CHAPTER 4

63 12 2
                                    

matapos ang ilang minutong pakikinig at pakikipag laban sa antok ay sawakas uwian nadin.

naglalakad na ko sa hallway kasabay ng mga studyanteng magsisi-uwian nadin.

patungo na sana ako sa locker ko ng maalalang mag iiwan muna pala ko ng iilang gamit ko para bawas bitbit bukas, nang bigla bigla namang sumusulpot itong si erica.

yung totoo teh, kabute ka ba?

"hi angel! di kita natabihan kanina kasi ayokong istorbohin ang kilig mo" aniya na tumatawa na gumigiggle na ewan ko sayo buset.

"huh? anong kilig ka diyan. hindi ah, kanino naman ako kikiligin duh." oh crap. kanino pa bA

"uhuh, talaga lang ha HAHAHAHAHAH" happy? happy?? "eh ano ba talaga ang ganap sainyo ni Paulo? mukhang nagkaka mabutihan talaga kayo e" sunod sunod naman niyang tanong. habang nag aayos ako sa locker.

"uh, wala. friends, bakit? friends... palang.

"sus, duda ako e. pustahan kinabukasan manliligaw na yan sayo"

"ng ganon kabilis? hahaha, di naman siguro." "alam mo wag na muna nating pag usapan yan. uwi na tayo" saad ko at tumango naman ito.

nakalabas na kami ng school. doon lang kami nagkasabay ni erica dahil magka iba ang way namin pauwi kaya nag paalam narin siya.

i can't stop thinking about sa mga sinabi ni erica, about that? uh. impossible! pero kung mangyayare man, imposible padin letche.

di ko napansin na nasa tapat na pala ko ng bahay namin kaiisip sa kung ano man yon, pero sana nga. malay hehe.

"oh, anyare sa mukha mo? para kang naluge sa palengke" di ko nalang pinansin ang sinabi ni mama habang naghuhubad ng sapatos.

"biro lang anak, pero may problema ka ba?" napansin siguro niyang seryoso mukha ko hahahaha si mama talaga.

"wala po 'to ma, antok lang po siguro"

"ah sige anak, akyat ka na muna para makapag pahinga ka. bumaba ka nalang pag nagugutom ka ha, may merienda sa lamesa" nakangiting saad ni mama

niyakap ko lang ito mula sa likuran "opo mama, salamat po. akyat na po ako"

nagbihis na muna ko atsaka ibinagsak ang sarili sa kama. grabe, feel ko pagod na pagod ako tho im not.

laging mukha ni paulo ang nakikita ko sa tuwing pipikit ako, at mukha niya padin hanggang sa pagmulat ko. ugh! u dumbass.

napag isipan kong maglibang kaya naman ipapasyal ko nalang muna ang aso naming si cholo. lagi kasing tulog kaya walang sumasalubong sakin tuwing uuwi ako tsk. cute cute pa naman, tulog mantika naman.

nagpaalam na ko kay mama na magpapa-hangin muna sa labas kasama ni cholo. atsaka kami naglibot na dalawa. lakad takbo naman kasi tong si cholo kaya pati ako ganon narin ang ginagawa dahil anlakas niya.

kinuha ko ang phone ko and i took a picture of him. ang fluffy lang kasi niya, sumasabay sa hangin ang balahibo. inistory ko ito sa instagram ko. with caption ng "walking with my cutie baby cholo❤️"

itinago ko na ang phone ko at nagpatuloy kami sa paglalakad nang may mapansin akong naka hoody ng black n white at may kasama din siyang dog. the guy looks familiar.

at hindi nga ko nagkakamali, sabi na nga ba't familiar ang nakatalikod na lalaki. matangkad, fluffy hair. tss, walang iba kundi si paulo.

napaiwas ako ng tingin ng napatingin siya sa gawi namin ni cholo, hindi man ako nakatingin pero kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata na papalapit na siyaa pati ang kaniyang aso.

"uhm, hi?" luh? kung makabati parang di kilala.

"uh, hehe hello" awkward akong ngumiti sakaniya

"shytype huh" he chuckle. "ow, hii baby boy" bati nito kay cholo. lumapit naman ang aso ko sakaniya habang malikot ang buntot.

"i guess, he likes me. sana yung amo din." aniya na may kadugtong pa pero mahina lang kaya di ko naintindihan.

"ha? di ko narinig"

"hahaha, wala. kung ano ano naririnig mo." tumango tango nalang ako.

napansing kong may ribbon ang aso niya kaya ngayon ko lang masasabing babae ang kaniya.

"ow, hii baby girl" i mocked him. lumapit ang aso niya sakin at dinilaan ang kamay ko. "i guess, she likes me" i chuckle. napangiti naman si paulo. siraulo ata to

nagpatuloy nalang kami maglakad, at ngayon ay kasabay ko na si paulo at ang kaniyang dog.

"ano name niya?" i asked.

"chloe, yours?" nguso niya sa aso ko

"cholo" ngiting saad ko.

"wow, same C huh. ang ganda ng name" namamangha niyang sagot

"hahaha, yung sayo din" di naman ako yung sinabihan ng maganda pero yung puso ko yung bumibilis ang tibok.

"so, we're matchy matchy pala hahahaha. we're both wearing hoodies" nakakalokong tono niya

"oo nga no, ngayon ko lang din napansin hahahaha" i lied.

"bagay tayo"

gulat siyang napatingin sakin

"no no no no, i mean sila. sila. bagay sila. si chloe tsaka cholo. what the fawk" iling iling kong paliwanag. hays, baka di siya maniwala. y naman kasi na ppre-occupied ako when im with him.

"sounds defensive huh" eto na nga ba sinasabi ko e.

"well, i agree. bagay naman talaga tayo" napatingin ako sakaniya "i mean, sila." nakakaloko siyang tumawa.

permission manakal sir?

malapit nadin pala mag dilim, grabe ilang oras na ba kaming naglalakad ni cholo? baka uhaw na to di ko pa napapansin. sorry cholo hehe, nakasama naman natin daddy mo e joke.

"tingin ko kailangan na naming umuwi ni cholo, baka hinahanap nadin kasi kami ni mama. ang sabi ko lang kasi magpapahangin e" pagpapaalam ko

"ah ganon ba, sige. uwi na tayo, pinasyal ko din naman si chloe saglit. pero parang di ata saglit yun hahahaha"

"hahahahah, sige una na kami ha." yumuko ako at hinaplos si Chloe "bye bebe girl, see u again"

"say bye mommy chloe" nagulat ako sa sinabi ni paulo pero agad niya ding binawi yon "chill, just joking. mag ingat kayo. see you tom angel bye!"

napangiti naman ako at kumaway sabay alis namin ni cholo. nagkahiwalay na kami kaya naman nagmadali na kami ni cholo umuwi. ilang oras din pala kaming nasa labas ni cholo huhu

pagkapasok namin sa bahay ay agad ko namang pinainom si cholo na grabe ang uhaw

"sorry baby hehe, atlis nakita mo ang baby girl mo at ang daddy mo" soon mwehehehe

------------------------------ keep supporting my story. lovelots☺️❤️

A Fan Girl's LoveWhere stories live. Discover now