chapter 05:

16 0 0
                                    

     Nakarating na ako sa dorm namin para maghanda para sa pagpunta namin sa bicol..Nadatnan kong natutulog pa rin si sheryl..Naghanda na nga ako at bago ako umalis nag iwan ulit ako ng notes sa kanya..Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa parking lot ng dormitory namin kasi dun naka park ang kotse ko.

     Sumakay na ako sa Gray Car ko, na halos isang buwan ng hindi ko nagagamit..Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay ni Craze,siya kasi ang una kong dadaanan..sabi pa nga niya huwag  na siyang sunduin may kotse naman siya pero sabi ni stailey dalawang kotse lang daw ang gagamitin at iyon ay yung akin at kay stailey..

     Ang pangalawa naming sinundo ay si kyle,may dala siyang bagpack at isang plastic na puno ng libro...at para sa huling susunduin pupunta kami sa bahay ni charles..magkapit bahay lang naman sila ni kyzer..Nang makumpleto na ang lahat..Pupunta na kami sa School para kitain sila stailey..Pinapunta ako ni kyzer sa likod kasama sila charles at kyle para makapagpahinga ako..at siya na ang mag dadrive..

"*yawn* *yawn*"inaantok na ako sa sobrang traffic papunta na kami ng bicol kasama ko sila charles at kasama ni stailey ang mga babae..

"Tulog ka muna claire"sabi ni charles pagkatapos ay pinatong niya ang ulo ko sa balikat....

     Nagising ako sa ingay ng busina..nakita ko yung mga lalaki na nasa labas nakikipag usap sa isang lalaki na nakatalikod..Nakita ako ni Craze na papalabas ng kotse pero sinenyasan niya ako na huwag lumabas kaya kinabahan ako kung ano ang nangyayari..

"What the hell!!"sigaw nung lalaki kaya kinabahan ako lalo..hindi na ako nagdalawang isip na lumabas para malaman kung ano ang nangyayari sa kanila..

"Boys??what's happening here??"napatingin silang lahat sa akin..nakasando na lang ako ngayon tinanggal ko kasi ang suot kong jacket mainit kasi..

"Claire,bakit ka lumabas??sabi ko sa'yo huwag kang lalabas ehh.."sabi ni craze pero nakatitig lang ako sa lalaking kausap nila..

     Lumapit ako doon sa lalaki na nakikipagsagutan pa rin kay kyzer

...Nagulat naman silang tatlo kung bakit ako lalapit dun..kinalabit ko yung lalaki pero hindi siya umimik..

"NATHAN BUENAVISTA!!!"sigaw ko sa tenga nung lalaki kaya napaharap siya sa akin..

"Arrrgh..ano b—"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nung makita niya ako..

"ATE??!!teka—Araaay!!"binatukan ko siya..buti na nga lang naiwasan niya yung sipa ko ehh..pero nakita ko yung mga kasama ko na nakatulala..

"ATE??!!Kapatid mo siya??!!"tanong nung apat na halatang nagtataka..

"Yup!!he is my handsome but irresponsible little brother "I emphasize 'irresponsible brother'hinawakan ko ang ulo ni nathan para magsorry sa kanila...

"Pasensya na sa ginawa ng kapatid ko..teka ano bang nangyari??"tanong ko sa kanila kasi hindi ko alam kung bakit sila nag aaway..

"Ahmm..muntik lang kasi natin mabangga ang kotse niya ehh.."pagpapaliwanag ni charles..habang nakatingin kay Nate pero parang may mali sa kinikilos nila..

"Oo ate muntik na nilang mabangga yung kotse ko..saan nga pala kayo pupunta at bakit panay lalaki ang kasama mo ate ??"tanong niya sa akin na parang nag aalala..

"Pupunta kasi kami sa villa ko..tutal weekend kaya doon muna kami..eh. ikaw saan ka pupunta??"tanong ko naman sa kanya..Tapos ngumiti siya sa akin ng nakakaloko..

"Sa villa ko rin ate..di ba magkalapit lang ang villa natin??"tama may villa siya at halos magkatabi lang yun nung sa akin..

"Ahmm..oo..oh siya sige kitakits na lang Nate..aalis na kami inaantay na ako ni stailey ."nag paalam na kami kay nate at nagpatuloy na sa daan..malayo pa kami sa pupuntahan namin kaya sinalpak ko muna ang headset sa tenga ko at sumandal sa glass ng bintana para matulog ulit..

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon