TRIGINTA DUO

555 79 3
                                    

This chapter is dedicated to @Rosemarie Agabin

---

Five undead werewolves.

She knew who they are---or who they were suppose to be.

Hindi na namalayan ni Red na nanginginig na pala ang kanyang mga kamay dahil sa takot. Gustuhin man niyang 'wag magpakita ng anumang kahinaan sa harap ng kanilang mga kaaway, she's having a hard time to do so with her exhausted state.

Hindi rin nakatulong na para bang muli niyag naririnig ang boses ni Lycros...

"Originally, there were twelve of us.”

Muling tiningnan ng prinsesa ang limang mababangis na lobong papalapit sa kanila. They had ash-blonde to charcoal gray fur that were awfully similar to the shades of the Big Bad Werewolves. Parang isang nabuhay na bangungot ang kulay pula nilang mga matang kumikislap sa dilim ng gubat.

She suddenly recalled that dream she had in the castle, when a red-eyed werewolf attacked her in the chamber and injured her shoulder.

'I knew it was more than a nightmare.'

Habang tumatagal pakiramdam ni Red ay unti-unting binibiyak ang kanyang ulo. This is all too much to take in one night!

"The princess' safety comes first. Prepare to kill these wolves, men! Kahit anong mangyari, kailangan nating protektahan ang tagapagmana!" Sigaw ni General Simon sa kanyang mga tauhan habang pinapalibutan siya ng mga ito.

Huminto naman ang Piped Piper sa pagtugtog at mahinang natawa. He eyed the group with pity, "That loyalty will only bring you a step closer to your grave, general."

Lalong humigpit ang hawak ng heneral sa kanyang espada.

"Not before I drag you there first."

Kasunod ng mga salitang ito, mabilis na umatake ang mga lobo.

Halos mabingi ang prinsesa nang marinig ang sigaw ng isang gwardyang hindi na makakilos. He screamed as one of the wolves tried to rip off his arm. Sinubukan nitong saksakin ang halimaw, pero hindi na nito kayang hawakan ang kanyang sandata. Soon, Red Ridinghood witnessed as the wolf mercilessly tore the guard's arm.

Like ripping a fabric apart.

"GAAAAAAAAAAH!"

Flesh and blood stained the forest floor.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at nanginginig na tiningnan ang kalagayan ng iba.

One guard managed to slice a wolf's neck, pero nagulat lang ito nang mabilis na naghilom ang sugat. Hindi pa man siya nakakabawi, agad siyang sinakmal ng werewolf at kinaladkad patungo sa mga anino.

"T-Tulungan niyo ako! May pamilya ako... May pamilya a-ako...g-gusto ko pa silang makita..."

The guard cried out for help as his nails dug into the dirt, leaving a trail.

Red Ridinghood was about to run to him, pero agad siyang hinila pabalik ni General Simon. There was a stern yet pained look in his eyes.

"Wala na tayong magagawa."

Just in time, she heard the guard's cries became nothing more than an echo.

Kinakabahan siyang sumulyap sa direksyon kung saan ito kinaladkad ng lobo kanina, at halos mangilabot na si Red nang mapansing lumabas na pala mula sa mga anino ang werewolf...

Blood still dripped from its mouth as it licked its pointed teeth.

In that moment, Red couldn't take her eyes off the monster. Hindi tulad ng mga mata ng kanilang mga kapatid sa kastilyo, tila walang bakas ng pag-aalinlangan ang mga halimaw na ito.

✔Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon