"Hmm.. Steven?"
Bigla akong nagising sa katotohanan ng biglang nagsalita si Tiff.
"Hey.. kamusta tulog mo?" - nakangiti kong sabi,
"ok lang ako. kaso medyo masakit ung batok ko." - habang hinihimas himas nya ung batok nya.
"oo nga eh napasarap ung tulog mo.. hay nako babe, tulog mantika ka talaga kahit kailan. hahahaha"
"che! oo na. oh asan naba tayo?"
"malapit na. ikaw nalang tumawag kay Dave at pakisabi na malapit na tayo."
"ok po."
TIFFANY POV
"Bat kaya parang nagiba ung aura ni Pen? hmm. baka pagod lang. ay. oo nga. baka pagod lang. tss. ano ba kase yan Tiffany! wag ka ngang magiisip ng kung ano ano. napa-praning ka nanaman eh. syempre pagod lang sya. kung ikaw kaya mag'drive ng ganun kalayo? teka nga ang o.a ko na. tama na nga!" - sabi ng isip kong aligaga.
Hinanap ko ung phone ko hinanap sa contact ko si Dave."Hello? Daaaaaaaaaave!" - sigaw ko sa kausap ko.
"Aray Tepany! Ingay mo. oh asan na kayo?" - sagot ni Dave sa kabilang linya.
"Ito oh malapit na. natatanaw ko na nga kagwapuhan mong pandak ka eh! hahaha!
"asan? asan na kayo?"
"basta! bye! hahaha!" - sabay off ko ng phone.
Nakita ko si Dave na kinuha na ung bag nya at lumabas na ng 7-11. Palinga linga sya at mukhang hinahanap kami.
"babe, tignan mo si Dave masyadong excited makita tayo." - sabi ni Steven habang pinapark na ung sasakyan. medyo malayo ito sa kinatatayuan ni Dave.
" oo nga babe eh parang kala mo 10 taon na tayo hindi nagkikita-kita. eh 7 buwan palang naman."
Nakita na ni Dave ung sasakyan namin at saka sya tumakbo. Makikita talaga sa mukha nya ung ngiting abot batok dahil sa sobrang saya.
Binuksan na ni Steven ung lock sa backseat atsaka sumakay si Dave.
" Tropa! hahaha musta? aba aba gumaganda ka Tiff ah! ano yan? huling kita ko sayo neneng nene kapa ngayon parang nagsisimula ka na sa puberty stage mo ah! hahahaha!" - sabi ni Dave.
"hoy hoy Dave anong puberty stage pinagsasabi mo? sapakan? ano? ha?" - akmang susuntukin ko sya pero pabiro lang.
" Di kita uurungan! kahit mas matangkad ka sakin! pero teka. antahimik ni Steven ngayon ah. anong nangyari bat parang sabog ka? may nabangga kaba? o may humabol sayo?" - pagtataka ni Dave.
" huh? ah. parehas. hehe. biro lang. ano tara na?" - Sabi ni Steven na parang may kakaiba sa tono nya.
Pakiramdam ko talagang meron kakaiba. Merong kakaiba sa kinikilos nya ngayon. haaay Steven, akala ko ba ok na? akala ko ba mawawala na problema natin? bakit ganto nanaman nararamdaman ko sayo? minsan talaga ang sarap mong sapakin.
" babe, anyare? bat parang binagsakan ka ng langit at lupa? mas matindi kapa sa namatayan ng langgam ah?"
"h-huh? hindi naman. gutom lang at pagod to. layo kaya ng byahe. kahilo nga eh." - sagot nya na may parang pag aalangan sa mag sinasabi nya at ramdam kong nagsisinungaling sya.
Pero talagang masasapak ko tong si Penpen eh, ramdam ko namang ramdam nya na alam kong nagsisinungaling sya tapos ayan, ayan pa magsisinungaling pa sya.
Kung wala lang si Dave dito diko na to tinantanan kakatanong sa pag amin. Pero syempre mahiya naman ako, baka mamaya tamang hinala lang ako. Edi nagmukha pakong kontrabida.
" Hoy tiffany! Steven! tulala? grabe! sarap nyong pag untugin! kausapin nyo ko noh? c'mon guys talk to me! IT'S ENGLISH MEN! APPRECIATE THIS THING!" - sabi ni Dave na nagsisisigaw sa loob ng sasakyan, muntanga lang eh.
" hoy Dave tigilan mo nga yang pagsisigaw mo! naririnig ko naman pinagsasabi mo eh!"
" edi ulitin mo mga pinagsasabi ko!"
