CHAPTER 6

71 12 7
                                    

pauwi na kami ngayon ni Erica, napag isip-isipan na naming umuwi bago pa matanggal ang kamay ko kakahatak ng babaitang to.

pano ba naman kasi eh kalalabas pa lang ng uniqlo aba hinatak agad ako ng babaeng ito papunta naman sa penshoppe sumunod naman sa oxy, H&M at forever 21.

kuripot kuripot kong babae, hatakin daw ba ko sa mga mamahaling brand???!!

nakababa na ako ng sasakyan at nagpasalamat kay Erica at
kay Mang Ruel.

"oh anak, ginabi ka na. hindi mo naman ata masyadong naenjoy sa mall" bungad na sabi ni mama at napatingin sa mga paper bags na dala ko

"eh si kuya po ba, nandiyan na?" tanong ko kay mama na sakto naman ang siyang pagbaba ni kuya

"oh princess, saan ka galing?" tanong ni kuya

"lumabas lang kami ni Erica saglit"

"kailan pa naging saglit ang ginabi?" aba! taray mo ah. "wow, mama look. am i IMAGINING? princess bought all of this?" gulat na tanong nito kay mama, at diniin pa talaga ang IMAGINING??!

"bago yon diba? nagulat din ako e. ang kapatid mo at ang anak kong kuripot ay may bitbit na higit sa dalawang mamahaling paper bag" aba.

"ano ba naman kayo, hayaan niyo na. minsan lang yan oh, tignan mo bukas ukay-ukay nalang" sabat din ni papa.

"bawal? bawal??? minsan lang e, selflove tawag dito no! akyat na nga po ako." pasimangot kong sagot at nagdabog paalis.

aba, pagka-isahan daw ba ako?? ugh kainis! minsan lang naman ako bumili ng ganto ah, pag talaga to inaraw araw ko baka magulat sila hmp.

ginawa ko na ang dapat gawin bago matulog at nag suot ng terno na pantulog, hindi na ako nag abalang kumain dahil busog naman na ko dahil nag McDo kami ni Erica kanina.

_____________________________

"anak angel, gising na at bumangon ka na diyan nang makapag ayos ka na"

minulat ko ang aking mga mata at si mama ang tumambad saakin.

"bakit po ma, anong meron?" maantok antok ko pang tanong rito.

"linggo ngayon anak, mag sisimba tayong apat."

oo nga pala, family date. argh!

"bumangon ka na diyan at mag ayos na ha, sumunod ka sa baba nang makapag almusal bago umalis"

tinanguan ko nalang si mama habang pinipilit labanan ang antok, sobrang gusto ko pa matulog hays.

matapos ko maligo ay nagtungo na ko sa closet ko, nag suot nalang ako ng mom jeans at white shirt pang itaas dahil church ang punta namin at airforce shoes.

tumungo naman ako sa harap ng salamin upang makapag ayos ayos ng mukha. naglagay lang ako ng onting blush on at liptint dahil di naman ako mahilig sa make up at nag curl ng eyelashes. nagsuot nalang din ako ng rolex at pearl necklace at hinayaang nakalugay ang buhok.

and charaaan!! thats it. simplicity is beauty and im born to be beautiful.

charot!

i took my tote bag and my phone at naisipan ko ng bumaba dahil tapos naman na ako mag ayos.

A Fan Girl's LoveWhere stories live. Discover now