Chapter 8

15 7 0
                                    


ANGEL P.O.V

kakaalis lang ni Colton ng makarating na ang sinasabi ni Aunt na Caregiver...ilang minuto muna pinapahinga ni Aunt ang babae'ng caregiver at nag simula na kami.. may binigay sila sakin na tinatawag daw na crutches para daw yun sa pagalalay pag mag lalakad ako.

ilang oras lang ang nakalipas at natapos kami ng madalian dahil medyo kaya ko na daw pero hindi pa totaly ako nakakalakad nakakahakbang lang kaso kailangan ko pa nang crutches para makalakad..mas okay na yun at least makakalakad ako kahit papaano...

bago umalis ang caregiver ay pinakain muna ni Aunt sila ng meryenda at saka sila umalis..nang makaalis na sila hinihintay ko si Ash kasi marami akong gustong itanong sa kaniya..sa paghihintay ko sa living area habang nanonood ay may isang ginoong pumasok sa pintuan ng bahay...nagtataka akong tumingin sa kaniya..may kaedaran na rin ang lalaki'ng to..

naglakad siya patungo sakin at hindi pa siya nakakalapit nang tuloyan ay dumating na si Aunt..

"hubby you're here"ana ni Aunt na yumakap sa lalaki..

asawa niya so siya ang tatay ni Colton..

may pinagmanaan naman pala si Colton.. tinugunan naman ng tatay ni Colton si Aunt ng yakap pero agad ding kumawala at tumingin sa gawi ko na nagtatakang tingin.. napalingon naman si Aunt sakin saka ako ngumiti,.

"ahh nga pala hubby her name is Angel Quvenzhane from now on dito na siya titira kasama natin.."Pag papakilala sakin ni Aunt sa asawa niya..

"ahh ganun ba eh okay lang ba kay Colton na dito muna siya??"tanong ng asawa ni Aunt sa kaniya at si Aunt naman ay tumango lang ang isinagot.. "kung ganun taga saan ka pala ija??"kapagkuwang tanong ng asawa ni Aunt at umupo sa sofa na malapit lang sakin..

"wala na po akong tirahan.."sagot kong nakangiti..

tumango lang siya saka nag salita. "nasaan na ang mga magulang mo kung ganun.."tanong niya ulit..

"wala na po akong magulang patay na po silang lahat nag iisa lang po akong anak."sagot ko..

tumango muli siya na animo'y naintindihan ang sinabi ko.. " i'm sorry i don't know that.."

umiling ako at nag salita.." no need po uncle" ana kong ngumiti sa kaniya..

"anyway what happen?? bakit naka wheelchair ka??"tanong niyang nag tataka kung bakit nga ako naka wheelchair..

akmang magsasalita na sana ako nang mag salita si Aunt. "its because of your son hubby.."sagot ni Aunt kay Uncle na nagulat sa sinabi ni Aunt sa kanya..

"wait what?? its because skeleton??anong ginawa niya kay Angel??"suno suno na tanong ni Uncle kay Aunt..

skeleton??sino naman yun ei si Colton lang naman ang naging dahilan bakit ako ganito..

magsasalita sana si Aunt kaso inunahan ko na para malaman ko kung sino ang skeleton na tinutukoy ni Uncle..

"Uncle sino si skeleton??"takang tanong ko sa kaniya na napalingon siya sa gawi ko dahil kay Aunt siya nakatingin..

"ahh"natawa siya nang bahagya sa tanong ko.. pero wala anman akong makitang nakakatawa sa tanong ko ah..

"si Colton yun kasi ang tawag namin sa kaniya nung bata pa siya hanggang ngayon.."sagot nya natatawa..

wait what?? skeleton hhahahahaha bagay sa kaniya kasi payatot naman siya ei..pinipigilan kong hindi matawa dahil may bago akong tawag sa kaniya hehehe..umakyat muna sila Aunt and Uncle sa taas mag papahinga na mo na daw siya saka makipagkwentuhan samin..

kaya na iwan ako sa sala sa sofa at nanunod ng palabas.. hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.. nagising na lang ako ng may naramdaman akong blanket na naka kumot sakin. nag masid ako sa kabuoan ng bahay kung may tao ba pero walang tao sa sala maliban sakin.. napatingin ako sa TV na nakapatay na rin mukhang pinatay na siguro nila Aunt ang TV at baka siya din ang nag lagay sakin ng kumot dito..

ang boring hindi ko na alam ano gagawin ko hindi naman ako makalakad para pumunta sa labas para ma relax. kaya nakelam na lang ako sa table dito sa harapan ko kasi parang may mga librong nag patungpatung kaya kinuha ko ang isa. walang nakasulat sa libro kaya binuksan ko na at sa pag bukas ko namangha ako sa sobrang ganda ng babae na nasa picture na nakadikit.

nilipat ko ang pahina at isang matipunong lalaki naman ang sumunod na larawan sa pangalawang pahina.. at nang ilipat ko ulit ang pahina ay mag kasama na silang dalawa ang magandang babae at ang matiponong lalaki at ngayon ay may kasama na silang bata..

sobrang cute at guwapo ang ganda pa nang ngiti ng bata sa camera.. hindi ko na mamalayan na napapangiti na ako sa mga nakikita kong larawan na nasa libro.. nagulat na lang ako ng umupo si Aunt sa tabi ko na nakangiti at nakatingin sa hawak kong puno ng mga larawan na nakadikit..

"ang laki na ng baby ko dati hindi pa niya kayang mag isa na magdamit pero ngayon binatang binata na siya.."ana ni Aunt na nakatingin sa mga larawan na hawak ko..

nagtaka ako sa sinabi niya.. anak niya ang bata nasa larawan?/

"anak niyo ho ang bata na nasa larawan??"takang tanong ko sa kaniya.

lumingon siya sakin at tumango bago nag salita.. "oo ako ang babae'ng nasa gilid na hawak ko si Colton at ang uncle mo.."sagot niya..

wow ang cute at ang guwapo pala ni Colton nong bata palang siya well hanggang ngayon din naman kaso ang suplado nga lang siya.. mapangasar at pilosopo nga lang..

kinuwento sakin lahat ng nasa picture at sobrang nag enjoy ako dun dahil medyo may nalaman ako tungkol kay Colton.. ilang sandali lang dumating narin ang merienda namin na si manang ang may gawa and sobrang sarap ng mga luto niya at ni Aunt..

"manang ano po yang mga niluto mo??"tanong ko sa kaniya na nakatingin sa mga pagkain nasa harapan namin ngayon.. sobrang nakakatakam ang mga itchura ng pagkain..

"chicken enpanada, choco jelly, at lumpiang shanghai paborito yan ni Colton.."ana ni manang na tinuturo sakin isa isa..

una kong tinikman ang sinasabi ni manang na chicken enpanada..sa pagkagat ko palang nang chicken empanada ay sobrang sarap..

"ahmmmm."ana kong ngumunguya at ninanamnam ang lasa ng chicken enpanada.. at nang maubos ko ang isang chicken enpanada ay sinunod ko sinasabi ni manang na paborito ni Colton ang lumpiang shanghai.. pag kakain ko palang ang sarap din.. grabe bakit ganun sobrang sarap..

"umm!!! ang sarap manang bakit ganun sila kasarap??"tanong ko kay manang natawa habang kumakain din..

"dahil pag nag luto ka kailangan samahan mo nang pagmamahal yung ang sekreto kung bakit siya masarap.."ana ni manang na pinapayoan ako..

wow grabe sana lifetime na to..

sa kalagitnaan ng pag kain namin nila manang at Aunt ay bumaba si Colton galing taas..

ang bilis naman ng pag aral niya nakauwi agad siya...

"skeleton!!!"tawag ko sa kaniya na papunta sa kusina. kunot nuo siyang napalingon sakin at nakakatakot na tingin siyang nakatingin sakin.. ohhh..

lumapit siya sakin at nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang...

 

CITY ANGEL AND I ( ON GOING )Where stories live. Discover now