forever and always

0 0 0
                                    

That conversation with Alister definitely sucked all my energy. I had no strength left to enjoy my day off with Sari, and stayed in bed the whole day until evening.

What he said hurt me even though some of it were true.

Yes, I robbed him the chance to make things better and decide for himself but that's only because never in our relationship did he ever made me feel that I am his priority, not even the second.

5 years ago...

"Where are you?!" I asked him over the phone. "Kanina pa kita tini-text, hindi ka nagre-reply! Kahit sa facebook, naka-online ka naman!"

Ayoko siyang i-nag pero nakakainis na! One week pa lang kami together pero puro sakit ng loob ang ibinibigay niya sa'kin!

I feel like it's me who forced this relationship to happen. Mukhang 'di naman siya seryoso.

Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya habang kinakantiyawan siya ng mga kaibigan niya.

"Chill, will you? Why do you have to nag me all the time? Hindi ako nag-girlfriend para makarinig ng pagbubunganga everyday, Sands." Sabi niya at saka tumawa ng tumawa.

The nerve! I cannot really stand this anymore, so, I immediately decided.

"Ah, okay sige. You don't like a nagger girlfriend who's just concern with your welfare? Okay. Consider it done, a**hole!" Sa inis ko sa kanya, pinatayan ko ng phone at kahit tumatawag pa siya at nagte-text, hindi ko na sinasagot.

That went on for days until he visited me at home.

Late akong umuwi ng araw na iyon dahil kumain kami sa labas ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Dahil on the way din naman ang bahay nila Lester sa amin, siya na ang naghatid sa akin.

Pagdating sa amin, kaagad akong bumaba ng kotse. I smiled to Lester and said, "Salamat, Les! Ingat ka!"

"You're welcome, Sands! Good night!" Sagot niya bago siya nag-maniobra ng sasakyan.

Nang tuluyan na siyang makaalis, pumasok na ako sa gate ng bahay at inabutan ko si Alister na galit na nakatingin sa akin. Hindi ko ine-expect na andito siya. Hindi siya nag chat or text, wala din namang sinabi ang mga kapatid ko.

"Sino 'yon? Anong oras na, ah? Kanina pa ako dito, bakit ngayon ka lang umuwi?" Sunud-sunod na tanong niya.

Aba, kailan pa ako nagka-obligasyong magpaliwanag sa kanya? The last thing I remember, tapos na kami one week ago. Mas mabuti na yun kaysa mas lalo lang akong masaktan.

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na pinansin. Tumuloy na ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Nauhaw ako bigla.

Your words won't hurt me now, Alister. I don't care anymore.

"So, hindi mo ako kakausapin? Ganoon na lang, Cassandra?" Mukhang naiinis na tanong niya na, pero nagpipigil dahil ayaw niyang marinig kami nila Mama at Papa. Nasa kwarto na sila pero konting ingay lang, baka lumabas ang mga iyon.

Hay, ang sarap lamutakin ng mukha niya! Nanggigigil ako!

"The last time I remember, we've broken up already, Alister. Kung ano man ang gusto kong gawin in my free time o oras ng uwi ko, you have no say about it. And just in case you forgot, you made it very clear to me, may I quote-unquote: "Hindi ako nag-girlfriend para makarinig ng pagbubunganga everyday," I smirked at him after saying that. "Hindi ako mahirap kausap, Ali. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong walang pagpapahalaga sa akin o sa oras ko."

YOURS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon