Chapter 32. DANCE BATTLE OF DEATH

7 2 0
                                    


CHAPTER 32.

DANCE BATTLE OF DEATH

THE THEME SONG

ANGELS CRY●

BY : MARIAH CAREY

ANGEL's P.O.V

Naiinis akong nakatingin sa labas habang kasama siya na nag dridrive. Hindi ko alam kung anong nakain niya bakit ganun na lang siya kanina. Nakakahiya tuloy kay Michael ang ginawa niyang yun parang nabastos si Michael sa pag hila niya sakin..

Grabe yung pagkakahawak niya sa kamay ko sobrang higpit.

Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya nung kinalagkad niya ako pa ounta kanina sa parking lot.

Medyo na mumula siya kaya tinakpan ko ng kabilang kamay ko.

"Sorry nasaktan ba kita??"mukhang nakita niya ang kamay ko..Napalingon ako sa sinabi niyang yun at sabay nag iwas din ng tingin.

"Hindi." Tipid kong sabi sa kaniya.

Sinusubukan kong hindi makipag usap sa kaniya para makapag isip ako nang tamang decision kahit mahirap. Alam kong kahit anong gawin ko mangyayari parin ang inaasahan namin ni Sor.

Sabi niya sa akin na wala pa daw alam ang Ina kaya malakas ang loob kong sa oras na malalaman na niya ay may paraan na ako sa sumpa.

May kakayahan panaman ako kahut naging tao na ako.

Ang parusa sa kaniya ay isang sumpa na alam kong mahihirapan siya. Hinahanda ko lang ang sarili ko para nasa tabi niya ako sa oras na dumating ang sumpa..

Gusto ko nga malaman na niya kaso ayaw kong matakot siya sa akin at baka ipagtabuyan niya ako matapos nila akong tulongan ay ganun ang utang na loob ko sa kanila ang may sumpa sa kaniya. Dalawa lang ang pag pipiliin ko. Una ako ang mahihirapan o siya..

Wala pa akong napipili sa dalawa, pero parang may nag iisang na akong napipili.

"Angel, okay lang bayang kamay mo?" Kapagkuwang tanong niya ulit.

"Oo." Sagot ko Na nakatingin parin sa labas ng kotse.

"Bakit para kang isang tanong isang sagot?? Ano ba ang nangyayari sayo?? May nagawa ba akong mali?" Sunod sunod niyang tanong.

Hindi ako sumagot at bigla na lang niya pinahinto ang kotse. Hindi padin ako lumilingon sa kaniya. Nagulat na lang ako nang makita ko siyang nasa harapan na nang pintan ng kotse.

Mas nagulat pa ako nang buksan niya yun, medyong kinakabahan ako.

Bakit ba ako kinakabahan?? bakit ang bilis ng tibok nang puso ko??

"Tara.." yaya niya sa akin at nag tataka naman akong napatingin sa kamay niyang nilahan sa akin at iniangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Tsk." Singhal niya at dali daling hinawakan na naman ang kamay ko at kinalagkad na naman ako.

Nagpupumilgas na ako't lahat pero mas malakas padin siya kesa sa akin kaya wala na lang akong nagawa at nagpahila na lang sa kaniya kahit na nababadtrip na at napipikon na talaga ako ..

CITY ANGEL AND I ( ON GOING )Where stories live. Discover now