SANDY'S POV
Hayy! Bakit kaya kanina pa hindi nagt-text si Jayvee my babes? First monthsary pa naman namin.
Tsk. Siguro nakalimutan niya.
(MAHAL KITA. SIMULA PA NUNG UNA~
SANAY MAHAL MO RIN AKO~)
"Miss De Guzman!"
Napatayo ako sa upuan ko dahil sa gulat nang tawagin ako ng teacher namin.
"Yes Ma'm?"_gulat kong tanong.
Ang sama ng tingin sa akin ni Ma'm. Bakit kaya?
*Poke**Poked*
Tumingin ako sa nangalabit sa akin. Si best Cherry pala.
"Cellphone mo tumutunog."_sabi niya sakin ng pabulong.
At *BOOM* saka ko lang napansin na tumutunog pala ang cellphone ko. Kaya pala ang sama ng tingin sa akin ni Ma'm. Kinuha ko sa bulsa ng uniform kong palda ang cp ko. Nakita kong si Jayvee ang tumatawag. Sasagutin ko na sana nang biglang...
"MISS DE GUZMAN! GET OUT TO MY CLASS NOW!"
Sigaw ni Ma'm sa akin. Sa sobrang gulat ko natatarantang napalabas nalang ako ng classroom namin. Naiwanan ko pa ang bag ko. Tsk. Babalikan ko na nga lang mamaya. Hindi ko narin nasagot ang tawag ni Jayvee.
Hayy! Saan kaya ako pwedeng tumambay ngayon?
Hmmm? Isip isip?
Alam ko na sa rooftop nalang.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lak--
*BOOGSH*
Aray ko po. Sakit! Sino kaya yung bwiset na yun? Teka tumakbo na? Hindi man lang nag-sorry o di kaya ay tinulungan ako? Tsk. Walang manners. Buti nalang konti lang ang mga studyanteng nasa labas ng mga classroom nila. Hindi ako masyadong napahiya.
Pumunta na ako sa rooftop. May bench naman doon matutulog muna ako. Pagdating ko doon humiga agad ako at nag-sountrip nalang.
SOMEONE POV
Ang ganda talaga ng babaeng mahal ko. Kompleto na agad ang araw ko makita ko lang siya. Kung gaano siya kaganda pag mulat ang mga mata niya ay ganun rin siya kaganda pag nakapikit. Ang peaceful niya titigan.
Nagalit kaya siya sakin kanina nung mabangga ko siya? Magso-sorry nalang ako sa love letter ko sa kanya. Ilalagay ko mamaya sa locker niya.
Hayaan mo mahal ko. Lalaksan ko na ang loob ko na magpa-kilala sayo para mabawi na kita sa gagong Jayvee na yun. Akin ka lang kase.
SANDY'S POV
Napamulat ako ng maramdaman kong parang may nagmamasid sa akin. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao. Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan ko kung may message sa akin si Jayvee.
After nung na-missed kong tawag niya ay hindi na ulit siya tumawag o nag-text man lang. Tiningnan ko nalang ang oras. Magsisimula na pala ang next class.
A/N:
SINO KAYA YUNG SOMEONE NA YUN?
ABANGAN!
THANK YOU PO SA PAG-BABASA. VOMMENT ARE VERY MUCH APPRECIATED.
SORRY SA TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR.
melrenn17<3
BINABASA MO ANG
The Guy Who captured my Cold Heart
Storie d'amoreThis story is just a work of my imagination.