I Plead Guilty

30 2 0
                                    

Bakit ngayon pa kung kailan ayoko na

Ayoko nang umibig pero dumating ka pa

Namamahinga lang tapos tititig ka

Anong tingin mo sa'kin, bato?

Sobrang lambot ng puso ko para sabihin ko sa'yo

Damang-dama ang bawat pagsulyap mo kahit na umiiwas na ako

Pinilit kong mag tulog-tulugan pero ang tindi mo

Ginising mo ang puso't kaluluwa ko

Nayanig ang mundong dati nang sira

Nabuhay ang bulaklak na dati nang nalanta

Naging pintura ka sa buhay kong wala ng kulay at saysay

Pero tangina kase bakit ganon?

Hinanap ka, hinanap ka

Nahanap ka, nahanap ka

At puta edi wow meron ka na palang iba

May nagmamay-ari na sa puso mo

Pero promise, ang bobo mo

Sira-ulo ka

Tangina ang ganda mo

Ang sarap mong sapakin kase ayaw mong maniwala

Pero promise, ang ganda mo

Ang ganda ng personalidad mong yumayakap sa tulad kong walang kwenta

Na hindi kita nakitaan ng kahit anong paga-alinlangan

Na kausapin ako kahit na sira na ang ulo mo

Sira ang ulo mo

Sana ako na lang ang dahilan, pero hindi

Sumusugal ka sa isang larong tatlong beses ka nang natalo

Bakit ang bait-bait mo?

Nasiraan ka na ba ng bait?

Sarap mong sampalin kaliwa't kanan

Sampalin ng mga halik please huwag ka na umiyak, pwede ka bang itanan?

Pero joke lang 'yun, 'di ko kayang buhayin ka

Hindi ko kayang buhayin ka sa paraan na alam ng iba

Huwag kang mag-alala, bubuhayin pa rin kita

Bubuhayin ko ang karamdaman mo

Karamdaman mong pinapatay ng taong gusto mong makasama sa buhay

Gusto ka ba?

Oo sinasabi niyang mahal ka niya pero totoo ba?

Pero tangina kase, please, huwag ka mahulog sa tulad ko

Huwag sa paraan na nahulog ka lamang kase walang sumasalo

Sana lumalim pa ang pagiging magkaibigan natin

Na kahit hindi na dumating sa puntong nagkakáibigán

Iibigin kita kahit na malayo ka, malapit ka lang naman kase

Malapit ka lang eh

Malapit ka nang mawala

Nakakapit ka na lamang sa lubid na pilit mong hinahawakan

Kahit wala namang nakasuporta

Kahit wala namang nakadagan

Ako ang magsisilbing barko mo sa karagatang nabuo mula sa pighati

Lipon ng mga salitang walang kwenta ngunit pinanghahawakan

Hayaan mo, narito ako

Tangina ka, narito ako

Bakit ba naman kase lahat ng hilig mo ay hilig ko at bakit nakikita ko ang sarili ko sa'yo ewan ko ba kung naghahanap lamang ako ng taong sasalamin sa buhay ko pero tangina parehas tayong nakasalamin kaso maganda ka panget ako pero tangina opposites attract daw pero myth lang 'yun search mo pa sa google kaya nga inihahambing ko ang sarili ko sa'yo oh shit my God you're me how long have you been you tapos ang gulo-gulo talaga ng utak ko ang dami kong gustong sabihin kaso natatakot ako kase nga hindi pa kita lubos na kilala at ganoon din ako sa'yo pero putangina naman kase hindi ko maintindihan ilang araw pa lamang tayong nagkakilala pero ang gaan na ng loob ko sa'yo at sa tingin ko ay ganoon ka rin pero please please 'di ko naman ginusto 'to na kahit ayaw mo yata at natatawa ka pa at hindi makapaniwalang may mga taong nagkakagusto sa'yo sa loob lamang ng isang linggo pero tangina nung mga 'yun huwag mo silang paniwalaan ako na lang hindi naman kita ginusto kase maganda ka pero maganda ka talaga o diba ano huwag ka nang umiyak sa kakatawa kase totoo nga promise peksman mamatay man ako ngayon ahk ahk ganyan tunog ng mga memelords sa epbi na ang papanget naman ng mga memes yoko na pagod na akong maging tamad hahaha tawa ka hahaha tawa pa hahaha sige lang tangina ilabas mo lang lahat ng iyan huwag kang mag-alala narito ako kahit pagod na ako kase tangina imagine-in mo tuloy-tuloy kong tinype 'to tapos walang tuldok ang lupit diba may nagagalit na siguro sa'kin pero wapakels tangina naman kase hindi ko maintindihan nararamdaman ko kras lang dapat eh pero putangina nakraskras yung puso ko sa konsepto't imahe mo holy shit I love myself

But I think...

I think I love you more

The Endless EndsWhere stories live. Discover now