Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.
Kahulugan ng Dula: Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahatisa sa ilang yugto ng maraming tagpo. Pinaka layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Kahalagahan ng Dula:
- Sa pamamagitan ng dula naitatanghal ang totoong buhay.- Taglay ng dula ang mga katangiang umiiral sa buhay tulad ng mga tao at suliranin.- Inilalarawan ng dula ang damdamin at pananaw ng mga tao ng isang tiyak na bahagi ng kasaysayan.
BINABASA MO ANG
Filipino 10
RandomPublished this book for educational purposes only. These are my notes that I use for my studies, and I wanted to share it with all of you. Please don't expect too much from my notes. Again, I just want to share what I have and learned from my class...