CHAPTER 3

64 12 1
                                    

nagising nalang ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko, hindi pala ako nagising sa alarm ko sa sarap ng tulog dahil sa pagod.

agad nalang akong naghilamos at nag ayos para bumaba, di naman na nila ako kagagalitan dahil pati narin naman sila sanay na sa pagiging late ko. watta lazybitch.

si mama at papa na nanonood sa sala ang naabutan ko, nakaalis na siguro si Kuya dahil lagi namang maaga yon nakaraan lang kami nagkasabay dahil nagkataon maaga ako nagising.

"goodmorning pa, ma." sigaw ko habang patuloy ang lakad papuntang lamesa.

di na ko nag abalang ibeso pa sila dahil magmamadali nadin ako. odiba? late late magising tas magmamadali wew. pero may kasabihan ako, pag late ka na wag ka na tumakbo. chill ka lang tutal late ka narin lang naman diba.

"mabuti naman at nagising ka na, dalian mo kumain diyan nang makapag ayos ka na. bumalik ka nanaman sa gawi mo ha" ma, bati ba yan o insulto? wew keaga aga ma ha.

"chill lang ma, wala namang bago e heheh" minadali ko nalang ang pagkain ko, may allowance pa naman ako kaya bili nalang pag nagutom.

pagkatapos ko kumain ay umakyat na ko, syempre para makaligo na at mag ayos. di naman pwedeng pumasok ng may panis na laway pa sa pinge lol. nagdagdag nadin ako ng pabango hehe si papi chico kasi panay na ang paglapit namin wiw.

hinayaan ko nalang na nakabagsak ang wavy long brown hair ko, shiny naman kasi siya kaya walang problema kahit hindi ko na siya masyadong ayusin. bumaba na ko after ko gawin ang mga dapat gawin.

"ma, pa, alis na po ang maganda niyong anak" sigaw ko habang nagpapatuloy papuntang pintuan.

"mag iingat ang tamad naming anak" wew naman si papa panira, bagay nga talaga sila ni mama tss. di daw ba suportahan ang anak? apakasama.

naglalakad na ko papuntang school, lakad takbo nga ata to HAHAHAHAH ayan. late paramoreee. nang makarating naman ako sa tapat ng school ay pinapasok agad ako, buti nalang talaga tropa kami neto ni manong guard hays.

papunta na kong room, medyo kabado pa. e yung first subj kasi mas malupit pa sa malupit. di manlang marunong tumanggap ng rason amp.

nakarating na ko sa paroroonan ko, at eto na nga. parang aabot na nga ata ang kilay ni ma'am sa kisame wew.

"why are you late Ms. Valencia?" with matching taas pa ng kilay yan tas tingin taas baba. wandat sundutin ko mata neto joke.

"eh ma'am kasi po may nag aaway po kasi kanina sa daan, may mga dalang kutsilyo kaya hindi po ako makadaan agad." pagpapaliwanag ko with matching actions pa para maniwala. tangena taleno ko talaga haixt.

pero deep inside kabado na talaga ko, sana nalang talaga maniwala si ma'am kahit ngayon lang.

"take your seat"

wew ganon nalang yon? sayang naman actions ko. pero okay nadin atlis napaniwala hehe.

"nice reason w/ action, its the ✨facial expression✨ for me luv HAHAHAHAHA"

napabalikwas ako ng tingin sa katabi ko ng marinig kong magsalita ito, actually insulto yon e. kapal ng mukha neto kung di lang to gwapo di ako nagdalawang isip na sapakin to.

"oh, really? thanks for appreciation, i'll do better for you next time." uhuh, kala mo di kita lalabanan. amats kang siraulo ka ha.

napa 'oh' form nalang ang bibig niya ng di niya inaasahang sasagot ako ng ganoon sakaniya.

A Fan Girl's LoveWhere stories live. Discover now