CHAPTER 4

22 0 0
                                    


Tinitigan ko ang aking repleksiyon sa salamin. From my strong brows, piercing green eyes, smattering freckles to my soft lips. According to Lolo Ben I got my color of eyes from my father. Wala sa pamilya nila ang kulay berde ang mata. This pair of eyes is the only thing I can keep forever from him. The reason why I like flying on the sky than walking on the grass is t there I can feel my parents. Pagkatapos kong lagyan ng Rosepink lipstick ang mga labi ko ay tinignan ko ulit ang kabuann ko.  Light make up lang ang inilagay ko atsaka pinusod ko lang ang itim kong buhok. Hindi porket military pilot ako ay hindi na ako marunong manamit. Noong college, palagi akong ninonominate bilang representative ng department or kahit sa buong school namin sa Beauty Pageant pero nirereject ko. Hindi ko talaga nakikita ang sarili kong rumampa sa stage ng nakalong gown habang kumakaway sa mga tao. I find it boring.

“Hija nasa baba na si Dazhael” Hindi ko napansin na kanina pa pala nasa pinto si Aling Magda. Tinanguan ko lang. Kinuha ko na ang purse ko sa kama atsaka lumabas ng kuwarto.

DAZHAEL’S POV

Napalingon ako sa hagdan kung saan narinig ko ang tunog ng takong ni Slaire. Nakawhite longsleeve dress siya na pinares sa black high heels. Napansin kong light lang ang make up niya ngayon. Palagi kasi siyang nakaheavy make-up kahit saan magpunta. Para daw kahit kunan siya ng paparazzi ay maganda siya. Naninibago pa rin talaga ako sa kaniya. Parang nag-ibang tao siya. Ang dating Slaire na palaging sweet at caring pagdating sakin ngayon ay hindi na. Sana nga napagod na siya kakahabol sakin. Para huwag na matuloy ang kasal.

“Let’s go” Hindi ko na siya inalalayan pa palabas.
Today is my Father’s birthday. Sa bahay namin ang venue. It’s Dad’s idea. Naroon na rin si Tito Matteo at ang common friends ng pamilya namin. Lumapit kami sa puwesto nila Dad.

“Hija, you are such a good catch. My son is really lucky to have you”

Natawa ako roon. Lucky, my foot.

She only smiled at him.

“Happy Birthday Tito” bati ni Slaire.

“Thank you Hija.” May mga bagong dating na mga bisita ni Dad kaya umalis na muna kami roon.

“ How’s my daughter?” Niyakap nito ang anak niya. Kakauwi lang nito galing Europe. Natigilan si Slaire. Nang mahagip nito ang paningin ko ay niyakap niya pabalik ang ama.

“I’m good D-Dad” she smiled on him.

“ I’m sorry if hindi ako nakapunta sa engagement party niyo. Nagkaproblema kasi sa company. “

“ I understand”

“ You’re not mad at me?” gulat na tanong ng ama niya. Si Slaire kasi ay sobrang matampuhin lalo na kapag hindi nakakapunta ang ama niya sa mga events na mahalaga para sa kaniya.

“ It’s work Dad. It’s no big deal”

“ Mukhang nagmatured na ang anak ko ah, you really proved me right. Dazhael can make you happy and all.” he chuckled. Napainom na lang ako ng champagne.

"Kamusta ang pagDodoktor hijo?" maingat kong ibinaba ang baso bago nilingon si Sir Matteo. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag kinakamusta niya ang pagdodoktor ko. Nahalata ko na noon pa na interesado siya sa Medisina kahit na iba naman ang linyang tinatahak niya. Pero aaminin kong nasisiyahan akong malaman na bukod kay Kuya ay si Sir Matteo lamang ang masaya para sakin bilang ganap na Doktor. Slaire hates my profession dahil mas marami pa raw akong oras sa ospital kaysa sa kaniya as if I give a damn. I hate clingy girls. She is dependent and immature woman.

"Well, there’s coming medical mission this month in Batangas and I’ll be with my team, sir."

I don't think I need to explain further since nakita kong papalapit na si Dad. I'm sure para ipagmalaki na naman na si Mr. Matteo sa table ng mga business partner niya.  Mr.  Matteo is a good man kaya naiinis ako kapag naiisip kong ginagamit lang siya ni Dad for money. I know Dad well. As long as may pakinabang ka he will side on you. Kapag nalugi ang negosyo ng kasosyo niya he'll cut tie with him/her quickly. That’s how cruel he is when it comes to money.

BATTLE OF THE SOUL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon