SEXAGINTA QUATTOUR

486 75 0
                                    

Is there an end to madness? 

Kani-kanina lang ay akala ni Red na naranasan na niya ang lahat ng kababalaghan sa mundo. Ang buong akala niya wala nang mas nakakabaliw pang pangyayari ang gugulat sa kanya matapos ang ilang linggong pananatili niya sa puder ng Big Bad Werewolves. But, of course, life just has to prove her wrong again with an even more bizarre truth...

'An evil witch living inside my head?'

If she were in any other situation, Red would probably laugh it off and consider it a sick joke...

Right now?

She knew it was true.

Hindi natural ang ganitong sakit ng ulo. Bakit ba ngayon niya lang ito naisip? Binalikan niya ang mga pagkakataong kagaya nito. It didn't take long before she remembered that a similar migraine tortured her the night she saw Miss Evelyn. Ang buong akala ni Red ay dahil sa Eteilla ang palagiang pananakit ng kanyang ulo. Ngayon, unti-unti nang nagiging malinaw sa kanya na may kinalaman nga ito sa mangkukulam.

She remembered what the werewolves told her before...

Miss Evelyn communicates through dreams.

'Maybe that's why she was giving me nightmares,' Red thought in between gasps of pain.

Hindi na niya nakayanan pa ang kanyang panghihina. Namalayan na lang niyang nanginginig na pala siyang nakahiga sa makintab na sahig. She was thrashing wildly and screaming in agony, feeling like her head was about to explode any minute now

Lancelot just stared at her emotionlessly.

Suddenly, the music stopped.

The Pied Piper appeared beside her, crouched down with a small red jar. Nanlaki ang mga mata ni Red nang makita 'yon. May kung anong nagsasabi sa kanyang hindi niya magugustuhan ang laman nito. But before she could even muster up the strength to protest, marahas na hinawakan ng musikero ang kanyang panga.

A smirk played on his lips.

"Don't worry... You just need to swallow this. Para sa ikabubuti mo, hindi mo na dapat alamin kung ano ito."

Despite the torture of her migraine, Red Ridinghood struggled to get away from him. Sa kasamaang-palad, mas malakas sa kanya ang musikero. He pinned her down to the floor. Walang kahirap-hirap nitong binuksan ang kanyang bibig at pwersahang ipinakain kay Red ang kung anong kinuha nito sa garapon.

It smelled rotten and it almost tasted like...

'M-Meat?!'

Sinubukan niya itong iluwa, but it was too late. The princess was already choking on it. The bitter taste lingered on her tongue. Ilang sandali pa, sunod namang kinuha ni Piper ang isang botilya at ipinainom sa kanya ang laman nito. She was trembling as he forced the liquid down her throat, her eyes stung at the rustic taste of blood.

Human meat.

Human blood.

Maya-maya pa, napasigaw muli sa sakit ang prinsesa.

"AAAAAAAAAHHH!"

An ear-piercing noise that shook the kingdom. Her body trembled and her mind went blank. Narinig na niya ang malakas na pagtawang nagmumula sa loob ng kanyang isipan. An apparition appeared in the air, formed from the black smoke that was escaping her mouth.

Unti-unti, nagkaroon na ng anyo ang usok at lumitaw ang huling mangkukulam ng Waite bloodline.

*

"AAAAAAAAAHHH!"

That scream pulled him out of the darkness.

'Red.'

✔Red Ridinghood and the Big Bad Werewolves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon