Shazeine Pov
Kung pwede lang tumalon sa bintana ng kotse ni Cylex ay ginawa ko na para lang makatakas, aish, di 'ko alam kong ba't ba ako hinila ng lalaking 'to. Nakakainis na. I never considered idea that we'll cross paths again, Lord! Pinag cross mo ba ang landas namin ng lalaking to? To ruined my already ruined life? Hays, hanggang ngayun iniisip ko parin, ba't ba napaka big deal sa lalaking to yung nangyari samin?
Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak hawak nya kanina pa, kung titingnan ang mga kamay namin, para itong perfect couple at parang tinadhana talaga kami sa isa't isa. Pero hindi, wala akong kahit kaunting nararamdaman para sa kanya and I know he feel the same. Pag meron man akong nararamdaman, kaba lang yun.
Ayokong maulit samin, yung kay mommy at daddy. Nag pakasal lang sila kasi aksidente akong naibuntis ni mommy mula kay daddy noon, nagka one night stand lang sila noon. Sabi sakin ni yaya na naging saksi sa kanila ay mula daw ng ikinasal sila ay puro sila away, hanggang sa mailuwal daw ako, away parin sila ng away, si yaya yung nagbabantay at nag aalaga sakin. Noong bata pa ako lagi akong pinapagalitan ni mommy, hindi ko alam kong bakit, at hanggang sa unti unti na akong lumalaki, unti unti ng naging malinaw sakin ang lahat.
Naglayas ako samin nong 19 ako kasi hindi ko na kayang makita yung mga away nila, sobrang raming pinagdaan ko. Kaya pinangako ko sa sarili ko na balang araw kapag nagka-pamilya ako, sisiguraduhin kong masaya at hindi puro away at kapag nag ka-anak ako hindi ko tratratuhin ng katulad ng trinato sakin ni mommy yung mga anak ko.
Pero ito yung nangyari, nagkapamilya nga ako pero aksidente rin lang.
Binabawi ko parin yung kamay ko pero ayaw parin bitawan nitong si Cylex
"You want me to let go of your hand, Shazeine?" tanong nya, napangiti ako saka mabilis tumango. Napawi ang ngiti ko ng mabilis pa sa alas kwatrong nagsalita sya ng "No" aish naman...
"Look Mr. Cylex Heampsted, Can you Just forget the thing that happened between us? Ba't ba napakabigdeal sayo 'yun?" tanong ko at napangiwi ako ng mas lalo nyang higpitin ang pagkakahawak sa kamay ko, nagdilim yung awra nya, at muntikan na akong mauntog ng bigla bigla nyang itigil yung sasakyan. Kaba. Yan ulit ang naramdaman ko.
"fuck!" he murmured, napakagat labi ako dahil sa takot, ng masama nya akong tinitigan."P-please... Bitawan mo na ako. May mga k-kailangan pa akong gawin. I told you, I don't really know who you are" hindi ako makatingin sakanya. Pilit kong binabawi ang kamay ko sakanya pero wala parin. Naiihi na ako sa kaba. Ugh!
"Wrong move Shazeine...really Wrong" sambit nya sa malamig na boses dahilan para tumigil ako sandali sa paghinga. Pinaharurot nya na ulit yung sasakyan.Mas lalo akong kinabahan ng itigil nya ang sasakyan sa harap ng hotel kung saan may nangyari samin. Inis syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto then he drag me papasok sa hotel at patungong elevator.
Napasinghap ako ng bigla ay isandal niya ako sa pinto ng elevator pagkasara na pagkasara nito. Sa kamalas malasang kami lang ang tao dito! Napalunok ako ng ipagduludulan niya ang sarili niya saakin. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya.Humahangos si Cylex sa hindi ko malamang dahilan. Tiim bagang siyang nakatingin saakin and the anger in his eyes scares me.
"You're not going home tonight, Shazeine" matigas at seryoso niyang saad. Napamaang ako at napamulagat dahil sa sinabi niya. Natataranta.
"W-what? I need to go home...hinahanap na ako ng mga a---" pagpatul ko sa sasabihin ko, muntik na yun ah. Hindi niya dapat 'yun malaman! Baka kunin niya yung mga anak ko sakin. At yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Hindi ako makatingin sakanya. Tumatama ang mabangong hininga niya sa pisngi ko at kinikilabutan ako kapag nararamdaman ko ang init nun. Napakalapit naman kasi!
"You're not going home." muli ay matigas at may pinalidad nitong saad. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis at nagawa kong humarap sakanya kahit pa ilang dangkal nalang ang layo ng mukha niya saakin. Nakipagtitigan ako sa mga mata niyang may galit at inis.
"Pwede ba? Ibalik mo na ako. Uulitin ko, Hindi kita kilala!" I lied, again. Mas lalong nangalit ang mukha niya. Kumuyom ang mga kamao niyang nakasandal sa pinto ng elevator at nagtiim ang bagang niya.
Agad kong pinagsisihan ang sinabi ko ng halos higitin ko ang aking hininga ng bigla ay hapitin niya ako sa bewang at siilin ng halik.
O_O
"U-uhm!!"Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko ng maramdaman ko ang malambot niyang labi na nakalapat sa labi ko.
Pero dahil sa gulat ay malaya niyang naipasok ang naglulumikot niyang dila sa bibig ko!Holly hell! This kiss! Imbis na maasiwa dahil hindi ko pa nararansan ang ganitong halik kailanman ay napapapikit pa ako sa hindi malamang dahilan. Nagkanda gusot gusot na ang kanyang polo dahil sa higpit ng kapit ko dun.
"Uhm!" Napalo ko siya sa braso ng bigla ay kagatin niya ang pangibabang labi ko. Ramdam ko ang sakit nun ngunit hindi parin siya tumigil. Marahas ang mga galaw at halik niya. Iba sa naaalala ko sakanya nung gabing 'yun.
Itinabingi niya ang kanyang ulo at kinabig ako sa batok para mas mapalalim ang halik. Hindi ko na napigilan ang ungol na kumawala sa bibig ko. Kinakapos na ako ng hangin pero hindi parin siya humihinto, sa halip ay mas nababaliw pa siya sa paghalik saakin.
Tumaas kamay niyang may mahigpit na kapit saaking bewang patungo sa braso ko. Nagsitindigan ang balahibo ko dahil dun.
Ng sa wakas ay siguro kinapos na rin siya ng hininga ay ilinayo niya na ang kanyang labi saakin ngunit hindi parin dumidistansya ang katawan niya saakin maging ang lapit ng kanyang mukha sa mukha ko. Parehas kaming naghahabol ng hininga at pinagpapawisan.
Damn!
"Hindi mo parin ba ako kilala? I have my ways to make you remember me and what we both have shared that one hot night in this same hotel, Shazeine Wayne" malamig at seryoso niyang saad. Napaiwas nalang ako ng tingin at hindi sumagot. Bumabang muli ang isang kamay niya patungo sa bewang ko at ang isa naman ay nanatili sa braso ko. Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang paglalaro niya roon. Dahan dahang nag tataas baba ang daliri niya sa braso ko. Minsan ay umiikot na tila gumuguhit ng bilog. Nakikiliti naman ako. Urgh! Ito nanaman...ang kakaibang nararamdaman ko.
ArianAsher
YOU ARE READING
His Wet Kisses
General FictionShazeine Wayne wakes up with a Perfectly Handsome Stranger beside her. Knowing that the stranger is a obsessive beast, she escape and hide.