Matagumpay na naipasa ni Dean ang natatanging video na naglalaman ng ebidensya laban sa kuya niya. Kampante kaming mabilis na makukuha ni Rina ang hustisya.
Palabas na kami sa prosecutor's office nang harangin kami ng kalalakihan.
Napaatras si Dean at humawak sa kamay ko. “Kuya Sam,” nanginginig na bigkas niya nang mamukhaan ang isa sa mga lalaki. Lumapit iyon sa kanya at inilabas ang maliit na revolver na nakatago sa tagiliran nito.
“Hayup ka, di ba sinabi kong huwag mo akong kakalabanin!” Napaatras ako at napalunok, nakita kong tinutukan na sa baril sa sintido si Dean.
“Hindi na ako natatakot kuya. Sige, iputok mo, gago ka putangina ka!” lakas-loob na sigaw ni Dean. Haharang na sana ako sa dalawa pero maagap namang tinutukan na rin ako ng baril at sapilitan akong isinakay sa kotse.
“Please huwag po. Saan n'yo ako dadalhin?” Nagmamakaawa na ako sa kanila pero mga wala silang puso. Isinakay talaga nila ako sa tinted van at mabilis na pinaharurot iyon. Sunod ay naging itim na ang paningin ko. Ang dilim, napakadilim.
***
Nagising akong nakaratay sa hospital bed. I was struggling to get up but a sudden familiar voice stopped me.
“Gising na ang anak mo!”
Hindi ako puwedeng magkamali, boses ni mama iyon tapos impit na hikbi mula kay papa ang narinig ko. “Mabuti na lang at gising ka na anak!”
Mangiyak-ngiyak sa harapan ko ang mga magulang ko, marahan nila akong niyakap. Hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon nila ako makikitang muli. “Sorry mama, sorry papa.” Tumulo na pala ang luha ko nang gantihan ko sila ng yakap.
“Alam na namin ang lahat dahil kay Dean, di ba boyfriend mo siya?” Nagtaka ako, nakangiti na si papa at tila wala nang sama nang loob sa akin.
Tumango ako at biglang nag-alala. “Nasaan na pala siya? Okay ba siya? Hindi ba siya nabaril?”
“Nasa kabilang room, wala naman siyang tama ng baril. Nautakan niya ang kapatid niya. Nakapiit na sa presinto, maraming kaso eh, extortion, homicide saka administrative,” paglalahad ni papa.
“Pero paano n'yo nalaman na nagpunta kami sa prosecutor?”
“Sinabi ni Dean. Pasikreto niya kaming kinontact. Nang sabihin niyang magpupunta kayo sa prosecutor, naalarma kami. Buti na lang at nagtawag na rin siya ng tulong para makulong talaga ang kuya niya dahil alam niyang magkakagulo,” sabi naman ni mama.
“Gusto ko po siyang makita. Gusto kong masiguro na okay siya,” pakiusap ko sa kanila.
“Itanong muna natin kung pwede kang lumabas saglit. May benda ka pa sa ulo, pinukpok ka pala ng maso eh.”
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga.
***
In-advise ng doktor na pwede na akong ma-discharge. Natuwa naman ako at sinabi rin na puwede ko nang dalawin si Dean sa kabilang kwarto. Sobrang natuwa ako dahil namataan ko siyang gising. Mabilis akong tumakbo na para bang walang iniindang sakit sa ulo.
“Dindin!” tili ko papalapit sa kanya. Sinalubong niya ako ng mainit na yakap.
“Buti na lang at safe ka. Buti na lang.” Narinig ko ang impit na paghikbi ni Dean. Napakalma ko rin siya kaagad nang haplusin ko ang magkabilang pisngi niya.
“Nagawa mo rin. Nakamit mo rin ang hustisya para kay Rina,” mangiyak-ngiyak kong sambit saka pinunasan ang mga butil ng luha sa kanyang mata.
“Nagawa natin,” masuyo niyang pagtatama.
“Yes!” sa sobrang saya ko ay napahigpit ang yakap ko. Bigla siyang napaigik sa sakit. “May pasâ ako sa tagiliran, sinuntok ako ni kuya eh.”
“Sorry, masyado akong nanggigil.” Nahiya ako at napayuko na lang.
“Babawi tayo sa susunod.” Ngumiti na naman siya na tila may ibig sabihin. Muli niya akong niyakap.
“Huwag natin tingnan nang husto ang isa't isa. Basta ang mahalaga, pareho tayong titingin sa gusto nating patunguhan,” dagdag niya at hinagkan ako sa noo.
Maayos na ang lahat, haharap na lang kami sa mga magulang ni Rina para makamit ni Dean ang kapanatagan ng loob. At sana, makaharap din ni Dean si Rina kapag tuluyan na itong gumaling mula sa karamdaman.
“Mahal kita Ruel,” masuyong sambit ni Dean. Ito na yata ang pinakamasayang regalo na natanggap ko sa darating na pasko. Natagpuan ko na ang pag-ibig ko at natanggap na rin ako ng parents ko.
“Mas mahal kita, Dean.”
Wakas.
A/N:
Hey guys! Sa wakas natapos ko rin ang kwentong ito. Hindi madali dahil hindi ko forte ang BL genre. Salamat sa patuloy na naniwala at sana'y may mapulot kayong aral.
Mwaaaah
— Michielokim/captainseoham
BINABASA MO ANG
Blue Seaside (Boys Love) [FINISHED]
Narrativa generaleBrave, manly and handsome- ganyan ang pagkakakilala ng nakararami kay Ruel Calderon, isang aspiring policeman. Ngunit sa kabila ng perpektong pagkakakilanlan, itinago niya ang sikretong hindi matanggap ng sarili niyang pamilya. He's in the state of...