Paalam

7 0 0
                                    

Paalam sa mga araw na aking ginunita

Sa mga litanya ng memoryang pilit kang iniiba

Ito na ang huling beses na ako ay pipirme

Tatanggalin na ang lahat, simula sa'yong imahe


Paalam sa mga pangakong dakong darating

Kalilimutan na ang mga dating hiniling

Ang kahapon at noon ay pilit nang ibabaon

Ang buhay ko'y sa bukas na itutuon

The Endless EndsWhere stories live. Discover now