CHAPTER 3-TROUBLE

10 0 0
                                    

BLAIR’S POV

“Where is she?” Bumungad sa akin si Hansael. Nandito ako ngayon sa safe house. Giniya niya ako papunta sa isang kwarto. May malaking salamin rito na siyang pagitan nang magkabilang kwarto. Hindi kami kita sa loob kaya malayang mapapanood ang sinumang nasa loob niyon.

“What happened?” Naging busy ako sa pagtukoy sa mga taong sumugod sa amin kamakailan lang. Hindi pa rin kasi nagsasalita ang nahuling suspect ayon kay Valerian.

“Wala raw talaga siyang maalala. Gusto na nga niyang umuwi.” Hansael sighed.

“ I’ll talk to her” She needs to cooperate with us. Buong bansa ang nakasalalay rito. Sinamahan niya ako ang hanggang pintuan ng kwarto. Gusto pa nga niyang pumasok sa loob kaso pinigilan ko. Pagpasok ko ay napalingon agad siya sa akin. Basa ko sa mukha niya ang gulat. Ako rin naman.pero hindi ko na iyon ipinahalatata pa.

“Who are you?”

Pinagmasdan namin ang isat-isa. Napakalamyos ng boses niya. Nang halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa ma's napagtanto ko na parehong pareho mga talaga kami ng mukha. Mas maputi nga lang ang kulay ko dahil sa US ako lumaki. Tumikhim ako bago nagsalita.

“ It doesn’t matter. I’m here to talk.”

Mukhang natauhan rin naman siya. Mukhang nahuhulaan niya na ang sadya ko kaya mula sa malaanghel na mukha ay sinamaan niya ako ng tingin. It didn't scared me even a bit.

“ I told them already that I don’t remember anything okay!” singhal nito sa akin. Hindi pa rin ako nilulubayan ng masamang tingin nito. Inabot ko sa kaniya ang litrato ng tattoo katulad ng sa kamay nang umatake samin. Tinignan niya iyon. Pinagmasdan ko ang reaksiyon niya.

“ This tattoo…” Pinagkatitigan niya ang litrato habang nakakunot-noo.

“Naaalala mo na?” Nabuhayan ako ng loob. Pero napalitan iyon ng pag-aalala nang magbago ang reaksiyon niya. Napahawak ito sa ulo niya at parang nasisiraan ng bait habang nagsisisigaw.

“Ahhh! Huwag po! Huwag po! Hindi po ako magsusumbong, please po!” Takot na takot siya habang sinasabi iyon. Nilapitan ko siya agad para yakapin. Nung una ay kumakawala pa siya pero unti-unti ring kumalma. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Ramdam ko iyong bigat na nararamdaman niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasasaktan ako para sa kaniya. I never felt this before.

“ Shh.. you’re safe okay. Huwag kang matakot. No one will hurt you Slaire, don’t cry.” Pinahid ko ang luha niya. Niyakap ko siya lalo ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang mga sandaling iyon. Hindi ko mapangalanan sa sarap ng pakiramdam.

“ J-just don’t hurt me” pagsusumamo nito bago tuluyang nawalan ng malay. Pinindot ko ang red button malapit sa kama niya. It’s an emergency button. Kaagad dumating si Hansael at mga doctor na nakaassign rito.

“ What happened?” nag-aalalang tanong nito.

“She passed out after she saw this” I handed in him the photos.

“Where do you get this?”

“ Sa party, I saw those men with the same tattoo.”

“ I’ll  take care of this. Tumawag nga pala sakin si Valerian. Hinahanap ka na ng Fiance mo.” He chuckled.

“Did you tell her na nagpapaggap ako bilang siya?” If she’s obsessed with Dazhael dapat nagalit na siya sa akin kanina.

“Of course not, Valerian told her na makicooperate muna siya satin and his fiancé is willing to wait for her.” So they lied. Napapatingin ako sa screen ng phone nang magring iyon.

Unknown number is calling…

Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsalita.

“Where the hell are you?!” nailayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil sa pagsigaw nito. Napakunot-noo tuloy si Hansael. Damnit! It’s Dazhael.

BATTLE OF THE SOUL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon