Pagkatapos namin na mag usap ni mama umakyat ako sa taas, hindi para gumawa ng baby o ano gusto ko lang talaga mag pahinga na, pero paano pa ako makakapag pahinga kung ang daming gumugulo sa isip ko, parang mas gusto ko nga na hindi na lang nalaman yon kesa alam ko eh, tsk! ang hirap intindihin ni grey..
pagpasok ko sa kwarto niya madilim na ang buong paligid, tanging lampshade na lang sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag rito. huminga ako ng malalim. sasabihin ko ba sa kanya yon o mag papanggap ako na walang alam.
Humiga ako sa gilid niya kung saan ang mukha niya ay nakaharap. Tumagilid ako para matitigan ang kanyang mukha. Mukhang mahimbing na ang pagtulog niya. Buti siya! Gusto ko na talaga matulog,
pinikit ko ang mga mata ko pero thirty minutes na yata akong nakapikit hindi pa rin ako makatulog. pagdilat ko ng mga mata ko ganon pa rin ang pwesto niya. Hindi ba siya gumagalaw?
sinundot ko ang pisngi niya pero hindi siya gumalaw, ngumiti ako. Limang taon na pero parang kailan lang ang lahat. Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Hays!
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang dumilat ang mga mata niya.
"HAA! bakit ka ba nang gugulat!" Kumunot ang noo niya.
"Bakit kasi nakatitig ka sakin?"
"A-anong nakatitig, Hindi no!" Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. "Napatingin lang eh..." dagdag ko sa mahinang boses. Shit nakakahiya nahuli niya ko! akala ko kasi tulog na siya?
"What's wrong?" nakapikit na ulit ang mata niya ng magsalita siya.
"W-wala..hindi lang ako makatulog"
"You can't sleep, because you think too much leyla..rest your mind. Baka mag shutdown yan" saad niya. Halata bang nag iisip ako?
"Paano mo naman nasabi na nag iisip ako?" Takang tanong ko, paano niya nalaman? Ganon ba ako kadali mabasa?
"Sabi mo hindi ka makatulog"
"Oo nga"
"Yon lang naman ang reason non, hindi ka makatulog kasi isip ka ng isip o baka iniisip kita" nakita kong ngumiti siya. Iniisip niya ko? nag tutulog-tulogan lang pala siya ganon?
"Or maybe you're having a wedding jitters," ngumiti ulit siya.
Wedding jitters?
"kasal na tayo, saan pa ako mamomoblema.." sagot ko.
"Iba naman yung sa simbahan talaga, mas maraming arte and more formal" oo nga no! Tsk! mas lalo tuloy ayoko ng makasal ulit!
"Bakit kasi magpapakasal pa tayo eh kasal na tayo.." bulong ko,
"Nga pala, wala ka bang napapansin kay gael?" Tanong ko para maiba ang usapan. Ayoko muna isipin ang kasal ulit namin!
ilang araw ko na talagang napapansin na nag iiba na ang anak ko, tahimik na siya ngayon hindi kagaya dati.
"Bukod sa magkamukha kami wala naman"
"Kapal! kami ang magkamukha no!... Feeling ko parang may sariling mundo na siya eh, hindi kaya autistic siya? Pa check-up kaya natin?" seryosong saad ko. Pero tumawa siya.
"Bakit kaya hindi ikaw ang ipacheck-up ko, sa mental"halatang nag bibiro ang tono niya.
"Seryoso ako"
"Seryoso rin ako, I don't think there's something wrong with him, baka nag bibinata lang," tumawa ulit siya
"Ikaw kaya pacheck up ko sa mental! mas baliw ka pa eh! mag fi-five pa lang siya no!" tumawa siya.
"Panunodin ko na nga ng mga porn yon, para matuto na" sinapak ko kaagad ang balikat niya,
"Subukan mo!" Manyak talaga! Tuturuan pa ang anak namin sa mga kamanyakan niya.
pag talaga manyak habang buhay ng manyak! ano bang nagustuhan ko sa kanya noon? Parang wala naman eh!
"I like it when we are like this..talking things like normal.." natigilan ako sa sinabi niya..
Ngayon ko lang napansin na kanina pa nga kami nag uusap pero parang normal lang sakin hindi ako kinakabahan parang komportable na ako sa kanya..
At
gusto ko rin na ganito kami..
Ngumiti ako,
"Edi gabi-gabi mag usap tayo!" Natawa ako sa sinabi ko, pero nagulat ako ng bigla niyang ipulupot yung braso niya sa legs ko.
"Usap lang.."
"H-HOY!" itunulak ko ang noo niya ng maramdaman ang pag halik niya ang gilid ng legs ko.
Tumawa siya sabay bitaw sakin tapos dumapa siya, nasa kabilang gilid na ang mukha niya kaya hindi ko makita.
"Well, its okay. I'm content as long as you and gael are here..beside me. That's enough leyla.."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya pero napangiti ako.. tinitigan ko ang likod ng ulo niya.
"Grey..."
"...."
Napansin ko ang mabigat na paghinga niya.
Napangiti ako..
"Good night.." saad ko
Siguro makakatulog na ako.. ng mahimbing...
-------
RING RING RING....
Kumunot ang noo ko sa ingay na yon. Tsk! Naman!
RING RING RING ....
"G-grey.." pikit mata ko siyang inabot para alugin.
"Hmm?"
"Ang ingay ng cellphone mo" Naramdaman ko ang pag galaw niya.
"Hello?" Sagot niya kasabay ang pagtigil ng maingay na pagtunog ng cellphone niya.
"Green..tsk! ang aga mo naman mangbulabog" himinto siya, kinusot ko ang mata ko at lumingon sa kanya "Tss..." nakaupo siya sa gilid ng kama, ginulo niya yung buhok niya "Oo na Oo na..I'll be the---he hung up tsk! weirdo!" pabagsak na binitiwan niya sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama ang cellphone niya.
"Badtrip..." bulong niya sabay tayo at diretso sa CR
Nagtataka kong sinundan siya ng tingin bago ako gumapang papunta sa gilid Kung saan naka pwesto siya kanina para tignan ang oras,
"Alas dose na!" Shit naman! tinamad na bumangon ako at hinintay siyang lumabas ng banyo. himala hindi nambulabog ang anak ko ngayon. tulog pa rin?
Paglabas niya nakaligo na siya, pero nakatapis lang ng tuwalya, at dinaan ako na para bang hindi naman nahihiya. ako ang nahihiya sa kanya eh! Agad na pumasok ako sa banyo at mabilis na nag hilamos.
Paglabas ko nakabihis na siya, himala at papasok na siya ng trabaho ha!
Lalabas na sana ako sa kwarto ng mapansin ang sticky note na nakadikit sa pinto.
"Ano to?" Kinuha ko yon at tinignan si grey
"What?" Tanong niya sabay lapit sakin. Nilapit ko sa kanya yon saka ko binasa.
"My dearest Son and daughter-in-law
Hindi ko na kayo ginising dahil ang himbing ng tulog niyo na mag ka yakap, kaya ayoko nang storbohin kayo.. well pupunta kami sa rest house ngayon kasama si gael, 3days kami don. ako na ang bahala sa grandson ko alam ko ng utuin to .. hahaha!Ps: pinag day-off ko ang mga katulong ng 3days! kayo na bahala dyan! Enjoy! <3
Pps: i can't wait to meet greyella! Xoxo"
kunot noo akong napatingin kay grey.
"Sinong greyella?" Takang tanong ko. Nagkibit balikat siya.
"I don't know"
--------
MERRY CHRISTMAS!! HOHOHO!
GreenMasCARA
BINABASA MO ANG
LOVELUST (Completed)
DragosteSi LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay nilisan niya ang kanyang probinsya. Ngunit sa pagpunta niya sa maynila ay makikilala niya ang notorious playboy ng kanilang unibersidad at m...