Present
Gabriel Smith.
He is my 35 year old American but Thailand-based suitor. Masugid. Hindi sumusuko. Businessman.
May-ari siya ng isang boutique hotel malapit sa Platinum mall at restaurant/bar sa Kao-san road pero nakilala ko siya noong pumunta siya sa agency para makipag-partnership sa amin.
He is respectful and open-minded. Ilang beses ko ng binasted pero patuloy pa din na nanliligaw. Wala daw siyang pakialam kung may anak na ako, ang importante wala akong asawa at hindi ako kasal. Sabi niya tanggap niya si Sari at nakikita ko naman din iyon sa kanya sa tuwing dumadalaw siya dito sa bahay.
Not too loud knocks brought me back to reality.
Tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang pinto. Inabutan ko si Blessie sa labas at may isini-senyas sa may sala. Tinaasan ko siya ng kilay at natawa siya.
"Stop sulking. May bisita ka at kung pwede labasin mo na dahil kanina pa siya nandiyan." Anito at ngumiti sa akin. "Alam ko maraming nangyari ngayong araw na ito, pero siguro ganoon talaga? Kailangan siguro mangyari yon para makapag-simula ka na din ng bagong buhay. Think about Gabriel. He's always been there for you. Don't you think it's time?" Mahabang sabi niya sa akin, trying to console and make a sense out of me.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tiningnan niya ako ng makahulugan na sinagot ko lang ng simpleng ngiti. Umalis na siya sa harap ko at sumunod na lang ako sa kanya papunta kung nasaan ang aming bisita.
Pagkakita sa akin, kaagad na tumayo sa pagkakaupo si Gabriel at at nilapitan ako.
"Hey stranger," he said before placing his right arm around my waist, leaned forward and kissed my lips & whispered, "how are you feeling?"
I smiled at him and answered, "I feel so much better now that you're here."
Which he answered with a shy smile and a cute blushing cheeks.
Gabriel is not just handsome. He is very handsome. Alam niyo yung mga leading man sa mga hollywood films? Ganoon ang awra niya. He is every girls dream here. Madami ang nagkakagusto sa kanya dito sa Thailand at marami din ang nakikipag-flirt. Minsan sobrang obvious kahit na kasama pa niya ako. Pero kahit minsan, hindi ko siya nakitang pumatol o nagpakita ng motibo sa iba. Siguro kung meron lang taong perpekto, siya na yun.
Pero wala, hindi ba? Of course, Gabriel is not perfect. Nobody is. He has his flaws and he didn't keep that as a secret from me.
I've been going out with him since he voiced out his interest in me, pero tinanggap niya ang kundisyon ko na I will go out with him only as a friend. He's nothing short of the amazing best friend he promised he would since then.
Gwapo na, mayaman pa, at mabait pa. Ano pa bang hahanapin ko? Ang problema na lang, hindi siya ang tinitibok ng puso ko.
Hearing Blessie's thoughts about me moving forward with my life kept bugging my mind but I know this is not the time for it.
"You're so cute when you blush," I teased him, na sinagot niya naman ng kunwaring pagsimangot sa akin.
"Are you flirting with me, woman?" He asked.
Tinawanan ko siya bago sinagot, "What if I am?" At kunwari akong nagseryoso.
Tumahimik siya saglit at mukhang nag-iisip ng magandang come back.
"Hmm.." he paused, and continued, "You cannot flirt with me unless you tell me have feelings for me." Seryoso niyang sabi.
Na nagpatawa sa akin. Tawa na dati kay Alister ko lang nararanasan.