Chapter 01:

59 1 0
                                    

First day of school ngayon,Fourth year highschool na ako.Kasama ko ngayon si Sheryl Young,bestfriend ko,dorm mate, at classmate ko.Kasama rin namin 'yong boyfriend niyang si Ace Justin Suarez,isang basketball player ng school namin,section II samantalang kami ay section I..

"Sheryl,magkaklase na naman tayo..kaya sabay na tayo mamaya..okay??"sabi ko sa kanya habang kapit na kapit sa braso ng boyfriend niya..

"Okay claire,antayin mo na lang ako sa room natin..pupunta lang kami sa canteen.."sabi niya sa akin habang naglalakad sila palayo ni Ace..buti nga hindi naiinis sa kanya si Ace ehh..

Pumunta na nga ako sa room,sila sila pa rin 'yong classmate namin parang walang nagbago pero may isang lalaking bago lang sa paningin ko..transferee siguro toh..lalapitan ko na sana siya ng biglang lumapit sila Carl at 'yong tropa niya..Hala!baka ibully nila si kuyang bago..

"Tol!! transferee ka dito noh??"hindi sumasagot si kuyang bago..ang tahimik niya..mukhang walang alam dito..

"Hoy!!"sigaw ni carl..hinawakan na ni carl ,yong kuwelyo neto pero wala pa ring imik si kuyang bago..nilapitan ko sila Carl at hinawakan ang kamay niya tapos ningitian ko..binitawan naman niya at 'yong kamay ko ang hinawakan..

"Good morning!!Claire my loves"sabi niya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko tapos hinalikan...eww..feelingero din toh..Hinugot ko ang kamay ko sa kanya..

"Carl,bago pa lang siya dito..huwag niyo namang ibully kaagad.."sinabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya at nagpuppy eyes pa ako tapos ngumiti pa ako..ohh..di ba lakas mag pa cute..

"Okay,my loves basta sabay tayong mag recess mamaya..okay??"aba nagkondisyon pa siya..

"Sige papayag akong sumabay sa'yo kapag natalo mo ako sa taekwondo"blackbelter kasi ako sa taekwondo..kaya paminsan napapaaway ako..Hindi siya pumayag kaya ayon umalis na lang..Lumapit ako kay kuyang bago..

"Hello,ako pala si Claire Buenavista..ang Student Council President..nice to meet you"pagpapakilala ko sa kanya..inabot ko pa ang kamay ko para makipag shake hands din naman siya sa akin..

"Hi!I'm Charles Constantine,nice to meet you too!(^_^)"ngumiti siya sa akin ang cute naman niya..pero parang familiar 'yong apelyido niya..

"Bakit nga pala hindi ka gumanti sa kanila??hindi mo man lang pinagtanggol ang sarili mo sa mga g*g*ng 'yon"sabi ko sa kanya ng mahinahon kasi baka magulat 'yon at matakot sa akin..

"Ahmm..baka kasi makarating sa papa ko eh..masira ko pa ang image niya sa tao.."pero kailangan niyang ipagtanggol ang sarili niya..siguro galing sa mayamang pamilya toh..maitanong nga..

"Teka,sino ba 'yang papa mo ha??"tanong ko sa kanya kasi naman masyadong mahigpit ang papa niya..pero curious din ako..

"Ahmm..pwede bang secret lang natin 'toh???"sabi niya sa akin kaya tumango tango na lang ako..nakita ko siyang ngumiti..ang cute niya talaga..

"Secret lang ha..okay..papa ko si Charlie Constantine,'yong may ari nitong school at nang VGSM Company.."sabi ko na nga ba related siya doon ehh..magkakasundo kami nito..

"Sabi ko na nga ba..ikaw 'yong anak niya ehh..alam mo magkakasundo tayo.."hahahaha..nakakatuwa naman magkasundo na ang papa at mama namin for sure pati kami..

"Bakit??"