" ayoko! shatap! hahaha Dave biro lang naman. ano ba sinasabi mo dyan?"
" kinu-kwento ko kasi ung about samin ni Andrea, diba nga ang saklap ng paghihiwalay namin. Nagsumbatan kami to the max."
" ay? ano naman isusumbat nya sayo eh diba mas lamang naman ung binalik mo sakanya? tyaka kailan kayo naghiwalay?"
"Kanina lang. bastos nga eh. hahaha isasama ko sana ngayon kaso ginago ako. sa maniwala kayo o sa hindi, di lang kami 2 sa buhay nya."
"ilan pala? 3?"
"no. actually 5 kami. ay mali. pang 6 pala ako. ang tindi noh? kinaganda nya un, sobra nyang kinaganda un. tapos sobra pa sya makapagsalita sakin. mukha daw akong pera. eh sino ba nagsabing tustusan nya pag aaral ko? wala naman eh. nagttrabaho ako nun para makapag aral ako. at Steven alam mo un Steven diba, dahil ikaw ang tumutulong sakin makapag aral noon. Alam mo sinumbat nya lahat ng mga tinulong nya sakin, ang sakit kasi syempre minahal ko sya eh. kahit nga na gaganto ganto ako thankful parin ako dahil tinanggap nya ko. ung feeling na konting konti nalang pagmamahal ko para sakanya imbis na madagdagan lalo pang lumala ung sama ng loob ko sakanya. pagkatapos ko syang mahalin ng buong buo ibabalik nya sakin 5 lalake? torture diba."
Tumingin lang ako kay Steven at parang ang lalim parin ng iniisip nya pero ramdam kong nakikinig sya samin ni Dave.
Sabay tugtog sa radyo ng Thankyou for the Broken Heart.
" Talagang nakikiramay ang sambayanang pilipino sa pagkamatay ng puso mo Dave hahahaha" - Pagbibiro ko.
" Pero Tiff totoo nga lahat. 6 kami sa buhay nya. Nalaman ko dahil nga kay Ian, inimbestigahan nya mga accounts na maaaring si Andrea un at ayun na nga, nakita nya lahat. Pati ung video na dinelete nya sa phone nya, may pa hon-hon pa sya. Tapos narinig ko 'bebe ko bebe ko! hahaha' tapos sabi nya 'iba un, iba.' so iba pala talaga ko sa buhay nya. Alam ko namang mahirap lang ako. Pero tama ba na ganto gawin nya sakin? nagaaral naman ako ng mabuti, kahit long distance relationship kami talagang nageeffort akong puntahan sya. Nagaaral ako sa Las Piñas tapos sya dito sa laguna, buti nalang kamo may apartment ako rito kaya may masisilungan ako. Sobra ung pananakit nya sakin na parang iguguho na ng buhay ko."
Nakita kong medyo napapaluha sya. nasasaktan din ako dahil sa nararanasan na nya ito. naaapektuhan ako sa bawat pangyayaring kinukwento nya pero pinipilit kong ngumiti at magpatawa para lang mabawasan ang kalungkutan nya.
Mahina ako pagdating sa mga gantong bagay dahil talagang mababaw ang luha ko kaya nahihirapan din ako para sakanya. Diko tuloy mapigilan yung luha kong nag uunahan sa pagpatak.
"Tiff, alam mo ba ng dahil sa pagkabaliw ko sakanya nagka-ulcer ako. Tapos ngayon diko pa alam kung may TB ako."
" I will take you to the hospital as soon as possible. sa manila na kita dadalhin para makasigurado tayo kung meron ka ngang TB. Delekado yan. Kaya ayusin mo yan. wag kana magalala sa gastusin, ako na bahala."
Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Steven na kanina pa tahimik sa pagmamaneho. Napatitig ako sakanya at talagang ramdam ko na mahalaga sakanya ang bestfriend nya. Napansin nyang nakatitig ako sakanya kaya tumingin sya saglit at nginitian ako. Ngiti lang din ang iginanti ko, saka nya binalik ang paningin nya sa daan.
" Thanks bro. sobrang dami mo ng tulong sakin. Sana mabayaran ko lahat ng ito sa tamang panahon."
"Don't worry about that. Sa ibang bagay naman natutulungan mo ako." Sagot ni Steven na parang may pinapahiwatig na hindi ko maintindinhan.
**********************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Loving You (short story)
Fiksi RemajaKung ang kwentong ito ay may kahalintulad sa totoong pangyayari,totoong tao o sa ibang kwento ay hindi sinasadya.