Niko's point of view.
"Ano kaba namang bata ka! Lahat na lang ba ng babae dito ay hihipuan mo at mamanyakin mo?! Di naba nadala?" Nakakairita na tong matandang ito. Kanina ko pa sinasabi na hindi ko ginawa yun pero para syang walang nagagawa. Hays.
"Hindi ko nga--"
"Yan din sinabi mo sakin nung nakaraang may hinipuan ka!" Bat ba ako palagi? Kahit wala akong ginagawang masama sa mga babae, lagi akong napagkakamalan na hinihipuan ko sila tsk. masyado silang papansin. nakakairita.
"Ayaw nyo naman makinig eh. aalis na ko. suspend nyo ko kung gusto nyo, bahala kayo" Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas ako. Nakakairita mga tao dito.
"BUMALIK KA DITONG BATA KA!" Pareho pareho naman sila eh. Mula kay mama, kay papa, at kay lola, ang magaling lang at matino para sakanila ay yung sipsip at plastic kng kapatid tch.
Humanda talaga sakin yung babaeng yun! Mali sya ng kinalaban nya. Babalatan kita ng buhay. Ibabalik kita sa pinagmulan mo tsk.
Shayenne's point of view.
Hays. Ang saya sa pakiramdam na alam mong walang bigla biglang susulpot na monggy sa tabi mo hahahaha. Andito ko sa canteen ngayon at taimtim na kumakain at nilalasap ang masarap na chocolate cake.
Ang ganda pagmasdan ng paligid, puro green na halaman, mga taong nag aaral doon sa dumahan. Wait don't get me wrong, tanaw kasi dito mula sa canteed yung garden kaya kitang kita ko ng biglang...
"HIIII~!!" ng biglang may sumulpot na babae sa harapan ko.
Sino naman to? bat ba ang daming taong gumugulo sakin dito? wag mo sabihin na inutusan sya ni monggy para guluhin ako.
"Hiii~!!" So feeling nya bingi ako? ulit uli't te? Babaeng maputi, maliit, literal na maliit dahil tingin ko ang height nya lang ay 5'3. Pero dahil wala akong pakielam sakanya, hindi ko sya papansinin. version 2 ata ito ni monggy.
Dahil tapos na ko kumain, tumayo na ko at balak ng umalis ng bigla na naman syang humarang sa harap ko. putakte ano ba gusto ng batang ito?
"HIIIIII~~!!!" Napakingay nya. nakalunok ata ng megaphone eh.
Daan dapat ako sa gilid nya para makaalis na ng bigla na naman syang humarang. Patintero ang gusto ng batang ito. feeling nya kasing edad at laki nya ko.
"Di ako aalis dito at hindi kita titigilan hanggang di mo ko pinapansin or kinakausap" Nakatingin na samin yung mga tao dahil sa ingay ng babaeng ito. at todo pacute pa.
"What?" Cold kong sagot sakanya
"Yaaaaaah sumagot ka hihihi. I'm Zea Gabriel" Sagot niya sakin.
"So?" Oo alam kong ang harsh ko masyado pero wala eh. ganto ako. eto ako.
"Eonnie ang cold mo~" Bat ba sya nagpapacute? Feeling ba nya cute sya?
"Look, I don't give a shit. Kaya pwede umalis kasa harapan ko"
"Eonnie.. Gusto ko lang naman makipagkaibigan.."
"Go to hell. Baka don may mahanap ka. Get lost!" Sigaw ko sakanya.. pero parang nasobrahan ata ako.. dahil pagtingin ko sakanya ay umiiyak na sya.
"Sorry.." Saka sya tumakbo palayo sakin. At pagtingin ko sa paligid ko, nakatingin silang lahat sakin ng masama.
"Tinitingin nyo?"
"Napakasama ng ugali nya.." Bulong nung iba. feeling nila di ko sila nadidinig.
