CHAPTER FIVE: Celebration

20 4 0
                                    

JAYZE'S POV

"Putangina...???" tanging lumabas sa bibig ko ng mamukhaan ko kung sino yung lalaking nasa harapan namin ni crystal ngayon.

Naunang pumasok si zairah dahil sya ang may hawak ng mga binili namin sa baba kaya naiwan ako habang katitigan si Shawn Lopez...

"Tumulo" sabi nito habang nakaturo banda sa bibig ko.

"Puta" napamura nanaman ako ng marealize kong tumutulo na sa sahig yung ice cream na dapat ay isusubo ko kanina.

Napansin kong natawa sya sa reaksyon ko kaya agad naman akong tumakbo papasok ng condo at dumeretsyo na kwarto.

"Ahhhhhh shittt nakakahiya yung itshura ko" inis na sabi ko habang nakatingin sa salamin sa loob ng kwarto..

Napagtanto kong parehas nga si shainah at yung na lopez shit bat ba di ko napansin yun.. Tsk bahala na nga mamaya..
Nagayos lang ako sandali ng sarili at lumabas narin ng kwarto.

Pagkalabas ko nakita ko si crystal, ely, shainah at yung dalawang lalaki pati narin si shawn. Nang lumapit ako sakanila natanaw ko naman sa may kusina si bhrianna at ang isa pang lalaki na parehong abala sa pagluluto.

"Hey jayze come on!" pag yaya naman sakin ni shai at tinapik yung bakanteng upuan sa tabi nya.

"This is kenji, oliver, genesis, ace and kuya shawn" pagpapakilala nito sa mga kasama ng kuya nya

"Hi im jayze chavez, you can call me jayze nalang" nakangiting pagpapakilala ko sakanila at ganon din sila saakin.

Maya maya naging komportable naman na kaming lahat sa isa't isa ganon din ako kay shawn, siguro nabigla lang din talaga ko kanina..

6:00 pm

"Guysss!!! tara na kain na muna!!!" sigaw naman ni bhrianna mula sa kusina at agad naman kaming nagsunuran sa dining area..

Buti nalang at long table ang nasa dining area,, sinadya talaga namin to para kapag may bisita or pupunta yung mga parents namin dito ay malaki ang space..

Lahat ng babae asa left side at yung mga lalaki naman right side. Hanep saktong sakto saming dose haha

Nagsimula na kaming kumain, ang sasarap ng niluto nila bhrianna.. Merong nakahain ngayon sa harap namin na adobong baboy, pakbet, paksiw na bangus at dalawa pang rekado ng ulam at di ako masyado familiar doon.

"The best tong pagkain bhrianna!!" nakangiting sinabi ni crystal sabay tingin kay bhrianna.

"Hah! Syempre kami ata nagluto ni lucas nyan!!!" pagmamalaki pa nito habang nakatayo at umapir pa kay lucas.

Si bhrianna talaga yung pinaka magaling magluto saming anim, i mean lahat kami sanay pero sya talaga yung namumukod tangi.. At balita ko sa mga kaybigan ni shawn si lucas din daw ang talagang matyagang nagluluto sakanila.

"Uyy uyy uyy ano yan ha? Oras palang kayong nagkakilala close na close na" panunukso ni zairah kay bhrianna at nagtawanan naman kaming lahat..
" baka mamaya bhrianna ha?" dagdag pa nito.

"Shut up zai! Friendly lang talaga kong tao kaya naging close kami agad ni lucas." pagputol nito sa sasabihin ni zai at ugirap kay zairah sabay subo ng pagkain nya.
"Diba lucas?" tanong pa nito sa lalaki at tinanguan naman sya nito habang titig na titig kay bhrianna...

Sa isip isip ko parang may something dito ha? between kay bhrianna at kay lucas na yan. Hmmm HAHAHAHAHA well, ano pa nga ba si bhrianna yan malakas talaga karisma nyan sa mga lalaki lalo na't naka vibes nya pa sa pag luluto..

Infinity Love With You And My FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon