Chapter 2

25 1 0
                                    

Shazeine Pov


Nagising ako at naramdaman kong may brasong nakayakap sa bewang ko. Liningon ko ang may ari ng brasong iyun, fuck! Napakagwapo nya talaga.

Mukha siyang mas perpekto pa sya sa perpekto, gulong gulo ngayun yung brown nyang buhok, pero bumagay naman iyun sakanya, mas lalo syang naging hot tingnan.

Rinig na rinig ko ngayun ang kaunti nyang hilik dahil malapit lang yung bibig nya sa leeg ko... hilik pa lamang nya, napakasarap ng pakinggan. Pero ito na ang huli, di ko na nanaisin pang makita syang muli at marinig ang boses nya.

Sasamantalahin ko na ang pagkakataon kong 'to, dahan dahan kong tinanggal ang braso nya at pinulot yung mga saplot ko, mabilis akong nagbihis at tinungo ko yung pinto ng hindi lumilikha ng ano mang ingay. Mahirap na, baka magising pa siya. Pinihit ko ang door knob. 

Napatigil ako, nilingon ko muna ang estrangherong lalaki, tinitigan ko ng mabuti yung mukha, menemorize ko talaga lahat ng parte nya, even his height na parang nasa 7'02. Para kung sakaling Makita ko sya ay mataguan ko sya diba. Lumabas na ako at sinara ang pinto, bye Perfectly Handsome Stranger. 

Mabilis akong tumakbo.

Makalipas ang dalawang taon ay di ko na nakita pa ang estranghero na naka one night stand ko. Pero, lagi sya ang nasa isip ko, walang araw na hindi sya nawala sa isip ko, ewan ko ba, sana di ko na sya makita magpakailanman, dahil natatakot ako, ayokong gumulo pa lalo ang magulo kong buhay. At ayokong malaman nya na...

"Bes!" nilingon ko yung bestfriend kong si Seirre, ngumiti ako. Kasama nya ngayun ang magkambal kong anak, yes anak! Sinong ama? Alam nyo na yuuun. Yung kambal pala ay sina Clyde and Zhane. Napakacute talaga nila,magkamukhang magkamukha sila even though babae si Zhane at Lalaki si Clyde, manang mana sila sa ama. Pinantay ko yung magkambal at sabay silang pinisil sa cheeks, nakakagigil talaga ang cuteness nila.

"how's my twins?" nakangiti kong tanong

"were fine mmima" sagot ni Clyde, Ang ganda ng boses nya, sa 'twing nakikita ko sya naaalala ko yung stranger, parehong pareho kasi sila, shape of face, eyes,nose,mouth... pareho.

And the way he move pareho din sa ama nya...si Zhane naman, medyo may hawig sakin, mata at labi ang napagmanaan nya sa ama nya dahil pareho kami ng ilong at kilay, lalo na yung kilos.

"mmima! I want chocoweyt!" napachuckle ako sa salitang iyun ni Zhane, nabubulol kasi sya sa L.

"okay baby, so let's buy!" ngiting sabi ko, nagliwanag naman ang mukha ng magkambal. Paboritong paborito talaga nilang pareho ang chocolate. Pero minsan ko lang sila pinapakain niyan, alagang alaga kaya ako sa dalawang 'to. Hindi nakabubuti yung kain ka ng kain ng sweets noh.

"Yeeeeey!" sayang saya na sabi nila habang nagtatalon talon pa, nakangiti lang ako sa kanila habang ginagawa nila iyun.

"Bes, nasan nga pala yung hubby mo? Ba't di mo kasama?" baling na tanong ko kay Seirre na ngayun ay nakangiting pinapanood rin yung magkambal, napabaling naman sya sakin habang nangagat labi, ays, problema naman ata.

"Ah kasi...ano...hmm..." nag aalinlangang sambit nya, pero kahit di nya sabihin ay alam ko na naman. Napa 'hays' nalamang ako sabay iling, di parin talaga nagtitino si Marzo, ewan ko ba kung ba't ang lalaking yun pa ang piniling pakasalan ni Seirre, babaero at mahilig uminum kasi ang lalaking 'yun, paniguradong yun yung reason ni Seirre kung ba't di nya ngayun kasama ang cassanova na asawa nyang yun. 

Wala talagang ibang ginawa 'yun kundi paasahin at saktan lang si Seirre, at ito naman na kaibigan ko nagmamahal at nagpapakatanga parin. Kahit maraming beses na akong nag advice sa kanya, parang balewala lang iyun sa kanya kasi mahal niya daw eh. 

Kumakain na ngayun ng Chocolate yung mga anak ko, parang pakiramdam ko di ako mapakali, para kasing may nakamasid, nilingon ko yung magkambal at si Clyde nalang ang nakita ko

O_O

Fuck! Nasan na! nagsimula na akong mataranta at kabahan.

"Seirre! Nasan si Zhane!?" nagpapanic kong tanong.

"katabi lang yun ni Clyde---Shazeine calm down ok, makikita natin sya...calm down, okay" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, tama...makikita namin sya...

''mmima! ayuwn shi kembal oh" napangiwi ako ng magsalita ng tagalog si Clyde, lumaki sya dito sa US kung saan kami ngayun nakatira kaya di sya nakakapagsalita ng straight na tagalog.

Tiningnan ko yung dereksyon na tinuro nya at nakita ko si Zhane na may hawak na 1 jar ng candies, nakatingila sya ngayun sa isang parang familliar na lalaki.

''Twin!'' tawag ni Clyde kay Zhane, napalingon naman sa gawi namin si Zhane, pati na rin yung lalaki.

O_O

Holly Shit! yung lalaki... s-sya y-yung...sya yung ayaw ko ng makita pa, yung pinagtaguan ko ng ilang taon, yung naka one night stand ko...

Yung lalaking laging nasa isip ko, di ako nagkakamali...nanigas ako sa kinatatayuan ko, anong gagawin ko? tatakbo...magtatago...fuck! after 2 years, nakita ko na ulit sya, maraming babae ang nakatingin sakanya at yung iba ay tumitili pa...

''waaaah Cylex Heampstead!'' Cylex Heampsted, yan ba ang tunay nyang pangalan? Ang hot pakinggan ah. Masama nya akong tinitigan.

Huh???

Parang wala syang paki sa mga nagtitilian.

''Shazeine...'' sambit nya...natahimik ang lahat, napalingon sakin ang lahat kaya nakaramdam ako ng hiya, gusto ko ng tumakbo...

SILENCE...

Naglakad sya palapit sakin at hinigit palapit sakanya ang katawan ko. So HOT!

Tinulak ko sya palayo sakin.

''bitiwan mo nga ako, i don't know you mr.'' i lied, i know him, i really know him.Nakita ko ang pagyukom nya ng kamao at pagtiim bagang nya...nakakatakot. Para bang punong puno sya ng galit at gusto nya na akong patayin.

Hinawakan ko yung kamay ng magkambal at hinila ko sila palapit sakin.

''let's go home Seirre, i'm tired''

ArianAsher

His Wet KissesWhere stories live. Discover now