"So what?" Sagot ko sakanya. Tinignan ko sya ng masama pero natakot agad yung babaeng yun at nagmadaling umalis sa canteen.
xxx
Babalik na dapat ako sa room namin nung maligaw ako. Di ko na mahanap yung room namin. Karma naba ito? Well.. I don't care. Nang napadaan ako sa isang room na walang upuan, table or ano pa. As in blangko yung room. Aalis na dapat ako ng bigla akong may narinig na umiiyak.. Babaliwalain ko na dapat nung naalala ko bigla yung babae kanina.
Pumasok ako kahit wala akong kasiguraduhan kung tao nga ba naririnig ko or ano pa yun.
Pagpunta ko sa sulok, tama hula ko. Sya nga yung babae kanina.. Di ako ganon kasama, para umalis na lang lalo na alam kong ako dahilan kung bat sya umiiyak.
"Oh" Mahinhin kong sabi sabay abot nung panyo ko.
"Eonnie.."
"Wag kana magpacute. Kunin mo na lang tsk"
Sabay kuha nya sa panyo ko. Tumahan na rin sya sa kakaiyak nya.
"Eto oh. salamat" binabalik nya sakin yung panyo ko na punong puno ng sipon nya. ew.
"Sayo na. punong puno mo na yan ng sipon mo tsk. uhuging bata"
"Sorry"
"Wag ka magsorry. wala kang kasalanan. Sorry kung naging harsh ako" Aalis na dapat ako nung hinawakan nya yung damit ko.
"What?"
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong nya sakin.
"No"
"Whyy?" Nagpapacute na naman sya sakin. Di naman sya cute. feeling nya ata baby parin sya eh.
"Kasi ayoko sa bata"
"Di na ko bataa~ kasing edad mo kaya ako! saka magkaklase tayoo~" Kaklase ko sya? Di ko alam.. Sabagay wala akong pakielam sa mga kaklase ko kanina.
"Bat mo gustong maging kaibigan?"
"Kasi ang cool mo~ tapos sobrang ganda mo pa. tapos ang cool mo uli kasi di ka natatakot kay Niko" Bat ko kailangan matakot sa monggy na yun? Sabagay nakakatakot nga naman mukha nya. Mukhang kokey na palaka tch.
"Ah"
"Promisee magiging mabait ako sayo. Di ako magiging makulit sayo. Saka wala kasi akong kaibigan eh. Lagi nila kong binubully" Kanina ang saya saya nya tapos bigla na naman syang naging malungkot.
"Bat ka binubully?"
"Kasi ang pangit ko daw" Di naman sya pangit. Ang totoo nga, maganda sya.
"Look, kahit ano pang sabihin nila wag ka papaepekto sakanila. Di mo kailangan baguhin sarili mo para sakanila. Just be yourself. Maganda ka, just the way you are" Sagot ko sakanya ng nakangiti. Nakikita ko sarili ko sakanya.
"Pwede na kita maging kaibigaaaan?"
"Okay. Basta wag ka lang makulit at masyadong maingay"
"Aye ayeee~"
"Well.. friends" Sabi ko dati sa sarili ko, di na ko makikipagkaibigan kahit kelan at kahit sino pa man yan. Pero wala namang masama kung itratry uli't diba? Walang mawawala kung susubukan uli. At saka iba iba ang ugali ng tao kaya sana, di nya kaugali sila.
"YAYYY~ MAY KAIBIGAN NA KOO~ IKWEKWENTO KO ITO MAMAYA KAY MAMA PAG UWI KO~" Nagtatalon sya sa tuwa. Ganon ko ba sya napasaya nung sinabi kong pwede nya ko maging kaibigan? Saya pala sa feeling na mapasaya mo yung ibang tao..
Zea, sana di mo sila kaugali. at sana di mo ako iwan tulad ng ginawa nila.. Sana magstay kasa tabi ko kahit ano pang mangyari. Sana..
BINABASA MO ANG
The Beginning of Everything [On-Going]
Fiksi RemajaShayenne Rain Lim is typical. A normal, kind of a loner high school girl. But that was before Niko Bryan Montes came into her life. Niko Bryan Montes is an abnormally genius SCB President in his school. But that also was before Shayenne Rain Lim cam...