"Otanjoubi Omedetou ne CJ-kun !"
"Otanjoubi Omedetou Matsune-san!"
Yan puro ganyan ang naririnig ko ngayon....Ewan ko ba kung bakit kelangan pa mag celebrate ako ng birthday ko...Di naman ako mahilig makisalamuha sa mga tao :3....Hays makapunta na nga lang sa kwarto...
"Jade-sama,hinahanap ka po ng mga bisita sa labas." Sabi saakin ng butler namin.
"I'm tired. Kayo na ang bahalang mag entertain sakanila." Sabi ko nalang tsaka tumuloy sa taas...
Pag bukas ko ng pinto,ang dilim..Bubuksan ko na sana yung ilaw nang may maramdaman akong kumakaluskos... Nagpasya akong pumasok nang tahimik para mahuli kung sino man yun...Tumingin tingin ako sa paligid pero wala namang tao...Tapos ayan nanaman yung kaluskos...Biglang sumarado yung pinto kaya napatingin ako sa likod ko...Biglang may kung anong sumugod saakin..Nakamaskara siya na kulay pula tapos naka black na cape...Sinubukan kong pumiglas mula sa pagkakahawak niya pero malakas masyado ang isang to...Tapos bigla siyang bumulong ng ganto "Maghanda ka,nalalapit na ang takdang panahon" Pagkatapos ay unti unti siyang naglaho...Sobra namang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya pero ano daw ? Takdang panahon ? Ano yun ?....Hindi na ako nakababa pa pagkatapos noon..Tulala lang ako sa kwarto ko magdamag...
Kinaumagahan,hindi ko parin maisip kung panaginip lang ba Yung nakamaskara kagabi...
Biglang may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko,si Mr.Rigor pala,yung butler namin..
"Young master,okay na po ba ang pakiramdam niyo? hindi na po kasi kayo ulit nakababa kagabi..."nag aalalang sabi ng matanda.Naalala ko nanaman tuloy tung nakamaskara..
"Young master?"ulit pa niya
"A-ah oo ayos na ako.. Medyo nahilo lang ako kagabi.."Sagot ko nalang
"Mabuti naman po kung ganoon..Breakfast is ready."sabi niya sabay bow atsaka umalis...
Habang kumakain ako,biglang nagsalita si Mr.Rigor.
"Young master,nagpadala po ng sulat ang lolo niyo at pinapapunta kayo sa mansyon niya."
"Teka ,parang biglaan naman yata akong pinatawag ni lolo.." sabi ko
"Wala po siyang sinabing dahilan pero hanggat maaari daw po ay pumunta kayo doon."
Hayysst...Sige na nga,first time ko rin naman makapunta doon...
"Ok.Pakihanda nalang yung mga dadalhin ko."
Nag bow lang siya tapos umakyat na sa kwarto ko.
Pagkalabas ko ng pinto,agad akong sinalubong ng driver namin at sinabing handa na ang sasakyan.
Matapos ang halos apat na oras na biyahe ay nakarating din kami sa bahay ng lolo ko...Grabe din ang trip ni lolo,talagang sa tuktok ng bundok tumira :3...
Pagkababa ko sa sasakyan,Literal na napanganga ako sa nakita ko... Isang Old Japanese style Mansion ang nasa harapan ko ngayon....Medyo creepy lols...
Tapos biglang lumabas si Lolo at sinalubong ako...Tinawag niya ang mga tauhan niya doon at pinabitbit ang gamit ko sa magiging kwarto ko daw...
"Happy seventeenth birthday apo..." Bati niya saakin...
"Lo tapos na,kahapon pa po.Thanks by the way."
Nginitian naman niya ako pagkatapos...Pumasok na kami sa loob at hindi ako nagkamali,medyo creepy nga sa loob..Puro mga antique ang gamit na parang pag hinawakan mo,magiging alikabok sa sobrang rupok...Iniwan naman niya ako saglit at may aasikasuhin daw siya...Naisipan ko namang libutin ang buong mansion nang mapunta ako sa bakuran...Doon ay may Isang kakaibang kwarto na nakasarado..Samay pinto ay may mga kung ano anong papel tapos may japanese characters na hindi ko alam kung para saan...Hindi ko alam pero parang unti unti akong hinihila ng kung anong pwersa papalapit doon...Hahawakan ko na sana yung pinto nang biglang may tumawag saakin...
"Apo,kumain ka muna at alam kong mahaba ang biyahe mo..." sigaw ni lolo...
Napalingon naman ako sakanya at sumunod..Medyo gutom na nga ako..
Habang kumakain kami ay nagsalita si lolo..Biglang naging seryoso ang mukha niya...
"CJ,apo, huwag kang lalapit doon sa kwarto sa likod." Sabi niya bigla kaya nagtaka ako...
"Bakit po?"
"Basta makinig ka nalang apo.." Seryosong sabi niya at hindi na ulit kumibo.
"CJ-sama,breakfast is ready" sabi ng isang katulong matapos kumatok kaya bumangon narin ako...Pagka hilamos at sipilyo ko ay pumunta narin ako sa dining area..Matapos kong kumain ay nagpasya akong lumabas at maglibot sa gubat...Medyo nakaka relax nga ang ambiance ng lugar dahil napaka tahimik tapos puro huni lang ng mga ibon ang maririnig mo... nang medyo napagod ako ay nagpasya na akong bumalik pero habang naglalakad ay may naramdaman akong sumusunod saakin..Binilisan ko ang paglalakad at patingin tingin din ako sa likuran ko pero pagharap ko ulit,nandoon nanaman yung nakamaskara.."Sino kaba ? ano bang kailangan mo sakin ?"
Sa halip na sumagot ay tinawanan niya lang ako...Pagkatapos ay naglaho nanaman siya..Sino ba yun ? At pano niya ako nasundan dito ?
Pagkabalik ko sa mansion ay tinanong ko si lolo kung may alam ba siya tungkol sa lalaking naka maskara...
"Anong naka maskara? Apo,baka naman namamalik mata ka lang..
Kinagabihan....
Matutulog na dapat ako pero parang may naaninag akong anino...At hindi nga ako nagkamali,andoon nanaman yung naka maskara.
Sinundan ko siya at napunta ako sa likod ng bahay...Bigla siyang nawala at Nagulat ako nang may pwersang humahatak saakin papunta doon sa kwarto na pinagbabawal ni lolong lapitan ko.At nang nasa harapan na ako ng pinto,Biglang lumitaw yung naka maskara..May binulong siya sa hangin at biglang may lumutang na kwintas papunta saakin.Parang yun yung nakita ko sa kwarto kanina... Nang masuot saakin yung Kwintas na nakalimutan ko na yung tawag,bigla akong nakaramdam ng init...Sobrang init sa loob ng katawan ko at nakita kong may markang lumabas sa kanang braso ko...Tapos ay naramdaman kung tinulak ako ng nakamaskara sa nakabukas na palang pinto..Pagkatapos ay nagdilim na ang paligid.