"ito'y ang paglilipat sa pinagsalinang wika, ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang sinalin"
- Dr. Alfonso Santiago sa kanyang sining sa pagsasaling wika
Simulang lenguahe - ingles
Patutunguhan o TL - filipino
Pamantayan sa Pagsasaling Wika 01
- Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Pamantayan sa Pagsasaling Wika 02
- Sapat na kaalaman sa paksa o tekstong isasalin
Pamantayan sa Pagsasaling Wika 03
- Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Pamantayan sa Pagsasaling Wika 04
- Isaisip ang pagtitipid sa mga salita kapag magsasalin
Pamantayan sa Pagsasaling Wika 05
- Ipabasa o Ipabalido sa mga eksperto ang pagsasaling isinagawa
Paraan ng mga Pagsasalin:
Sansalita bawat salita
Orihinal: Each citizen must aim at personal perfection ang social justice through education (Quezon)
Salin: Bawat mamamayan ay dapat may layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan ng edukasyon.
Literal
Orihinal: Father bought Pedro a new car
Salin: Ang tatay ay ibinili si pedro ng isang bagong kotse
Adaptasyon
Orihinal: Ah, woe! Celestial king who mortal from dost keep, would rather than be sovereign be shepherd of thy sheep?
Salin: Kay lungkot! O hari ng sangkalangitan, nagkakatawang-tao't sa lupa'y tumahan, hindi mo ba ibig na haring matanghal kundi pastol naming na kawan mong mahal?
Malaya
Orihinal: For the last twenty years since he burrowed into this one-room apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into the murky and oil-tinted bay.
Salin: Mayroon nang dalawang taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis
Matapat
Orihinal: When miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral: the men through a sort of respectful affection for a fallen monument, the women mostly out of curiosity to see the inside of her house, which no one save an old manservant - a combined gardener and cook - had seen in the last ten years.
Salin: Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang libing: ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang uri ng magalang na pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa pag-uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibang nakikita kundi isang matandang utusang lalaki - na hardinero - kusinero - sa nakalipas na di kukulandin sa sampung taon.
Idyomatikong Salin
Orihinal: Still wet behind the ears
Salin May Gatas ka pa sa labi
Saling Semantiko: Matatalinghagang salita
Orihinal: O divine master, grant that I may not so much seek to be understood as to understand: to be loved as to love
Salin: O bathalang panginoon itulot mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin umunawa kaysa unawaiin; magmahal kaysa mahalin
Komunikasyong Salin
Orihinal: All things bright and beautiful all creatures great and small all things wide and wonderful the lord God made them all
Salin: ang lahat ng bagay, maganda't makinang lahat ng nilikihang dakila't hamak man may angking talino at dapat hanggang lahat ay nilikha ng poong maykapal
BINABASA MO ANG
Filipino 10
RandomPublished this book for educational purposes only. These are my notes that I use for my studies, and I wanted to share it with all of you. Please don't expect too much from my notes. Again, I just want to share what I have and learned from my class...