Bakit naman?" tanong niya. Tinatanong pa ba kung bakit? halata naman na
"Dahil ayokong kasama ka." seryosong sagot ko. Puro ka manyakan lang ang ginagawa niya sakin, Kaya dapat talaga iwasan ko siya.
Hanggang sa natapos kaming kumain hindi na siya nagsalita, Hindi ko alam kung nainis ba siya o ano,
****
Sa buong linggo naging tahimik ang buhay ko sa school, Tinatamad na tuloy akong pumasok.
"Hoy! bakit tulala ka naman?" hindi ko pinansin si farrah at pinagpatuloy lang ang pag titig sa dalawang nag lalandian sa gilid ko,
Pagkatapos ng nangyari sa mall hindi na ko kinausap o tinignan ni grey, kahit nakakasalubong ko siya umaakto siya na parang hindi niya ko kilala. At naiinis na talaga ako! Ano bang problema niya, at bakit ba ako naiinis? ano bang problema ko? eto naman ang gusto ko, pero bakit hindi ko na gusto ngayon? bakit.. shit!
Napahinga ako ng malalim, Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko..
"Lusaw na si grey girl, Tama na yan." bulong ni farrah sakin.
"Ano bang problema mo? One week ka nang tulaley ah" ani loisa habang titig na titig sakin.
"Wala."
"Wala daw,..Ano ba kasing nangyari sa inyo?" ani farrah na nakatitig rin sakin.
"Walang nangyari samin!" sagot ko kaagad, nag tinginan silang dalawa bago tumawa ng mahina. Wala pa naman talagang nangyayari samin ah!
"Girl ang dumi na talaga ang utak mo," ani farrah, ha? ano bang nangyari ang tinatanong nila? tsk!
"Kasalanan niyo to eh.." bulong ko sa sarili ko.
"Baka naman inlove ka na sa kanya," biglang sabi ni loisa, na nag patigil sakin.
Inlove ako sa kanya?
Shit! hindi pwede!
*****
Vote and Comment guys!
GreenMasCARA
BINABASA MO ANG
LOVELUST (Completed)
Roman d'amourSi LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay nilisan niya ang kanyang probinsya. Ngunit sa pagpunta niya sa maynila ay makikilala niya ang notorious playboy ng kanilang unibersidad at m...