Zephariah's PoV
“Putangina Zepharia Nyx Szylveria! bumangon ka na dyan anong oras na, late ka na naman bang natulog kagabi?” pag-bubunganga ni Sam. Si Sam or should I say Samantha ay kasama ko sa dorm. Hindi lang kami dalawa kundi apat. May kasama pa kaming dalawang lalaki which is sina Xielle at Zaugustus. Law students sila habang ako naman ay Criminology Student. Pero iisang University lang ang aming pinapasukan.
“Sam naman ke aga-aga yang bibig mo ang lakas lakas, tsaka hayaan mo muna akong matulog Saturday naman ngayon eh jusko” pag-rereklamo ko.
“Hoy babaita fyi po 2 pm na po, at hindi ka pa kumakain” sabi naman nya. Teka?! 2 pm?! Hala ganun ba ako katagal natulog?“Sabi ng bangon na eh” sigaw na naman nya.
“Opo etoh na babangon na po mama” sinadya ko yung pag diin sa salitang “mama” eh, paano ba naman kase kung maka akto sya para ko talaga syang nanay. Ayun ang ending binatukan ako. Awts gege.
“Mama ka dyan, maligo ka na nga dun tapos kumain ka na gagala tayo nila Xi at Zau” sagot nya. Lah? Gala? Saan naman kami pupunta tinatamad ako eh.Wala na akong nagawa kundi bumangon baka mag bunganga na naman etong si Sam kapag nakita na naman nya akong hindi pa bumanangon, ay jusko po.
‘Pag katapos kong naligo ay diretso ako sa kitchen. Nakita ko naman si Xielle na nanonood ng T.V sa sala. Habang si Zau ay siguro nasa kwarto na naman at nag babasa.Pagkarating ko sa kitchen ay nakita ko si Sam na nag huhugas ng pinggan.
“Pag-kain mo andyan sa lamesa, hugasan mo sarili mong pinag kainan ah?” sabi nya sa akin kaagad.
“Yes ma'am” sagot ko.
Nag-simula na akong kumain. Hotdog, omelette at fried rice nga pala almusal ko. Hay paniguradong si Xielle nag-luto nito. Sya lang naman kase marunong mag-luto sa amin. Si Sam kung hindi dulok, kulang naman sa luto ang kanya. At habang si Zau ayun imposibleng lumabas yun sa kwarto nya, puro lang kase pag-babasa at napaka seryoso sa buhay.
Pag katapos kong kumain ay hinugasan ko mga pinagkainan ko. Tapos ay naligo at nag bihis ako kase nga gagala kami.
Nang nakaligo na ako ay nag-lagay lang ako ng onting face powder at lip balm. And ayun alis na kami. Nagulat nga ako ng kasama si Zau, minsan lang kase yan sumasama sa gala.
Pag-karating namin sa mall ay deretso ako sa bookstore dahil may mga kailangan akong books for research purposes. After kong mahanap ang libro na kailangan ko ay hinanap ko si Sam. Ayaw nya kasi akong samahan sa bookstore kaya sa tingin ko ay sa boutique yun pumunta. At yung dalawa? Ayun sa arcade dumeretso. Sa KFC nalang daw kami mag kita kita.
Habang hinahanap ko si Sam ay may nakabungguan akong matandang babae. Nahulog ang mga gamit na hawak ng matanda. May mga diyaryo, libro at iba pa. Pero napukaw ng aking pansin ang isang diyaryo na ang front page ay tungkol sa nawawalang eroplano 4 years ago. Nang titingnan ko na ito ay hinablot ng matanda sa akin at dali daling umalis. Hindi ko nalamang iyon pinansin at patuloy na hinanap si Sam.
Pagkatapos kong mahanap si Sam, ay sa KFC kami dumeretso at nakita namin ang dalawa sa loob na naka order na. Hindi ko na nakwento sa kanila ang tungkol sa matanda naka bungguan ko.
Gabi na ng nakauwi kami at dahil sa pagod si Sam, Xielle at Zau ay agad nakatulog.
Habang ako itong tulala at iniisip ang nakita ko sa diyaryo ng matanda kanina. Takang taka parin ako kung bakit may dala syang ganun. Ang sa pag kakaalam ko ay matagal ng sarado ang kaso patungkol doon at pina-tanggal na ng mga pulis at investigator ang balitang iyon sa mga diyaryo.

YOU ARE READING
Flight 370
Mystery / ThrillerFlight went missing 4 years ago without a clue. Or specific reason why it went missing. Years later, weird clues start to show up. But it seems kinda mysterious. Some group of friends start to gather some clue, connection to that flight. And some we...