B-binary code?
Bigla nalang akong kinilabutan sa text na na-receive ko but I just ignored it thinking that it’s just a text prank. I deleted that number.
Pag katapos kong mag-cr ay bumalik na ako sa cafeteria. Pero pag dating ko doon ay wala na sila Sam. Then biglang nag-ring ang phone ko.
It’s Sam.
“Hello Riah asa library na kami, sumunod ka nalang” sabi nya.
Hindi nya na ako pinatapos mag salita at agad inend ang call.Wala na akong nagawa kundi dumeretso na sa library.
Pagkarating ko doon ay agad ko naman silang nakita. Nasa dulong part sila ng library.
“Asan si Zau?” agad na tanong ko.
“Ayun nasa mga shelf, mag hahanap ng libro” sagot sa akin ni Sam.
Nagpatuloy kami sa pag riresearch hanggang sa di na namin namalayan na oras na pala. Kaya napag desisyunan na naming umuwi. Pero bago umuwi pumunta muna kami sa isang fast food chain para kumain.
Nang makarating na kami sa condo ay nag punta na kami sa kanya kanya naming kwarto para mag pahinga. Ako ay nagpunta sa cr para mag half bath.
Pag katapos habang nag bibihis ay bigla na namang nang ring phone ko. But this time hindi na si Sam ang tumatawag. Isang unregistered number na naman. Nagtaka naman ako. Saan nila nakukuha ang number ko? Bakit nila ako tinatawagan?
Wala akong choice kundi sagutin ito. Para na ring sabihin na tigilan na nila ako.
“Hello?” sabi ko. Pero wala akong natanggap na sagot. Tanging katahimikan lang.
“Hello? Sino toh?” ulit ko sa pangalawang pag kakataon. Pero katahimikan na naman ang natanggap ko. Maya-maya ay may narinig ako, isang malalim na pag hinga na tila ba natatakot at nasundan ito ng pag-hikbi. Sa sobrang takot ko ay bigla ko namang inend ang call.
Nagulat nalang ako ng biglang pumasok si Sam sa kwarto ko. Takot na takot.
“Sam? Napano ka?” nag-aalalang tanong ko.
“’Pag karating natin dito may na receive akong email, pero di ko pinansin toh. Pero pag katapos kong maligo sunod sunod na yung email pero iisa lang yung message” hingal na kwento ni Sam.
Pinakita nya sa akin ang laman ng email. Bumumgad sa akin ang puro 1 at 0 na content.
01010000 01101100 01100101 01100001 01110011 01100101 00100000 01101000 01100101 01101100 01110000 00100000 01110101 01110011 00101100 00100000 01101001 01110100 00100111 01110011 00100000 01110011 01101111 00100000 01101000 01100001 01110010 01100100 00100000 01101000 01100101 01110010 01100101 00100000 01110000 01101100 01100101 01100001 01110011 01100101
“Binary?” bulong ko.
“W-what?” tanong ni Sam.
“That’s binary, may nag text din sa akin kanina nyan but I just ignored it. Tapos kani-kanina lang may tumawag naman but paghinga at pag hikbi lang ang naririnig ko” sabi ko.
Lumabas kami sa kwarto at naabutan si Xielle nanonood ng T.V at si Zau naman ay katabi nya.
“Guys, alam nyo ba ang binary?” tanong ni Sam.
“Uh yes, coding system using the binary digits 0 and 1 to represent a letter, digit, or other character in a computer or other electronic device. Every number has corresponding 0 and 1 it’s a bit confusing code kasw di nag kakalayo mga numbers” sagot ni Zau.
“So bale alam mong I decode toh?” pinakita ko ang nasa laptop ni Sam.
“Saan nyo nakuha yan?” takang tanong ni Xielle.“May nag email sa akin, natatakot na nga ako eh” sagot ni Sam.
“Saan galing yan?” Xielle asked.
“I don’t know either” sabi naman ni Sam.
“So Zau, you know how to decode this right?” I asked.
“ Obviously yes, but I’m too lazy so just search it” sabi ni Zau.
We have no choice but to search it.
Nang madecode na namin ito, kinilabutan ako. Nag katinginan naman kami ni Sam.
“Please help us, it's so hard here please” ang sabi.
“So ano ang nakalagay?” tanong ni Xielle.
Ipinakita namin sakanya ito at kita mo ang gulat sa mata nya.
“S-sino naman kaya ang nagpadala nyan..” kabang tanong ni Xielle.
Namayani ang nakakabinging katahimikan sa amin.
Nang biglang…
YOU ARE READING
Flight 370
Mystery / ThrillerFlight went missing 4 years ago without a clue. Or specific reason why it went missing. Years later, weird clues start to show up. But it seems kinda mysterious. Some group of friends start to gather some clue, connection to that flight. And some we...