Chapter 4

5 1 0
                                    

CJ's POV

Ang sakit ng likod ko =_=.Pagka gising ko,nakagapos ang kamay ko pero kulay itim yung lubid at parang kuryente..Nakakulong pala kami

"Huy"sabi ko,ginigising ko si Yuri.Wala parin kasi siyang malay hanggang ngayon...Nang magising na siya ay nag isip kami ng paraan para makatakas..

Habang nag uusap kami,may mga yabag  na papalapit at lumitaw ang heneral.

"Ikaw !" galit na sabi ko sakanya..

"Gishki ang pangalan ko,estranghero..Tandaan mo yan.Kung ako sa inyo,hindi na ako muling magtatangkang tumakas para masaksihan ko pa ang kadilimang darating..Ahahahahaha !" Sabi niya habang naglalakad paalis.

Ilang minuto ang nakalipas..

"Ano ba,bitawan niyo nga ako ! ang papanget niyo ! Bitaw sabi !"Sigaw ng isang hindi kilalang boses 

"Aray ! eto na,nakasunod na nga oh !"Sabi pa nito..Mukhang lalaki ang may ari ng boses.

Biglang lumitaw ang isang lalaki na kala-kaladkad ng mga kawal, bago itinapon sa selda kung nasaan kami..Umilaw ang mga marka namin sa katawan at pag tingin namin sa lalaki,naka ngiti lang ito,pinakita ang kanyang marka sa bandang leeg at nagpakilala..

"Red Chizuki,Light piece protector at your service !"masiglang sabi pa niya.Baliw to..Sigurado ako dun.Baliw to.

"Nakita kong dinakip kayo kanina sa gubat kaya naman pinuntahan ko kayo rito para iligtas" Sabi pa niya.Baliw nga =_=

"Engot kaba? paano mo kami ililigtas eh nakagapos karin?" Sabi ko.Kainis to =_=

"Ewan ko" Sabi niya sabay talikod saakin at humarap kay Yuri at ito naman ang kinulit.

"Yuri,wag mo pansinin yan.Baliw yan."sabi ko.Totoo naman eh. 

"Hoy ! baka gusto mong hindi kita iligtas!" sabi niya saakin.

"Edi wag ! Ni hindi mo nga kayang iligtas yang sarili mo eh !"Sigaw ko sakanya. Badtrip to ah.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinignan ko rin siya ng masama. kala niya papatalo ako? huh !

Yuri's POV

Haisst =_= Perwisyo na nga yung isa,dumagdag pa to :3

"Tumigil na nga kayong dalawa.para kayong mga bata"Saway ko sakanila..

"Bakit ka naman nila hinuli? Imposibleng dahil iyon sa ikaw ay isang protector din..Dahil kung ganoon nga,malamang ay mabuti ang pakikisama nila sa iyo at hindi ka ikukulong dito"Sabi ko dun kay Red.

"Hindi ah,hindi nga nila alam na protector ako eh.Binatukan ko yung gwardiya sa tarangkahan ng palasyo"Casual na sagot niya

"Engot talaga"Singit nung vulk at ayan nanaman sila,nagbangayan nanaman =_=

Haiist,haiisst at haissttt  =_=..

Nagising ako dahil sinisipa ako ni Red.Ganun din ang ginawa niya sa vulk

"Ano ba !" sigaw sakanya nung vulk

"Shhh.wag kang maingay,tatakas na tayo."Sabi nito pero hindi siya pinansin nung vulk at natulog lang ulit.

"Purify!"Mahinang sambit niya at biglang naglaho yung mga nakagapos saamin,maging yung sa vulk ay nawala rin kaya gumising narin ito..

"Paan-" hindi na naituloy nung vulk yung sasabihin niya dahil nagsalita agad si Red

"Mamaya mo na ako hangaan,gamitin mo muna yung kapangyarihan mo para mawasak na yung pader.Sa pagkakaalam ko,sa likod ng palasyo ang labas natin.Dali na"Sabi ni Red.

Ilang segundong nakatingin sakanya yung vulk bago nag salita.

"Kung kaya ko lang,wala tayo pare pareho dito ngayon."sabi nung vulk,oo nga pala.Hindi pa niya alam gamitin ang kapangyarihan niya..

"Kung hawak ko lang sana ang sandata ko,madali na tayong makakatakas dito."Sabi ko.

"Pumikit ka lang at mag concentrate.Kaya mo yan !"Sabi ni Red sa vulk

Kahit nag aalangan ay ginawa iyon ng vulk.

Maya maya pa ay lumitaw ang marka niya sa braso at umilaw iyon ng napaka liwanag ngunit naglaho rin agad at napaluhod yung vulk.

Halos di ako makagalaw dahil ang lakas ng enerhiyang pinakawalan niya

"Ikaw ! Napakalakas ng enerhiya mo !At yung marka mo ! Sino kaba talaga?!"Gulat na tanong ni Red.Maging ako ay nagulat din..

Hindi naman nakasagot yung vulk dahil nanghihina pa siya ..

"Hindi ako pwedeng magkamali,iyon ang marka ng four divine blades !"Sabi pa ni Red at talagang natulala na ako..Four divine blades? Ang vulk na ito ang may hawak sakanila? grabe.

Tinulungan ko siyang tumayo ngunit tahimik parin siya.Maya maya pa'y pumikit ulit siya at muling umilaw ang marka niya..Biglang uminit ang paligid at lumitaw ang isang bolang apoy sa kamay nung vulk.Pinalipad niya iyon patungo sa pader,dahilan ng pagkawasak nito...Tuluyan namang natumba yung vulk kaya inakay ko siya palabas...Malapit na kami sa gubat nang biglang may magsalita.

"Kahanga hanga ang enerhiya ng estrangherong iyan.Sayang nga lang at mawawala na siya sa mundo kasama niyo.Ahahahaha !"Si Gishki, at may kasama pa siyang dalawa na nakatakip ng itim ang buong katawan..Mata lang nila ang nakalabas..Hindi maganda ang kutob ko sa mga iyon...

Bumulong si Red."Pagbilang kong tatlo,tumakbo na tayo sa kagubatan,Maghiwahiwalay tayo..Magkita nalang tayo sa pinaka malapit na baryo.Maliwanag ba? Isa,dalawa,Takbo !"sigaw niya..

Medyo mabagal ako dahil akay akay ko parin yung vulk..halos hindi pa siya makalakad..

Pag lingon ko sa likod,halos mahabol na kami nung dalawa,hanggang sa wala na kaming matakbuhan dahil bangin na yung nasa harap namin at sa ilalim nito ay rumaragasang tubig.Dahan dahang lumalapit saamin yung mga kalaban."Patay."

Red's POV

"Sana ay ayos lang sila" sabi ko

paglingon ko ay mabilis na humahabol yung heneral saakin..Ang bilis naman ng isang to =_=

mukhang wala na akong magagawa kaya huminto na ako at hinarap siya...

"Oh,bakit ka tumigil sa pagtakbo?Pagod ka na agad?"Nang aasar niyang sabi saakin

"Hindi..Tatalunin nalang muna kita para walang istorbo sa paglalakbay ko !"sabi ko sabay sugod sakanya.

World of Immortals:ALTERRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon