First year highschool pa lang ako may sinalihan na akong banda..Naghahanap kasi ako ng part time job pero hindi naman ako mahirap..Gusto ko lang tumayo sa sarili kong paa..Pumayag naman ang daddy ko at mommy sa gusto ko kaya nga ako sa dormitory nakatuloy..
Si Xanxes (Sapphire)ang bumuo ng banda namin..magkakaklase kami noon tapos kinailangan ng mga manunugtog kaya nakagawa siya ng banda na may limang miyembro..Si Annulley(Amber) bass guitarist,si Ren(Ruby)acoustic guitarist,si Ellaine (Emerald)pianist,si Xanxes (Sapphire) drummer at vocalist at ako (Amethyst)lead vocalist at drummer din parehas kami ni xanxes kaya salitan lang kaming dalawa ng routine..
Four years na rin ang banda namin..at kung mapapansin niyo Gemstones ang stage name namin kasi yan ang mga birthstone namin..Sumikat ang banda namin kesyo daw maganda ang mga tinutugtug namin at magaganda daw kami..hahaha..matagal na rin kaming tumutogtog sa bar..at sa iba pang stage..Ilang ulit na rin kami nanalo sa mga contest..Pero ngayon inimbitahan pala ng principal si Sapphire na tumugtog daw ang bandang the flames dito sa school..pumayag daw siya kasi school ko naman daw eh..
Sa ngayon andito ako sa pinaka likod ng court kasama si charles..nanunuod lang kaming dalawa..
"Claire,hindi ka tutogtog??"tanong niya sa akin habang nanunuod pa rin..
Late at night when all the world is sleeping..
As
"Ahh..ehh..mamaya pa..pagkatapos kumanta ni Sapphire..hehehe"nag day dreaming pa ako eh..
And I wish on the star that somewhere
You are dreaming of me too..'Cause I'm dreaming of you tonight..
"Ahh..akala ko hindi ka mag peperform..good luck!!"sabi niya sa akin sabay tapik sa likod ko..
'Till tomorrow I'll be holding you tight..
'Cause there were nowhere in the world I'd rather be...
Then here in my room dreaming about you and me..
"Salamat!!"reply ko sa kanya at nanuod ulit..
Natapos na yung kanta ni Sapphire..kaya nag break muna ng 5 minutes..Kumain muna ako..kasi parang hindi naman ako mag pe perform..
"Mic test!!mic test!!ahmm.."sabi ni Amber sa stage..tinitest niya yung microphone..
"Tinatawagan ko po si Amethyst dito sa stage for her performance.."tinatawag ako ni amber pero hindi ako tumayo..kumakain pa ako..
"Claire,tinatawag kana nila..hindi ka pupunta??"sabi sa akin ni charles na kasama ko kumain..hindi ako umimik..
"AMETHYST!!AMETHYST!!LUMABAS KA NA SA LUNGGA MO!!AYAW MO?!CLAIRE BUENAVISTA!!"o__O nagulat ako sa pagsigaw ni Ruby..kaya nag sipagtinginan sa akin yung mga estudyante..kaya tumayo ako papunta sa stage...kainis sila..humanda 'to mamaya sa akin..
"Hi guys!!"sigaw ko sa mga audience namin kaya nag hiyawan lahat sila..
"Anong request niyo??!"tanong ko sa kanila..hindi kasi ako handa kaya hindi ko alam ang kakantahin..