"Anong pangalan mo??ilang ulit na tayong nagkikita pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo.."sabi ko sa kanya pero nakatalikod..
"Sorry,ako nga pala si---"sasabihin na niya kaso .
Kriiiing....kriiiing....kriiiing..
Lintik na alarm clock yan..panira ng panaginip..sasabihin na niya pangalan niya ehh..pero teka bakit parang ang lakas masyado ng alarm at bakit maingay...Minulat ko si Mata and then I saw a handsome man..hahaha andito pa rin pala ako sa clinic..
Pinagmasdan ko muna siya,ang cute niya pero hindi ko siya crush noh..crush ko si boy in my dream..matangos yung ilong niya,red lips,mahaba ang kanyang mga pilikmata at makinis ang mukha niya parang mas makinis pa nga kesa sa akin ehh..
"Good morning!!tapos ka na bang sauluhin ang bawat parte ng mukha ko ??"o___O hahaha..gising na pala siya akala ko hindi pa..
"Hehehe..oo tapos na saulong-saulo ko na nga ehh..at napag alaman ko na mas maganda ka pa sa akin..wahahaha.."ngumiti nanaman siya ang cute niya...teka anong oras na kaya??..Tinignan ko si Mr. Watch,8:00 am na pala isang oras na lang pasukan na namin..
"Kamusta pakiramdam mo??okay ka na ba??may masakit ba sa iyo??"tanong ko sa kanya habang hinihipo yung ulo niya may lagnat kasi siya ehh..
"Chill lang claire,I'm okay na..salamat ha..ikaw ba ang nagbantay sa akin??"nagtatanong pa halata naman ehh..dito pa nga ako nakatulog ehh..
"Hindi..hindi..yung kaluluwa ko kaya nga ako nandito para sunduin siya ehh.."sarkastiko kong sagot sa kanya..tumawa naman kaming dalawa..
"Salamat ha..dito ka pa nakatulog..okay lang ba sa principal na dito muna matulog??"tanong niya sa akin..pumayag naman si Ms.Melody sa hiling ko na dito muna kami ehh..
"Okay lang pumayag naman siya..kasi mukhang malubha yung pagkabugbog sa'yo ehh..sino pala yung mga bumogbog sa'yo??napag alaman kasi namin na outsider yung mga yun..."tanong ko sa kanya pero mukhang hindi niya kilala..napag alaman ko rin na hindi yun tropa ni carl..
"Hindi ko rin sila kilala eh..teka ano pala ang nangyari sa kanilang tatlo??"tanong niya sa akin..haha..napuruhan ko yata ung mga yun eh..
"Ahh..ehh..hehehe..wag kang mag alala hindi ko naman sila masyadong napuruhan..hehe..kung gusto mo silang makita yung dalawa nasa kulungan...at yung isa..nasa..hospital"hahaha..napuruhan pala yung isa..nahampas ko kasi ng tubo,self defense naman yung ginawa ko kaya hindi ako makukulong..
"Anong nangyari sa isa bakit nasa hospital??"tanong niya na may bahid ng pag aalala..mabait siya kaya masyadong nag aalala..
"Hehehehe..napuruhan ko ata..papaluin niya kasi ako sa likod ng kahoy kaya inunahan ko siya napalo ko siya sa ulo ng tubo..wag kang mag alala hindi naman na 50-50 ang buhay niya eh..hehe.."nag explain ako habang pakamot kamot sa ulo kahit walang makati..
"Ahhh..ganun ba.."yun lang ang comment niya..kaya nabalot ang clinic ng katahimikan..pero tumayo ako..
"Anong gusto mong kainin??bibilhan kita pagkatapos kong maligo"maliligo ako dito sa clinic..may extrang uniform naman ako sa locker kaya okay lang..
"Ahh..noodles na lang..atsaka saan ka maliligo??pwede bang maligo dito??"tanong niya na ngayon ay nakaupo na sa kama..
"Dito sa C.R ng clinic pwedeng maligo dito may extrang uniform at damit ako sa Student Council Room..pero wag kang lalabas ng clinic..okay??"pagkasabi ko sa kanya lumabas na ako papunta sa S.C Room..
Marami rami na ring estudyante..yung iba ay binabati ako habang nakakasalubong ako,sinusuklian ko naman ng ngiti..Sa third floor ang office ko..yup may sarili akong office..Nakarating ako sa taas at kinuha ko yung bag ko na may mga damit ko minsan kasi dito ako natutulog..pumunta na rin ako sa locker ko para kunin yung extra uniform ko..Pabalik na ako nang clinic,nakita ko yung room namin na bukas tinignan ko pero walang tao..kinuha ko yung bag ni Charles para dalhin sa clinic..Nakarating na ako sa clinic wala akong nakitang Charles pero narinig ko yung shower na nakabukas..baka naliligo siya..