CHAPTER 5

6 0 0
                                    



"Flammus Divinus!" sigaw ko pero walang kahirap hirap niya itong sinalag.Tama nga ang hinala ko,mahihirapan ako sa isang to.

"Sa tingin mo ba'y uubra saakin ang ganyan kahinang mahika? Huwag mo akong patawanin,lux! Hailstorm !"sigaw niya at may nag form na magic circle sa ibabaw ng ulo ko kasabay ng pagbagsak ng malalaking tipak ng yelo.

"Aahh !"sigaw ko.Masyadong mabilis,hindi ko naiwasan lahat.Ang sakit.

"Empowerment ! Strength"sambit ko at naramdaman ko ang kakaibang lakas.

"Empowerment ! Agility"dagdag ko at parang gumaan ang pakiramdam ko. Ayos !

tumakbo ako papalapit sakanya at saka siya inatake.

" Flammus Divinus !" Inulit ko ang pag cast  nito ngunit wala paring epekto sakanya.Mukhang tama nga ang hinala ko,kaya niyang mag deflect ng mga atake.Susubukan kong i nullify ang mahika niya.

"Holy Prison ! Flammus Divinus !"Magkasunod kong pagsambit ng spells at nasunog ang kanang braso niya.Bull's eye ! hehe

"Talaga bang sinusubukan mo ang pasensya ko?!"Galit na sabi nito saakin.

"Bakit?Natatakot kana ba? hahahaha!"Pang aasar ko

"Grrr ! Avalanche ! Hailstorm ! Aqua Spike !" Sunod sunod na nag form ang mga magic circle sa paligid ko at wala akong matatakbuhan.Sht

"Aaaaaaaaaah !"Ang sakit,salong salo ko lahat kaya naman napatumba ako.Nakita ko namang nakangiti siyang papalapit saakin atsaka tinapakan ang ulo ko. Loko to ah. =_=

"Puro ka lang pala salita,lux."Mayabang niyang sabi

"H-heh.Ma-mahina ka."Nanghihina kong sabi pero mukhang naasar parin siya dahil mas diniinan niya ang pagtapak saakin.Argh.

"Tatapusin na kita."Kalmado ngunit may halong galit niyang sabi saakin at nakita ko nga ang pamilyar na magic circle sa ibabaw ko.

"Hindi.Hindi pwede to.Hindi ako pwedeng matalo ! May mahalaga pa akong misyon na kailangang tapusin ! Pakiusap,kahit sino...Tulong.Tulungan niyo ako kahit ngayon lang..." Sabi ko sa sarili ko at nagdasal nang taimtim sa alam kong makakatulong saakin ngayon.

Author's POV

Biglang nawala ang magic circle sa ibabaw ni Red at lumiwanag ang paligid,kasabay ng pagliwanag ng kanyang marka.May lumitaw ding bola ng ilaw at naging isang anghel na may apat na pakpak at apat na mata.

"Anong-"hindi na naituloy ni Gishki ang sasabihin dahil nang tignan siya nito ay nabalot siya ng puting apoy at namilipit siya sa sakit.Kahit nahihirapan ay nag cast siya ng spell at bigla siyang naglaho.

Si Red naman na nakatayo at nagliliwanag ang buong katawan ay biglang bumagsak.

"Maraming salamat,Lucius"Sambit niya bago tuluyang mawalan ng malay...

Sa Kagubatan kung saan patuloy na hinahabol sina Yuri at CJ

"Ang bilis naman ng dalawang unggoy na to"Pabiro kong sabi sa vulk kahit na hirap na hirap na kami sa pagtakbo.

"Sht,ang malas naman !"Sabi ko dahil bangin na ang nasa harap namin at rumaragasang tubig naman ang nasa ilalim nito.

Unti unti namang lumalapit yung dalawang ungas.

"Pagbilang kong tatlo, tatalon tayo.Isa"bulong ko sa vulk

"Ano?!nababaliw kana ba? baka mas mapaaga ang buhay natin jan!"sabi niya pero tinuloy ko parin ang pagbibilang

"dalawa,tatlo.Talon !"sigaw ko sabay talon kaya wala ring nagawa yung vulk kundi tumalon.

Sinubukan pa kaming habulin nung dalawa ngunit hindi na sumunod sa bangin.Tinignan lamang kami nito at saka umalis...Ngayon,sana ay mabuhay pa kami :3....

***SPLASH*

--------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World of Immortals:ALTERRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon