Dew Villary pov;"This is Mr. Hiroshi Yamamoto ang co-founder ng drug syndicate sa Japan. Kelangan mong makuha ang loob niya upang sa atin siya aanib." sambit ng ama ko habang pinapakita niya ang isang larawan ng may edad ng Hapon.
Tamad ko lang na pinapakinggan ang sinasabi niya. Ang dami pa niyang sinasabing mga personalidad pero wala naman akong pakialam sa mga taong iyon dahil iisa lang naman ang mga uri nila. Mga masasamang tao. Mga demonyo.
"This is Mr. Javier Luis Park, ang Founder ng Underground Organization." napaikot na lang ang mata ko sa muli na naman niyang pinakita. Paano ko naman makikilala ang isang 'yun kung nakamaskara?
"Are you fucking listening Dew?!" hindi na niya mapigilang singhal na ikinaalerto ng mga tauhan niya.
Tamad ko lang siyang tinignan at bumuntong hininga bago magsalita.
"What's the point Darius? Bakit mo ba pinapakilala ang mga taong yan kung wala naman akong interest sa sinasabi mo?"
"THE FUCK VILLARY!" malakas na kumalabog ang upuan niya ng bigla siyang tumayo at hinagip ang baba ko. "Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko? Madali naman akong kausap kung patuloy kang magmamatigas." nang-gagalaiti niyang banta. "I can kill your fake family in one snap."
Umigting ang panga ko sa sinabi niya na nagpangisi sa kanya.
Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay baka wala na akong ama sa ngayon.
"What? Do you think may magagawa ka pa kung ipag-uutos ko sa mga nakabantay sa peke mong pamilyang patayin sila?"
"You're a demon Darius!"
"And your going to be a little devil Dew Villary. Hahahahahha!"
Nagpumiglas ako sa nakahawak niyang kamay sa baba ko dahil bumabaon iyon sa pangahan ko ngunit lalo lang niyang hinigpitan na nagpangiwi na sa akin.
"Fine." pagsuko ko. "But don't expect na..
"I'm expecting your best Villary." putol niya sa sasabihin ko at muli ng umupo sa kinauupuan niya kanina.
Pinagpatuloy niya ang pagpapakilala sa mga personalidad na may koneksyon sa mga illegal na gawain.
Minungkahi niya din ang pagkakaroon ko ng training na makakatulong sa akin upang makatagal sa impyernong kinabibilangan ko na sa sandaling ito.
"Not bad." nakangisi kong sambit sa babaeng nakalaban ko sa sparing. Kung susumahin kasi ang lakas naming dalawa, masasabi talagang halos magkapantay lang kami.
Una ko na siyang nakita noong magtraining ako sa pagbaril. Halos kasabayan ko lang siya noon ngunit makikita na kaagad na bihasa na siya sa paggamit ng baril kaya naman lalo akong nagpursigeng matuto, ayokong maungusan ng iba at mas lalong ayokong mapag-iwanan.
"I'm Dew." pagpapakilala ko.
"I know." tipid niyang sagot.
"Ha?" naguluhan kong tanong sa kanya. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko?
Ngumisi lang siya bago ako talikuran.
"I'm Ivory." tipid na naman niyang sagot bago siya makalayo sa akin.
Napailing na lang ako. Ang weird niya.
**************
Ivory Rione Villafuerte
I already knew who you are Dew.
—————(flashback)——————
"Rio you have a new target." Miss Prey inform me through phone call.
"Who?" maikli kong tanong.
"The daughter of Dark Society founder. I will send you the details Rio." as just that, she ended the call.
Napatingin na lang ako sa phone ko ng tumunog ulit ito indikasyon na may natanggap akong mensahi.
Isa akong assasin. Ayoko ng alalahanin pa kung bakit ako napunta sa trabahong ito dahil isa iyon mga kinamumuhian kong dahilan. Basta isang araw nagising na lang akong myembro na ng isang sekretong Ahensya.
Buwis-buhay ang napagdaanan kong training na halos kumitil na ng buhay ko.
Mula sa ekspertong paghawak ng baril, lakas at talino sa pakikipaglaban, galing sa pagkubli hindi lang sa liwanag at dilim maging sa emosyon.
I was 15 years old ng una akong humawak ng baril. 15 years old din nung nadungisan ng dugo ang mga kamay ko.
"Run Rio.. l- leave me here.."
"No! I won't leave you Ion."
"But., we will both die if you don't save yourself Rio. Please leave me."
"I said no! I won't leave you, I'd rather die instead of leaving you here."
"Rio.—
"Shut up Ion. Don't underestimate me!"
"RIO LOOK OUT!"
*BANG!*
And with just a single gunshot on that man's head, I killed someone.
I killed someone that also wanted to kill us.
Doon ko napagtanto ang realidad na bumago ng tuluyan sa buhay ko.
Kung hindi ako lalaban ako ang mamamatay.
***
night-firefly 💙
Please vote and leave your comments. Thank you. Kindly follow this account.
BINABASA MO ANG
D' STERCES
General FictionSterces is secrets.. Chasing their own demons.. Sabrina Lorraine 'Blue' Park Dew Villary Montella Ivory Rione Villafuerte First Villera Catahleya Nicolai Florence Zariah Mirabella Linvelle Hillary Mauve Czarina del Mar Cyane Xue Morris