Habang naglalakad sa kagubatan ay tinanong ko siya..
"Saan tayo pupunta?"
"Hindi ko alam.. Basta kailangan nating lumayo sa palasyo.Gusto ng hari na mapasakanya ang Aqua at flame piece na hawak natin.."
"Ayon sa libro,tayo ay nasa hilagang bahagi ng Alterra...Pag tinahak natin ito ay sa Althos tayo mapupunta."Sabi ko habang binabasa ko yung libro
"Dinala mo pala yan?"sabi niya
"Oo.Kailangan ko ng sapat na impormasyon tungkol sa lugar na ito pero may alam ka ba kung paano makakabalik sa mundo ko? Kung protector din ako,bakit hindi ako dito ipinanganak?" tanong ko sakanya..
"Hindi rin naman ako dito ipinanganak..Limang buwan na ang nakakalipas mula nang mapunta ako dito
Yuri's POV
Flashback 6 months ago..
"Waaaaaaaaaah! namiss ko din dito sa Japan..."
Andito ako ngayon sa Japan para bisitahin ang lolo ko sa isang shrine na pag mamay ari ng pamilya ko... San nga ba yung daan ? hmmm..
Ah naalala ko na....
1hour later,sa Shrine**************
"Konichiwa Yuri-sama" Bati saakin ng isa sa mga tauhan namin doon sabay bow.
"Konichiwa" Ganti ko at nag bow din..
"Nasaan si Ojii-san?" tanong ko
"Wala pa po,naglakad lakad sandali pero pabalik na rin po yun.."Sagot niya naman..
"Ah sige,mag iikot ikot muna ako dito sa shrine..." sabi ko naman tapos nag bow na siya...
Grabe,namiss ko rin tong lugar na to..3 years narin ang nakalilipas mula nang bumalik ako dito..
Habang naglalakad lakad ako,napansin ko na medyo madilim na kaya nagpasya na akong bumalik...Medyo lampa ako kaya naman natisod ako at napasandal sa isang lumang pinto at bumukas ito...Hindi ko alam pero may kung anong creepy dun sa loob kaya naman nagmadali akong tumayo..Paalis na sana ako nang makarinig ako ng isang mahinang usal..Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya pero nagulat ako nang biglang may sumuot na kwintas saakin at ang pakiramdam ko,para akong nalulunod..Halos hindi ako makahinga..Bago ako mawalan ng malay ay nakakita ako ng taong nakamaskara-"
"Sandali ! Nakamaskara? Kulay pula rin ba yung kulay ng maskara niya?" Pagputol nung vulk sa kwento ko.
"Hindi ! alam mo,patapusin mo muna ako.Ayaw ko sa lahat yung biglang sisingit habang may sinasabi ako."Sabi ko sakanya..Nakakainis eh -_-
"Edi ayun na nga,ang huli kong nakita ay taong nakamaskara nang kulay asul na dragon..Pagtapos ay nagdilim na ang lahat...Nang magising ako ay nasa kagubatan na ako,malapit dun sa lugar kung saan kita nakita...Hindi ko alam kung saan ako pupunta noon at natatakot na ako dahil malapit nang lumubog ang araw..Bigla pang may lumitaw na sludge o yung mga nakakadiring nilalang,para silang slime,mas malaki at nakakatakot nga lang..Hindi ko na alam ang gagawin ko,naninigas ako sa takot kaya pumikit nalang ako at hinintay ang mangyayari pero lima o sampung segundo na ang nakalipas pero wala paring tumatama saakin..Nang idilat ko ang mata ko, nakita kong nakabalot na sa yelo ang sludge at isang lalaking medyo may edad na ang tuluyang pumaslang dito..Nagpakilala siya saakin bilang isang hari at dinala ako sa palasyo,Pinakain at pinabihisan ng magarang kasuotan..Nagtaka naman ako kung bakit ganoon na lamang ang pagtanngap nila saakin kaya nag tanong ako ngunit hindi naman ako sinagot sa halip ay pinabasa saakin yung libro ng Alterra at ipinaintindi saakin ang kapalaran ko..Nagtanong naman ako kung paano ako makakabalik sa mundo ng mga mortal..Kakailanganin ko daw ang kapangyarihan ng Core Gem kaya naman nagsanay ako sa ilalim ng heneral,pana at palaso ang napili kong sandata at tinuruan din nila akong gamitin ang kapangyarihan ko bilang isang Kurr at iniugnay nila ito sa sandata ko... Kaya kong gawing yelo ang kalaban sa pamamagitan ng palaso ko pero kailangan ng maraming enerhiya kaya hindi pwedeng padalos dalos ang paggamit ng kapangyarihan ko..Tatlong buwan akong nag ensayo..Naaalala mo ba nung niligtas kita mula sa cyclops na umatake sayo? kakagaling ko lang noon sa pag eensayo..Hanggang sa marinig ko nga kanina ang pinag uusapan ng hari at ng isa pang hindi ko kilala" Mahabang pagkukuwento ko sa vulk..