Walang hiya siya!! Hindi ako makapaniwala na sya ang may pakana ng lahat. Pagkagising ko kanina nakita ko si Mr. Sison na nasa tabi ko. Pinsan siya ni Papa.
Siya rin ang pangalawang tatay ko. Close ko siya sa lahat ng bagay kaya nagtataka ako kung bakit kausap ni Kenji si Mr. Sison.
Kinuwento lahat ni Mr. Sison sa akin lahat. As in LAHAT!
Sinabi nyang nababancrupt na ang kompanya namin at plinano itong lahat ni Kenji.
At ang mga ginawa ng mga magulang ko sa pamilya niya.
Pinabagsak ng pamilya namin ang pamilya Yamamoto sa hindi malamang dahilan.
At ngayon, si Kenji na kanilang anak ay gumaganti sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa kompanya namin.
Oo! Alam kong mali ang ginawa ng pamilya ko sa pamilya nila.
Pero hindi naman ata tama na lahat ng mga ari-arian at mga kompanya ni Papa ay pababagsakin niya at saka bibilhin sa malaking halaga.
Kaya pala ganoon na lamang ang pagtrato nya sa akin.
Masakit! Napakasakit na malaman ko ang lahat ng ito! Mahal na mahal ko siya pero kung para sa Papa ko naman ang gagawin ko. Lahat ng sinakripisyo ko para lang sa kanya. Kayang kaya kong kalimutan at alisin sa puso't isipan ko.
Papunta ako ngayon sa kompanya nila para bawiin ang kompanyang kinuha nya!
"Miss! Bawal po kayo dyan!"
Hindi ko inintindi ang pagtawag sa akin ng babaeng yon. Sa halip ay dumiretso na ako papunta sa opisina nya.
Ngayon kaharap ko na siya. Walang pag aalin langan sa aking mga mata. At bigla ko syang sinampal ng malakas.
"Ibalik mo ang kompanya namin. Wala akong pake kong makulong ako dahil dito. Pero ibabalik ko ang pera mo! Ibalik mo lang ang kompanyang pinaghirapan ng Papa ko!!" Sigaw ko sa sa kanya.
Hindi sya sumagot sa mga sinabi ko sa halip ay bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay at hinila ito palapit sa kanya.
"Ibabalik ko lang ang kompanya ninyo sa isang kondisyon" kinakabahan ako. Hindi sya si Kenji na minahal ko. Ang taong ito ay walang kaemo- emosyon sa kanyang mukha. Puno ng galit ang kanyang mga mata.
"Kapag nakuha ko na ang gusto ko mula sayo... Ang maangkin kita" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niya akong hinalikan.
Isang halik na mapusok at marahas. Hindi ko siya tinutugon dahil masakit ang ginagawa ng taong mahal ko sa akin
Dumudugo narin ang aking mga labi dahil sa mga halik nya. Hindi ako makawala sa mga bisig nya dahil malakas at mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.
I silently cried. Oh diyos ko patawad po sa lahat. Mahal na mahal ko po ang lalaking ito.
Nang magsawa na siya sa mga labi ko ay bumaba na ang kanyang mga halik sa leeg ko. Ang kanyang mga kamay naman ay lumilibot sa buong katawan ko.
"H-mm K-kenji, p-please s-s-stop" Umiiyak na sambit ko sa kanya. Kenji please stop.
Bigla syang tumigil sa ginagawa niya. At binitawan ako.
"Puntahan mo ang sekretarya ko. Sya ang kausapin mo." Malamig niyang sambit. Hindi parin ako gumagalaw sa pwesto. At umiiyak parin.
"Umalis kana!! Bago magbago ang isip ko at ituloy ang nagawa ko kanina!" Sumigaw na sya sa akin.
"K-kenji b-bakit ginagawa mo to sa akin! Sa pamilya ko!" Tanong ko.
"Dahil sa paghihiganti. Pero dahil nagmaka awa ka. Pagbibigyan na kita. Malapit na rin naman mamatay ang ama ko kaya sa akin parin ang bagsak ng walanh kwentang kompanya niyo!"
K-kenji. Bakit?
"Paano ako? Mahal na mahal kita Kenji! Matagal mo nang alam yan!" Sigaw ko.
Tinignan nya lang ako ng diretso. Pero parang ang lungkot ng mga mata niya.
"You love me? Alam mong hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon. Pero pwede kana... Para sa isang sexmate"
Nayanig ang buong mundo ko sa mga sinabi niya. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas.
"Hindi ako ganyang klaseng babae!"
At patakbong umalis sa opisinang iyon.
Iyak lang ako ng iyak. Lumabas na ako sa building na yon. Takbo ako ng takbo habang umiiyak. Bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko?! Naging mabait akong anak. Naging isang mabuting tao.
Papatawid na ako ng isang track ang papunta sa direksyon ko. Oh diyos ko ito na ba ang katapusan ko? Sana maging okay na ang lahat pag nawala na ako.
Dad, i love you be alive.
Kenji, sana makahanap ka ng taong mamahalin ka at mamahalin mo rin.
"PEEP!!!! PEEP!!!"
*BOOM*
TO BE CONTINUED:
AUTHORS NOTE:
IM SORRY FOR THE WRONG GRAMMARS, ERRORS TYPOS AT MGA MALING WORDS NA GINAMIT SA KWENTONG ITO. PLEASE SUPPORT THIS . VOTE AND COMMENT PO. IPO POST KO PO TOMORROW YUNG EPILOGUE.