Chapter 1: Trouble

1.3K 57 10
                                    

Shayenne's point of view.

I can't fvcking believe na kailangan ko maglakad papunta sa panibagong bahay namin.

Ang galing kasing magturo nung pinsan ko ng address. Dahil sa sobrang galing nyang magturo, nasira yung kotse ko at naligaw ako. Ang masama pa, wala palang nasasakyang mga taxi or kaya bus sa lugar nato.

To: Lance Oppa

Oppa, naligaw ako. Sh*t. Hindi ko alam kung saan tong lugar nato--

Bago ko pa matapos yung tinetext ko para kay Lance, bigla na lang nawala yung cellphone ko sa kamay ko.

"Hoy! Ibalik mo sakin yang cellphone ko! Hinayupak kang magnanakaw ka!" Sigaw ko habang hinahabol ko yung lalakeng kumuha sa cellphone ko.

Hindi ko na napansin na napunta na pala ako sa isang lugar na madilim. Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko may mangyayaring di maganda.

"Miss, ang tapang mo rin eh no? Talagang hinabol mo pa talaga ko makuha lang tong bagay nato?!"

"Oo. Kaya ibalik mo na sakin yang bagay na yan! Kailangan na kailangan ako yan ngayon!" Hindi ko dapat ipakita sakanya na kinakabahan ako. Dapat makita nyang matapang ako.

"Alam mo miss, madilim sa lugar nato. Walang tao. Walang makakakita kung papatayin kita. Walang rin makakakita ng bangkay mo. Ay teka-- sayang ka pala kapag pinatay ka lang. Gumawa na lang tayo ng kasunduan"

"Kasunduan?! Anong kasunduan?!" Habang tumatagal ako sa lugar nato, mas lalo akong kinakabahan.

"Ipapatikim mo samin yang katawan mo, kapalit nitong bagay nato. Pero wag ka mag-alala, di ka namin papatayin" Pagkatapos nyang sabihin yun, biglang lumabas yung dalawang lalake at hinawakan ako sa braso.

"Bastos ka palang gago ka eh! Manyak! Bitawan nyo ko!" Hindi ko na kaya. Konti na lang maiiyak nako.

"Manahimik kang babae ka! Puro ka ingay eh. Gamitin mo na lang yang mga ingay mo mamaya kapag napunta kana sa langit" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil sa sinabi niya. Natatakot na ko.

"Kuya, maawa naman kayo sakin oh. Kahit sainyo na yang cellphone ko, pakawalan nyo lang ako"

"Huli kana miss. Dapat kasi di mo na ko hinabol eh" Pagkatapos nyang sabihin yun, lumapit sya sakin at hinalikan ako sa leeg.

Hindi ko na napigilan. Tumulo na yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Bakit kailangang mangyari to sakin? Bakit kailangang maranasan ko tong pangyayaring ito?

Nagulat na lang ako nung tumaob yung mga lalakeng nakahawak sa mga braso ko. At yung lalakeng humahalik saakin ay nakahiga na rin sa lupa.

Anong nangyari? Bakit hindi ko napansin na may suntukan na palang naganap? Masyadong mabilis yung mga pangyayari.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Hoy! Magsalita ka naman!" Isang lalakeng hindi ko kilala. Isang lalakeng ngayon ko lang nakita.

"Salamat" Yun na lang ang nasagot ko sakanya. Buti na lang. Buti na lang dumating sya. Pero sino sya?

Pagkatapos kong sabihin yun, bigla syang nawala. Pero nag-iwan sya ng isang matamis na ngiti na ngayon ko lang nakita.

"Rain, gumising kana iha. Malalate kana. First day mo ngayon sa new school mo" Sabi ng yaya ko saakin habang tinatapik ang pisngi ko.

Bumangon na ko sa pagkakahiga ko. Pumasok na lang bigla sa isip ko yung napanaginipan ko. So ibig sabihin, panaginip lang pala ang lahat. Akala ko, totoo na. Pero sino sya? Sino yung lalakeng tumulong sakin? Sino yung lalakeng nag-iwan ng matamis na ngiti sakin?

The Beginning of Everything [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon