Biyahe

7 1 0
                                    

Gusto kong maranasang bumyahe nang ilang oras sa bus na katabi ka.

Na kahit siguro ako 'yung nasa tabi ng bintana, at madaming nakakaakit na lugar, sa'yo pa rin hahantong ang mga titig ko.


Gusto kong makaramdam ng matinding pagod, pagod na magbibigay daan para ako'y may dahilan na sumandal sa iyong balikat.


O kaya naman ay mahiga sa iyong kandungan.


Gusto kong maranasan na hawiin mo ang aking buhok habang ako ay natutulog.


Gusto kong maranasang matulog ng mahimbing nang hindi na tinatakpan ang aking mukha dahil panatag ako na ikaw ang nakatingin.


Gusto kong maranasang matulog nang mahimbing, nang walang pag-aalinlangan dahil ikaw ang sa akin ay gigising.


Gusto kong maranasan ang dahan-dahan mong mga kamay na tumapik sa akin at saka sa tenga ko ay bumulong...


"Mahal ko, gising na, andito na tayo."


Gusto kong magising nang dahan-dahan, at saka makulong sa yakap mong mainit, sa maalaga mong halik sa aking pisngi, at sa hawak ng malambot mong kamay na hihila sa akin palabas ng bus.

Gusto kong bumyahe, kahit saan, basta't magkasama tayong dalawa.

The Endless EndsWhere stories live. Discover now