CHAPTER 34.
ANGEL's POV
Grabe talaga yung lalaking yun wala talaga siyang puso minsan. Ni hindi ko manlang naramdaman na nag alala man lang siya sa akin. Parang naiinis pa siya dahil sa ngayari sa akin. Nakakainis ah!!!
Padabug akong bumalik sa panonood at nakabusangot ang mukha ko dahil sa inis ko sa skeleton na yun!!! Paano pa kaya pag mas malala ang nangyari sa akin? Baka mag diwang siya! Ggggrrrr!!!
"Ohh, ija bakit ganyan ang itchura mo?"biglang nag sira sa iniisip ko ng bigla na lang nag salita si tita sa tabi ko.
Hindi ko naramdaman yun ahh.. Hayst.
Ngumiti ako ng PILIT! " wala po tita may iniisip lang pong nakakainis na drama kanina." I lied.
Simula nang maging tao ako naging sinungaling na ako sa lahat. Well wala naman akong magagawa eih alangan naman na ilabas ko ang mga nasa isip ko edi nag kagulo pa, sa gulo ang punta nun. Sometimes being human is hard, you need to hide your thoughts and emotions kasi the more that you're honest the more that you can hurt someone and also your self.
"Ahh ganun ba sige kain na tayo nakapaghahin na din naman ako."
Tumango lang ako bilang sagot saka naman siya umalis at bumalik sa kitchen.
Ilang sandali lang sumunod din ako at kasunod ko lang si Colton na naka earphones pa.
Napabuntong hininga na lang ako at nag kati na hindi siya tumabi sakin at sa kay tito siya tumabi. Pareparehas kaming nag tataka ni tito Pero hindi na lang nila yun pinansin.
Nag simula na't lahat at sobrang tahimik ng naging hapunann namin.
Ilang araw na ang nakalipas at hindi nga ako pinapansin ni Colton, nag tataka na din ang karamihan sa school bakit ba daw ganito kami ni Colton. Isang lang nasasagut ko minsan hindi ko na lang sinasagot.
Pero sabay parin naman kami pumapasok at umuuwi minsan ako na uunang mag hintay minsan siya dahil trip ako ng professor namin kaya siya lagi ang nag hihintay. Kinakausap niya naman ako pero isang tanong isang sagot naman. Minsan naiinis na ako sa kaniya pero di ko naman na siya masisi kasi na alala ko din yung mga nakaraang pagiwas ko sa kaniya.
Nasa rooftop ako ng school ngayon dahil ang sakit ng ulo ko sa prof. Namin sa kakatanong niya sakin. Medyo namumuro na siya ahh purket laging nasasagut tanong niya sa akin eih ganito na gagawin niya araw arawin na niyang kakatanong sakin. Di nman ako search para sa mga tanong niya.
"Ang lalim ng iniisip natin ahh?"
Agad akong nawala sa pag iisip ng bigla na lang nag salita si Sor na nasa tabi ko.
Napabuntong hininga muna ako saka nag salita.
"Kasi naman nag tataka lang ako sa kinikilos ni Colton.."sabi kong nakatingin sa kawalan.
"Huh? Kala ko ba mag kaaway kayo?"
"Ewan ko nga eih simula nung nahimatay ako bigla na lang siyang naging bato."nakangusong sabi ko..
"Hmm... Alam ko na... May nasabi ka sa kaniya na hindi naman totoo..."
Napakunot nou ako sa sinabi niyang yun at saka napalingon sa kaniya na nakangiti sa akin.
"Ano naman na sabi ko sa kaniya na hindi totoo?" Tanong ko sa sarili ko pero mukhang narinig parin ni Sor.
"Isipin mo mabuti..." Sabi niyang nag iwas ng tingin sa akin."Kasi kung ako din naman ang nasa position ni Colton talagang hindi kita kayang kausapin after kitang tulongan tapos sa iba ka nag pasalamat kasi iba ang nakita mo pag gising mo at inakala mong siya ang tumulong sayo nako talagang hindi kita papansinin"
YOU ARE READING
CITY ANGEL AND I ( ON GOING )
FantasyFIRST STORY. LOVE STORY BETWEEN THE ANGEL AND A HUMAN.