Sterces 2

18 3 0
                                    



Dew Villary pov:

"Bilisan mo Dew andiyan na ang bantay." pabulong na singhal sa akin ni First.

"Ang takaw mo naman kasi First. Hatinggabi na umiikot pa rin 'yang tiyan mo!" pasinghal ko ding bulong sa kanya.

"Eh sino ba ang naubusan ng chocolate dito? Diba ikaw?!" Aba't! Sasabunutan ko na talaga ang isang ito. Sinisi pa ako dahil sa katakawan niya.

"Tsk! Mga baliw na nga tayo, nagnanakaw pa tayo ng pagkain dito sa canteen. ..at kasalanan mo talaga 'to First kapag nahuli tayo dito." sisi ko naman sa kanya na inirapan lang niya. Hindi na kasi siya nakakapagsalita dahil kagat-kagat na niya ang tinapay sa bunganga niya. Ang takaw niya talaga!

"Sino yan?" tanong nung nurse na nag-ikot ikot tuwing gabi.

"Sagutin mo." baliw namang suhestiyon ng kasama ko.

"Ikaw na ang sumagot, mas baliw ka sa ating dalawa." suhestiyon ko din sa kanya.

Tinaas-taas naman ng baliw ang kamay niya at buti na lang hindi nakatingin sa pwesto namin ang nurse na nag-iilaw pa ng flash light niya.

"Baliw ka talaga First!" singhal ko na tinawanan lang niya.

"Takbo." nakangiti pa niyang sabi na natatawa ko namang tinanguan bago kami magkahawak kamay na lumabas ng pinagtataguan namin.

"Ayy Potcha!!" gulat na sigaw ng nurse ng bigla kaming nagpakita sa kanya.

Malakas kaming napatawa ni First dahil sa hitsura niya.

"Hoy!! Kayo na naman!!" sambit niya ng makabawi siya sa pagkagulat kaya mabilis kaming tumakbo para takasan siya.

"Hahahhahaah.. habulin mo kami ng flash light mo kalbo." pang-asar pa ni First dito.

"Hahaha.. Baliw ka talaga First. Mapaparusahan na naman tayo nito bukas." natatawa kong sambit sa kanya. Ilang beses na kasi kaming tumatakas pag gabi para lang mangupit ng pagkain sa canteen. Libre naman ito para sa mga pasyente pero may oras ang sinusunod para pakainin kami dito.

Kaya lang itong si First ay parang tangke ang lagayan ng pagkain sa tiyan. Walang kabusugan.

Pero okay na din iyon kaysa makita ko siyang tulala na naman sa tabi habang nag-iisip.

Tsk! Madalas niyang sabihing wala siyang maisip pero kabaligtaran iyon sa totoo niyang ginagawa.

She's sometimes quiet but there's so many thoughts running inside her head.

Madalas kong napapansing hindi siya nakakatulog tuwing gabi. Minsan balisa siya at kapag nakakatulog man siya, magigising na lang ako sa hikbi niya dahil binabangungot siya.

Simula kasi noong magkakilala kami, magkatabi na ang mga higaan namin. Sinadya din siguro iyon ng doctor upang lage kaming magkasama.

"Why are you looking at me?" nagtatakang tanong niya.

"Ang ganda ko." sagot ko. "At ang pangit mo pala." ngisi ko sa kanya. Mabilis naman niyang nasabunutan ang buhok ko.

"Illusyonada ka!" Mas maganda ako sayo no. Malaki lang dibdib mo, pero mas matangkad ako sayo. Hahaha." bwelta niya.

Malakas kaming nagtawanan na nagpagising sa ibang mga pasyente.

Nabulabog ang buong hospital dahil ginaya na din kami ng iba.

D' STERCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon