Umorder na kami ng pagkain at syempre di mawawala ang nakaka-higblood na bulalo at ang paborito kong sisig.
" ang tagal naman ng order natin." - sabi ni steven habang hinihimas ang kanyang tyan.
"grabe naman kaka-order lang natin. bulalo kaya yun syempre matagal pa lutuin." - nakapamewang kong sabi.
" edi ok sorry na. gutom lang. by the way i'll just call Dave para mamaya i-meet nalang tayo sa 7-11 sa laguna para makasama siya satin."
"sure, mabuti yan para makausap ko narin un."
umalis muna si Steven at nagpunta sa malayo. abot tanaw pa naman ng aking mata kung san siya banda naka tayo.
STEVEN POV:
Hinanap ko sa contacts ko si Dave para tawagan. pagkakita ko ay pinindot ko na agad at saka tinawagan.
" hello? hey Dave! how are you bro?"
"im ok bro. you?" - si Dave.
"still good looking hahaha" - pagmamayabang ko.
"yabang. hahahaha"
"bro meet us in 7-11 dun sa palaging tinatambayan natin dati. punta kami dyan sa laguna bibisitahin namin si lola eh. sama ka narin para makabisita ka naman."
"sure. sama ko si Andrea."
"mabuti pa nga. gusto kayo makausap ni Tiff eh."
" osige sige, text mo nalang ako kapag malapit na kayo dun."
"osige bro, bye."
"bye."
We ended our call. buti naman pumayag din un. saktong pag-off ko ng cp ay bigla kong narinig ung tawag nung baboy na un."Peeeeeeeeen! dito na ung pagkain bilisan mo baka lumamig paaaaaaa! gutom nako!!!"
hay nako. ang takaw niya talaga.
lumapit nako sakanya at saka siya tinabihan sa pagkain.
"Pen,ang sarap hihihi!" - sabay subo ng pagkain.
" grabe babe dahan dahan naman. para naman tong-"
"whut? kumain ka nalang dyan ha?" - pagtataray nya.
"edi ok fine. taray!"
tapos na kaming kumain at tinawag ko na ang waiter para sa bill atsaka binayaran na ang nakain namin.
sumakay na kami agad sa sasakyan at tinahak na ang daan papuntang laguna.
"babe, inaantok ako." - sabi nya.
" sige pahinga ka muna dyan, medyo matagal tagal pa naman to. dont worry gigisingin kita pag malapit na tayo."
"ok sige."
inayos ni Tiff ang pagkaka-upo nya saka sya napikit. mukhang antok talaga siya.
nag'drive nalang ako at makalipas ang ilang minuto narinig ko na siyang humihilik. di ko tuloy mapigilan mapatingin ng ilang ulit. ang cute nya kasi.
biglang nagring ung phone ko, may nagtext.
Steven. Kung di ka babalik sakin, idadamay ko pati ang pamilya niyang kasama mong tulog.
bigla akong nagulat sa laman ng message.pano nya nalamang kasama ko si Tiff at tulog ito? hanggang kelan ba siya magiging ganyan? ang dami ko ng naging babaeng pinalit para lang iwasan ako pero di niya parin magawa.
Leave me alone, Bianca. Wag mo nako guluhin pa!- reply ko sakanya.
nagpatuloy lang ako pagd'drive ng mapansin kong may sumusunod saking grey na sasakyan. mas lalo akong kinabahan dahil kasama ko si Tiff at maaaring may mangyari saming masama. diko hahayaan na mapahamak siya. pero mas lalong diko kakayaning mawala siya.
Come back to me, Steven. Bibigyan kita ng 48 hours para magdesisyon. Make your choice.
Mas lalo pakong kinabahan kaya mas lalo kong binilisan ang takbo. Maluwag naman ang daan at talagang makikipag karera ako kung kinakailangan para lang mailayo ko sa kapahamakan si Tiff. Di ko maaaring hayaan silang saktan ang babaeng mahal ko dahil lang sa katangahan ko. Poprotektahan ko siya hanggat humihinga pako.
Napansin ko na nawala na ang grey na sasakyan na kaninang sumusunod samin. at hindi narin nagtxt si Bianca kaya naman nagkaroon na ko ng pagkakataong burahin ang message nya sa cp ko at medyo binagalan ko narin ang takbo ko.
ilang oras na ang lumipas ngunit hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari noon. alam kong ang laki ng pagkakamali ko noon at talagang pinagsisisihan ko lahat ng ito. sobrang nagsisisi ako bakit ko ginawang pakisamahan si Bianca. Oo aaminin ko noon nung hindi pa ako kilala ay talagang gumagawa ako ng paraan para sumikat sa university. Mayaman ako pero hindi ko kayang makipag-sabayan sa mga ibang mayayaman at mga sikat na tao kaya nung nakilala ko si Bianca ay sumama nako agad dahil ang sabi niya magiging katulad niya raw ako. at sa hindi inaasahang pangyayari naging katulad niya nga ako.
naging sikat ako, naging kilala kahit sa ibang school. marami akong naging connection dahil kay Bianca kaya naging maimpluwensyang tao rin ako. andaming nangyaring pagbabago sa buhay ko, lahat ng luho ko ay nasunod at nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko kaya noon.
sobrang saya ng buhay ko ngunit unti unti itong nagbago simula nung kinokontrol nako ni Bianca.
kahit ano pinapagawa niya sakin. kahit masama. alam ko sa sarili ko na diko kayang gawin ang mga bagay na ganun pero dahil din sakanya kaya ako naging masamang tao.
palagi niyang sinasabi saakin na ang kapalit naman daw ng aking pagsunod sakanya ay ang pangarap ko. pangarap ko na abot kamay ko na talaga. kaya naman akong si tanga ay nagpala-alipin sakanya dahil alam ko rin na malaki ang utang na loob ko sakanya. lalo na sa mga magulang nyang nagligtas sa akin nung muntik ko ng ikamatay ang pinagawa ni Bianca saakin.
pinagamot nila ako sa ibang bansa,akala ng pamilya ko ay kasama ko lang mag bakasyon si Bianca sa amerika ngunit di nila alam ay may kinabangga pala ako na malaking tao kaya muntik muntik nakong mamatay.
ginawa akong alila ni Bianca. naging sunud-sunuran naman ako sakanya dahil nga naibibigay nya ang pangangailangan ko. pero simula nung dumating si Tiffany sa buhay ko alam kong may nagbago.
nagbago ako at iniwan ko si Bianca.
Kaso, hindi nya parin ako tinigilan kaya ko nagawang lokohin ng ilang beses si Tiff para iwasan siya ni Bianca. ngunit hindi nagtagal, nalaman ni Bianca kung sino at ano si Tiffany sa buhay ko.
Nalaman nya na karelasyon ko si Tiff at sobra ang pagmamahal ko sakanya na yun naman ang kinasidhi ng galit at poot nya.
Palagi nyang pinagtatangkaan ang buhay ni Tiff kaya naman palagi ko siyang iniiwas sa kanya. Hindi alam ni Tiff ang buong katotohanan dahil natatakot ako.
natatakot akong isang araw mawala sya ng tuluyan sakin dahil sa mapait kong nakaraan.
*****************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Loving You (short story)
Fiksi RemajaKung ang kwentong ito ay may kahalintulad sa totoong pangyayari,totoong tao o sa ibang kwento ay hindi sinasadya.