Chapter 2: Piece of cake

258 16 7
                                    

Shayenne's point of view.

"Niko Bryan Montes. Kilala nyo na ko, di ko na kailangan magpakilala pa ng kasing haba ng nobela dahil gwapo ko. And one more thing, matuto kayong rumespeto dahil baka nakakalimutan nyong ako ang SCB president sa school nato!" Sabi niya habang nakatingin saakin. Aba! naghahamon na naman ba sya ng away? di ko sya uurungan! Napakayabang. Puro hangin laman ng utak sarap butasin~ aish!

Oo, tama kayo, sya nga. Sya yung isip bata na nagpintura sa kotse ko. Sya yung mayabang na mukhang alien na galing sa planetang hindi pa natatagpuan. Sya rin yung daig pa lobo dahil puro hangin ang laman ng utak. 

*Flashback*

"Teka! Bakit parang kulang kayo ng isa? Asaan si Mr.--" Hindi natapos nung adviser namin yung sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto.

"Ma'am I'm sorry I'm late may nangyari--" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil napatingin siya saakin.

"IKAW?!" Sigaw namin pareho sa isa't isa. Kung minamalas ka nga naman talaga oh.

"Magkakilala kayong dalawa Mr.Montes?" Ano bang klaseng tanong yan ma'am? syempre kung may pagkakataon akong kilalanin siya , syempre di ko tatanggapin. Ayoko magkaroon ng kakilalang katulad niya.

"Hin--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si kokey.

"Opo ma'am!"

"ANO?! Hilo ka kuya? assumero? feelingero? ah baka lasinggero!"

"Paano mo sya nakilala mr.Montes?" Sabi ng adviser namin. Teka-- ano uli apilido nitong adviser namin? baka bigla isama sa quiz pangalan nya, sayang din score.

"Syempre ma'am! Ex ko yan eh. Kaya nga po lumipat dahil syempre, andito ko. Di pa makamove on. Mahal na mahal parin ako, hirap talaga maging gwapo" wait what?!

"Ah kaya pala hahahaha. Hala Mr.Montes, magpakilala kana sa harapan. At kanina kapa ininntay ng mga taga hanga mo dito" Kelan pa ko nagkaroon ng ex na kokey na monggy? Humanda sakin to mamaya. May oras ka rin sakin mamaya.

*End of flashback*

Sabi niya, di daw sya magnonobela, eh konti na lang mahihigitan na niya mga sinulat ni Dr. Jose Rizal eh. Di pa ko nakakaisip ng igaganti sakanya mamaya.. Pugutan ko kaya ulo? or kaya..  alam ko na! Masaya to, sigurado ko hahahaha.

"Ang gwapo ni Niko no?" Sabi sakin nung katabi kong babae. Close tayo te? Kilala ba kita te?

"Ah. Hindi. Pangit. Mukhang pigsa na may nana"

"Grabe ka naman" grabe ka naman! may nalalaman kapang pahampas hampas sa braso ko, hampasin kita ng puno dyan makita mo eh.

Nagtataka sguro kayo sakin kung bakit di ako palakaibigan? Kung bakit di ako palakausap? Kung bakit ganto ko? Isa lang dahilan dyan. Ayoko ng maiwan uli. Ayoko ng masaktan uli. Di pala totoo yung tinatawag na "bestfriend" kasi kapag may nangyare at di nila nagustuhan, iiwan kana lang nila bigla bigla, ipagpapalit sa iba at kakalimutan ng tuluyan.. Pero masaya ako, kung sino ako ngayon. Kasi ganto na ako. Kasi sarado na yung puso at isip ko sa salitang kaibigan. 

xxx

Sa wakas, recess na. Pwede na kaya umuwi or magcutting? gusto ko na umuwi, humiga sa kama maghapon at matulog buong araw.

Pagkababa ko para magpunta sa canteen.. Takte-- mas mahaba pa pila dito sa canteen kesa sa pila sa MRT. Traffic kung traffic. Lamon kung lamon. At dumating ang kokey..

"Hi miss. pwede pasingit?" Aba ang loko dinaan sa kindat si ate. Si ate naman daig pa kiti kiti sa sobrang harot at kilig. Ano ba klaseng babae ire? Ay teka. babae nga bato? Mukhang babaeng, hindi babae.

"Hi kuya. pwede pasingit?" Ginaya ko style ni kokey. kinindatan ko yung lalake katulad ng ginawa ni monggy.. kaso..

"Singit? Mukha kang singit! umalis ka nga dyan!" Ginawa ko naman yung ginawa ni monggy ah? ang kaso lang, sya ngumiti, ako seryosong kumikindat ng ilang beses.. di pala umeepekto yun..

"Oh babe! andito ka pala eh!" Inakbayan ako ni kokey.. oh my god.. may virus na ko na galing sa planeta nila. Aaahh help!~ ayoko magaya sakanyang puro hangin ang laman ng utak.

Wait.. eto na perfect time para makaganti hehe.

"AH BASTOS! MANYAK! WALANG MODO!" Sigaw ko na masisigurado ko na mapapatingin ang lahat.

"Ano?" Ang pangit nya magulat. Parang palaka na naging kokey hahaha.

"MANYAK! MANYAK! NANAHIMIK AKO DITO TAPOS AAKBAYAN MO KO PARA MANGHIPO!"

"Oy pinagsasabi mo?"

"BAGO PALANG AKO DITO TAPOS PINAGSASAMANTALAHAN MO NA AGAD AKO! MANYAK KA! MANYAK!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay napatingin ang mga teachers.. o o p s s.

"HOY! Itigil mo nga yan! wala akong gianagawa sayo! kinausap lang kita at inakbayan!"

"MANYAK KANA NGA TAPOS SINUNGALING KAPA!"

Lumapit na ang mga teachers dahil sa sobrang pinagtitinginan na kami ng ibang students at pinagkakaguluhan na rin kami. At syempre, nakuha ko na rin ang attention ng mga teachers dahil sa lakas ng pagsigaw ko.

"Anong kagulahan to?" Sabi nung teacher na maliit na babae na nakasalamin. Palipat lipat tingin nya saming dalawa.

"Wal--" Wag kang sumabat! moment ko to eh.

"Hinipuan niya po kasi ako.." 

"Hindi ko ginawa yan! Wag ka maniwala dyan! Feelingera yan. Assumera. PInagnanasaan ako nyan eh!" Ay wow. Di lang pala mahangin tong isang to eh. Makapal rin pala no? Sarap pabalikin sa planeta nya.

"GO TO MY OFFICE NOW!" Sabi nung teacher na maliit na babae na nakasalamin. Oopss. Beast mode si teacher. Umuusok ang ilong. Nagiging toro..

"But..." 

"I SAID NOW! FOLLOW ME!" Yare ka ngayon boy.

Naglakad na yung teacher na yun sa kung saan, di ko alam kung saan pupunta yun. Pero nasisigurado kong patay si kokey. Katay ang abot mo kuya! hahahaha.

"May araw ka rin sakin!" Pabulong na sabi sakin ni monggy. aba! humihirit pa oh. Katay ka na nga mamaya kay tanda tapos hihirit kapa ng isa pa. 

"Triggered. Beast mode. Piece of cake" Sagot ko sakanya sabay kindat bago siya tuluyang sumunod don sa teacher na yun.

Iintayin at paghahandaan ko ang araw na yun Niko Bryan Montes a.k.a kokey na monggy.

×××  

Wassup guys~ Eto na ang chapter 2. Super duper ultra mega tagal bago ko naisulat at maupdate ito, sa totoo lang, dapat hindi ko na talaga itutuloy itong story nato. Pero dahil puro comment na "Ud na po please" "Miss author tuloy nyo" eto naa. Tadaaa~ Enjoy reading guys :)

The Beginning of Everything [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon