Sabi nila,"Life is like a ferris wheel. Some people get off and some people get on."
Bakit pa sila kailangan dumating sa buhay natin para umalis din? Para saktan lang tayo? Para paiyakin lang uli tayo? Para iwan tayo? Oh baka naman para paasahin tayo sa wala?
Hindi ba pwedeng, wag na lang silang dumating sa mga buhay natin kung ang dahilan lang naman ng pagdating nila ay para saktan, paiyakin at iwan nila tayo?
Hindi ba pwedeng, ang dumating na lang sa buhay natin ay yung mga taong makakasama natin panghabang buhay? Yung mga taong maaasahan natin na hindi tayo iiwan at makakasama natin sa saya man, kalungkutan o kahit mapakasakitan pa yan?
"Life is like a ferris wheel. Sometimes you're up and sometimes you're down."
Pero paano kung yung mga taong inaakala mong sasama sayo sa oras ng kalungkutan at kasakitan hanggang sa saya lang pala ang kaya?
Paano kung yung mga taong pinagkatiwalaan mo ng sobra, sila pa pala yung magiging dahilan ng pag-iyak mo?
"Love is like a ferris wheel. You have your ups and down. But you still want a ride."
Paano kung sobra kang nasaktan, umiyak, gusto mo parin bang ipagpatuloy? Gusto mo parin bang sumakay sa isang sasakyang wala kang kasiguraduhan kung makakaya mo pa?
Ang daming katanungan. Ang dami ding kasagutan. Ngunit, hindi mo alam kung alin ang tamang sagot. Hindi mo alam kung alin ang nararapat para maging tamang sagot. Yung sagot na hindi ka magsisisi sa bandang huli. Yung sagot na hindi mo ikakasuklam sa bandang dulo.
"Treat life like a ferris wheel ride. You must get past the fear to enjoy the view."
Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Hindi ko alam kung paano nagsimula.
Hindi ko alam kung ano ang malalim na dahilan para magsimula ang lahat.
"Life moves pretty fast. If you don't stop and look around once in a while, you could miss it."
Paano nagsimula?
Aalamin natin. Iisipin natin. At hahanapin natin ang kasagutan.
Saan nagsimula?
Babalikan at pupuntahan natin ang nakaraan bago pa magsimula at mangyari ang lahat.
Ano ang dahilan?
Yan ang hindi ko kayang sagutin, hanggang hindi pa natin nasasagot ang dalawang na unang katanungan. Pero sabi nga,"Everything happens for a reason."
"Life is like a ferris wheel spinning around
When you get to the top
Its hard to look down
Just hang on.. You'll make it.."This is The Beginning of Everything..
×××
Eto po yung pinaka unang story na sinulat ko. Sana magustuhan ninyo. :)The Beginning of Everything
Written By: GoddessAeri
All Rights Reserved. Copyright © 2016
BINABASA MO ANG
The Beginning of Everything [On-Going]
Teen FictionShayenne Rain Lim is typical. A normal, kind of a loner high school girl. But that was before Niko Bryan Montes came into her life. Niko Bryan Montes is an abnormally genius SCB President in his school. But that also was before Shayenne Rain Lim cam...