"Kasi magkasosyo yung papa mo at papa ko sa negosyo..kaya siguro magkakasundo tayo..(^_^)"sabi ko sa kanya..ngumiti naman siya..

"Claire,pwede ba mamaya sabay tayong mag recess??"tanong niya sa akin na parang nahihiya kaya napangiti ako..

"Sure,isasama ko yung bestfriend ko at yung boyfriend niya..ipapakilala na rin kita sa kanila mamaya.."sabi ko sa kanya..tumabi ako sa kanya at doon na rin yung new seat ko this year..

Dumating na si Ma'am,siyempre ganon pa rin naman ang eksena..every subject magpapakilala kahit na kilala na namin ang bawat isa..hindi naman na out of place si Charles kasi marami rami na rin siyang naging kaibigan.Masaya naman ang first day..Nagring na nga yung bell it means recess na..lumapit sa akin si Charles tapos lumapit kaming dalawa kay Sheryl..

Pinakilala ko si Charles sa kanya pati na rin sa boyfriend niya..Sabay sabay kaming apat..Sa ngayon andito kami sa canteen.

"Claire,anong kakainin mo??"tanong sa akin ni charles..manglilibre yata.

"Ahmm..siguro juice na lang yung bibilhin ko kasi busog pa naman ako ehh..ikaw??"tinanong ko na rin siya para naman hindi niya sabihing alam kong ililibre niya ako..

"Ahh..okay juice na lang din ako..ako na yung bibili...libre kita kasi tinulungan mo ako kanina.."ang bait naman niya..

"Okay..thank you antayin ka na lang namin sa table no.20 sa bandang dulo yun.."sabi ko habang tinuturo yung upuan sa dulo..

Nag-antay kaming tatlo sa kanya medyo matagal siya..Sa hindi kalayuan may nagkukumpulang tao..siguro dumami na yung mga estudyante kaya hindi ko pinansin..Pero nakarinig na ako ng sigawan ..hindi ko ulit pinansin..pero may tumatawag sa akin..

"Ms.Buenavista!!Claire!!",tawag sa akin ni Lance Montillo ang vice president ng student council..Napatayo ako sa sigaw niya..

"Ba..bakit??anong nangyayari??",pautal utal kong sagoy sa kanya..kinakabahan kasi ako ehh..

"Ms.Claire,yung transferee po kasi at yung tropa ni carl nagaaway po doon",sinabi niya sa akin habang hingal na hingal at tinuro niya kung saan..

Tumakbo ako sa nagkukumpulang tao..oo doon nga sa maraming tao na pinabayaan ko lang kanina..Pagkalapit ko nakita ko si Charles nakahiga na sa sahig punong puno ng sugat at namimilipit ang likod dahil sa pagpalo ng kahoy sa likod niya..Nakita ko namam na yung isang lalaki ay hahampasin siya ulit kaya sinipa ko yung kamay niya kaya tumalsik yung hawak niyang kahoy..Lumaban sila kaya pinatulan ko nadala sa principal office yung tatlong lalaki..at napagalaman ko rin na outsider ang mga 'to..

Sa ngayon andito ako sa clinic kasama ko si sheryl kasi binabantayan namin si charles na punong puno ng benda sa katawan..

"Claire,hindi ka pa uuwi??kung hindi pa mauuna na ako..ingat ka na lang sa pag-uwi..",sabi niya sa akin habang paalis..

Naiwan ako dito sa clinic binabantay ko pa rin siya..Nasa tabi lang ako ng kama niya nakaupo..Gabi na rin kaya dinalaw ako ng antok..Sinara ko yunh pinto ng clinic..okay lang naman na dito muna kami eh..nagpaalam na ako..Umupo ako sa silya sa gilid ng kama niya at tumango na lang ako at unti unti ng pinikit ang aking mga mata..

Ipagpapatuloy...

---------------------

Salamat po sa bumabasa..Please leave a comment or suggestion..
Arigatou..minna-san..

>hariaseiram

Dreaming Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon