Chapter 26

11 5 1
                                    

ANGEL P.O.V

Iniwan kami nila Aunt dito para bantayan ang mga pagkain dahil may pupuntahan daw sila nila Manang at uncle at ang kasama ko ay si Colton na sobrang himbing nang tulog.

Nakatingin lang ako sa kaniya ngayon at napansin kong may luhang pumapatak galing sa mata niya. Napakunot ako ng nuo saka siya unting unting inalog alog pero hindi parin siya na gigising.

"Colton!!" Sigaw ko sa kaniya at saka unti unti naman siyang nagising.

"Bakit umiiyak ka habang tulog ka?!"

"Hindi ako umiiyak!" Pag tanggi niyang sabi saka inalis ang tingin sakin. "Nasaan sila Mommy?" Tanong niya habang umuupo ng maayos.

"May pinuntahan. Pag balik daw nila uuwi na daw tayo.."

Umikab muna siya saka siya nag salita. "Ganun ba...sige gisingin muna lang ako pag dumating na sila..." ana niya saka nag dali daling humiga ulit saka natulog.

Tumingin na lang ako sa kaniya at hindi na siya pinakelaman. Siguro na pagod siya kakahanap sakin kaya ayan sobrang antok. Kahit ako medyo inaantok na din ako ei.

Pero ayaw kong matulog. Hihintayin ko na lang sila Aunt uuwi na din naman kami ei.

"Angel Quvenzhane..."

Napalingon ako sa tawag sakin na yun at na kita kong nakaupo siya sa tabi ko habang ang paningin naman niya ay nasa langit. Napatingin din ako sa langit na puno ng magagandang bituin.

Nasaan kaya ang mga bituin nila Aunt, Manang, Uncle at Colton??

"Ang ganda pagmasdan ng mga bituin noh??"aniyang sobrang lamig ng pag kakasabi niya.

Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin na pala sakin.

"Saan kay dyan ang mga bituin nila??"

"Bakit gusto mong malaman kung nasaan dyan ang mga bituin nila??" Seryosong tanong niya.

Napalunok ako dun sa tanong niya. Kaya pala niyang malaman kung anong nasa isip ko. Hyst!!

"Gusto ko lang malaman kung anong mangyayari sa mga buhay nila pag wala na ako at gusto ko ding malaman kung anong buhay meron sila if hindi nila ako kilala.."sagot kong nakatingin sa mga mata niya.

"Mas maganda ng hindi mo alam kung anong mangyayari dahil alam kong masasaktan ka lang.."

"Bakit ganyan ka mag salita na para bang may alam ka? Wag mong sabihin nakita mo ang kapalaran nila??" Takang takang tanong ko at the same time kinabahan ako.

Hindi ko alam bakit ganun naging reaction ko. Basta natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanila pag wala na ako.

"Angel Quvenzhane... wag kang mag alala sa pwedeng mangyari sa kanila dahil tadhana nila yun.."

"Pero hindi mo ko masisi kung nag aalala ako kasi importante din sila sakin kahit hindi ko man sila ganun katagal nakasama dahil hindi naman basihan ang tagal para masabing importante ang isang tao ei."

"Alam ko yun Angel pero kailangan niyong harapin yun dahil ayun ang tadhana niyo.."

Napailing na lang ako sa mga sinabi niya sakin. Sa pag sabi palang niyang wag ko nang balaking alamin ay dun palang alam ko ng masasaktan ako sa pwede kong malaman.

"Angel? Sino ang kausap mo??"

Agad akong na palingon sa likod ako at nakita kong nakatingin sakin si Colton na sobrang nag tataka ang mga mata at tingin sakin.

CITY ANGEL AND I ( ON GOING )Where stories live. Discover now