Sterces 3

14 1 1
                                    


First pov:

"Aalis na ako ngayong gabi First." malungkot na sabi ni Dew sa akin.

Huling gabi na din itong magkasama kami kaya malungkot din ako.

"Mag-ingat ka Dew." tanging bilin ko lang sa kanya. Kahit ayaw kong maghiwalay ang mga landas namin, wala din akong magagawa dahil magkaiba kami ng kakaharaping mundo.

"I will find you, First."

Napangiti ako sa sinabi niya. Sana nga magkita pa tayo Dew.

Ilang sandali pa ay dumating na ang sundo niya. Niyakap niya ako sa huling pagkakataon bago siya lumabas ng kwarto namin.

Nang ganap na siyang nakalabas, doon lang bumuhos ang pinipigilan kong luha.

Naiwan na naman ako.

Mag-isa na naman ako ngayon katulad ng dati.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan upang hindi lang marinig ng iba ang hagulhol ko.

Noon, ako ang nang-iwan sa nag-iisang taong nanatili sa tabi ko. Humagulhol akong muli ng maalala ko na naman siya. Ganito pala kasakit ang maiwan ng isang kaibigan.

Craig I miss you.

I'm so sorry.




Ilang araw lang din matapos lumabas ni Dew ay sinundo na din ako ni Dad.

Pinatira niya ako sa isang condo unit ng mag-isa. Wala na namang kasama.

Gabi-gabi akong umiiyak sa gitna ng dilim. Mas lalo pa ata akong nabaliw dito sa labas kaysa sa loob ng mental hospital.

Gusto ko ng makakasama.

Ayokong nag-iisa dahil mas lalo akong dinadalaw ng bangungot ko sa tuwing mag-isa lang ako.

Ilang gabi akong hindi nakakatulog dahil natatakot akong pumikit. Natatakot akong makita ang mukha ng ina kong nanlilisik na nakatingin lang sa akin.

Sa tuwing nagagalit ako hindi lang dahil sa iba kundi lalong lalo na sa sarili ko ay pumapasok ako sa sekreto kong silid. Doon ako nagwawala, malakas na sumisigaw at minsan nagbalak na kitilin ang sarili kong buhay.

Sobrang dilim ng mundo ko na halos araw-araw na nagpapatanong sa akin kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako.

Ginusto mong mabuhay kaya magdusa ka.

Mapait nalang akong napangiti. Oo ginusto kong mabuhay noon kaya nagawa kong...

pumatay!

***********

Dew Villary pov:

"I don't like it here!"

Tinignan ko ng masama ang ama ko. Pinipilit niya akong matuto sa mga illegal nilang gawain kahit labag sa loob ko.

Ayokong matulad sa kanya na kayang pumatay at manira ng buhay ng mga inosenteng tao.

"Sumunod ka sa pinapagawa ko sayo Villary kung ayaw mong may gawin pa akong masama para mapasunod lang kita!" mariin niyang banta sa akin.

"Bakit ano bang gagawin mo?!" hamon ko din sa kanya.

Ngumisi lang siya sa akin bago ihagis ang mga larawan ng mga taong nag-alaga sa akin noon.

"Sino ang gusto mong unahin ko sa kanila?" mapang-uyam niyang tanong kaya napatiim bagang akong tumitig sa kanya.

D' STERCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon